Rabies

May 17, 2011 § 55 Comments

Hay, problema.

Nakagat na naman ng aso kong si Pokeybear ang cousin ko (na kasama ko rin dito sa bahay). Pangalawang beses na ito. Una itong nangyari, Nobyembre ng nakaraang taon. Naghuhugas lang ng pinggan sa kusina si cousin. Bigla na lang siyang nilapitan ni Pokey at kinagat sa sakong. Walang mga malalalim na sugat, pero maraming mga galos. Hinugasan lang ni cousin ang kanyang sakong at pumunta na kami ng clinic. Nagpaturok lang ng anti-tetanus shots. Hindi na sya kinailangang turukan pa ng rabbies (passive) vaccine.

Pero iba ang sitwasyon ngayon.

Nakagat ulit ang cousin ko kaninang umaga lang at sobrang lalim na ng mga sugat. Grabe ang dugo. Hindi ko nakayanan. Sabi ko, “Hugasan mong mabuti. Text natin si tatay mo para masamahan ka nya sa clinic.” Grabe ang takot ko. Ayokong nakakakita ng sobrang daming dugo. Nahihilo ako. Kasama niya si tito, pumunta na sila ng clinic. Hindi na ako mapakali. Naiyak na ako.

Labin-dalawang shots daw ang kinakailangan. Dalawang vials ng ERIG at ng kung anu-ano pang mga gamot. Halos 9 libong piso lahat ang magagastos. Problema nga kasi malaking pera rin yun. Pero mas mahalaga ang buhay ng cousin ko kesa sa pera. Medyo okay na rin ang pakiramdam ko at nabigyan na si cousin ng gamot at ATS.

Meron lang bumabagabag lang sa isipan ko. Sa pagkakaintindi ko lang kasi, kapag regular na nababakunahan ang isang aso laban sa rabies, eh maaari na nating i-assume na rabies-free na ang aso. Pero mali pala. Dahil nabakunahan man o wala ang isang aso, eh kelangan pa rin daw kumuha ng mga injections. Kaya naguluhan lang talaga ako. Eto raw kasi ang sabi ng doctor.. “Kahit pa may nabakunahan na ang aso, kailangan pa ring injectionan ang nakagat.” Kaya parang useless lang. Regular naman kasing nababakunahan si Pokey. Kada taon, walang mintis. (2 years old palang si Pokey). Hindi ko rin sila pinapayagang lumabas ng bahay at sumama sa ibang aso. Pero eto nga..

Para saan nga ba ang anti-rabies na bakuna? Hindi ko lang maintindihan, pero magpapatuloy pa rin naman ako sa pagpapabakuna sa mga alaga kong aso.

Medyo okay na ako ngayon. Medyo nakahinga na ng maluwag kasi alam kong nabigyan na si cousin ng first aid. Kanina kasi, grabe ang iyak ko. Todo iyak. Kinausap ko pa sa Pokey.

Bakit mo ba kinagat ulit si ____? Pumasok lang ng kwarto yun para ibalik yung notebook na hiniram nya, hinabol mo na agad. Natatakot na ako para sayo, Pokey. Baka kasi.. baka kasi.. iutos nila nanay at tatay na… patayin ka na lang. Hindi tamang nangangagat ka ng tao. Hindi rin tama na lahat na ng tao na gustong lumapit sa akin, eh pagseselosan mo. Strike 2 ka na, Pokey.¬†Bakit ka ba kasi ganun?

Sana, naintindihan nya ako. Sana, magtanda na sya. Sana, hindi na umabot ng strike 3.

About these ads

Tagged: , , , ,

§ 55 Responses to Rabies

  • Diamond r says:

    Ggayon ko lang din narinig yang sinabi ng doktor niyo kasi kasi kapag naturukan na ang aso wala na siyang rabies. yon ang alam ko.
    baki kaya siya nangangat ng ganyan nalungkot naman ako sa kanya at doon sa nakagat.nakakatakot naman.baka may problema siya. ang aso nangangat lang defensive mechanism pero kung hindi naman bakit kaya.

    love na love mo ang aso mo leah napansin ko lang.

    • Leah says:

      Hmmm.. sa palagay ko po, sobrang seloso lang tlga nya. Very territorial and possesive. Di ko nga din ma-explain.. Wala tlgang makakalapit sa akin, lalo na kapag hindi tlga kilala ng pamilya..

      Opo, kuya.. love na love po..

  • Moks says:

    Naalala ko dati nung nakagat ako ng aso may nilalagay silang batong buhay, pag makapit daw ang bato may rabbies. Hindi pa kasi uso ang injection nuon. Lol next time pag may ibang tao na lang sa inyo itago mo si doggy mo.

    • Leah says:

      Napa smile naman ako nang konti.. ganun ba dati? di ko alam yun ah.. Tinatago ko naman tlga si Pokey kapag merong mga tao. Di naman baguhan si cousin kasi kasama ko siya sa bahay. Malas lang kasi, pumasok siya sa roo.. ayan, teritoryo pa naman namin (Pokey, Teddy at ako) ang kwarto ko… :(

      Thank you sa dalaw, ser Mokz..

  • Diamond r says:

    pakita mo nga ang pic ni doggy mo. Sana maging ok na ang lahat. Kaya mo yan Leah, Ganon talaga minsan pakiramdaman mo na lang si selosong aso baka KSP lang or over protective kaya ganon. nag usap naman na kayo ng heart to heart.

    • Leah says:

      Okay po, add ako ng recent picture ni Pokey.. Hmm, di naman KSP, napasobrahan nga yata kaya naging spoiled brat. Over-protective lng tlga at possesive.. Feeling tlga niya, pag-aari nya ako. Hay … :(

  • YanaH says:

    nung bata ako nakagat din ako ng aso, nangangapitbahay kasi ako. ang sabi ng nanay nung kalaro ko, magpapatandok daw kami, tas dinala ako sa matanda, di ko na maremember kung anong nangyari. alam ko rin hindi ako dinala sa doktor para injectionan kaya sguro ganito ko ngayon, may naiwan na rabbies saken. TNT

    • Leah says:

      aahh.. yung tandok. Ginagamitan yan ng baso at kandila diba? para lumabas daw yun rabies. hehe.. natawa naman ako, ms Yanah. #lels..

      Yung ginawa ni cousin kanina, kumuha siya ng isang stem ng papaya, then yung dagta, ipinahid sa sugat. lumabas tlga ang dugo.. andaming dugo. di ko tlga kaya.. ang amoy, rrrrr….

  • kiko says:

    last week lang ay nakagat din ng aso ang anak kong si Jose, mabuti naman at ok na siya pro meron pang remaining 2 shots

  • jay says:

    sa amin pagnakakagat ang aso at may rabbies pinapatay na agad,baka kasi makagat pa uli siya…

    kawawa naman si cousin mo…:(

    • Leah says:

      Ay, diba dapat obserbahan muna? within 14 days yata yun… :( Ayokong mamatay si Pokey. Mahal n mahal ko yun… Wawa tlga si cousin. Natrauma na yata..

  • Awwww. (parang aso lang.. lol)

    Siguro nasanay na si Pokeybear na ikaw lang lagi ang kasama at kalaro kaya hindi sya naeexpose sa ibang tao.

    Buti na lang ako never pang nakagat ng aso. Simula bata pa kami, nasanay na kaming may alagang aso at sinanay namin sila na maging matapang pero hindi nangangagat.

    Dapat siguro ikulong mo muna si Pokeybear para hindi na siya makapangagat ulit tulad ng ginawa niya sa cousin mo. yun ang pinakamabisang solusyon para wala na siyang makagat ulit.

    • Leah says:

      Siguro nga.. Hmm.. Sa dinami-dami ng mga aso na inalagaan ko, siya lang talaga ang suplado. Very aggressive. Di ko rin ma-explain kung bakit.. Sabi ng kakilala ko, meron tlgang mga aso na ganyan. Parang tao lang, merong mabait, merong may sungay.. so parang ganun daw si Pokey, may sungay.

      Ayayay!! Iniiwas ko tlgang makakita siya ng tao, lalo’t hindi nya kilala. mahirap na..

  • iamjoross says:

    Kawawa naman.

    Nangangat 2 aso namin pero laro lang na kagat. Ni hindi man maka-touch ung ngipin sa balat. Alam ko naman na dinidisiplina mo aso mo, ngunit baka hindi pa sapat ang disiplinang binibigay mo (no offense ate). Ako rin ay dog lover at naka-experience rin ng ganyang mga pagkakataon. :)

    • Leah says:

      Sure, no problem Joross..

      Dinidisiplina ko naman sila.. wala naman akong pinapaboran. Kung may mali, pinapagalitan. Just like his older brother, Teddybear.. pero siguro, sa ugali lang tlga ni Pokey. Tsk.

      I don’t believe in harsh punishment.. as in yung todong palo at sasaktan nang todo ang aso. Ako, isang palo lang sa nose o isang tapik sa hind legs.. at syempre, yung pinakamabgat na parusa, hindi ko pinapansin.

      I dunno.. super aggressive lang yata tlaga si pokey.. :(

  • Bino says:

    looks like di na kayang kontrolin yang isang dog mo. sad to say kailangan siyang itali para di na maulit

  • myfilthyroom says:

    shet, ang mahal nmn pala makagat ng aso ngayon. hahaha.

  • BON says:

    safe side ang duktor haha. nagsisigurado yun lang siguro ang rason nya..

    pero kasi ang alam ko din basta naiinjectionan ang aso mo ayos na lalo pa att regular naman.. kaso lang anong proof ni doc para maniwala sya na nabakunahan yung aso? =)

    best solution ingat talaga or dapat masanay si pokey sa labas ng bahay kahit nakatali lang atleast expose sya sa mga tao para atleast hindi basta basta nangangagat..

    walang problema si pokey mo, need lang nya ng interaction maliban sayo, wag mong solohin hahah.. hindi lang ikaw ang mundo nya.. at iikot yun kahit mawala kapa.. (ay pelikula?!) haha biro lang..

    keep safe!

    • Leah says:

      Meron namang certificate, Kuya Bon. So merong proof na nabakunahan si Pokey. Dati pa rin naman, lagi ko rin namang isinasama si Pokey kapag naglalakad (or jog) ako sa labas. Meron lang siyang leash. Pero meron lang kaming nasasalubong na tao, nagagalit na agad.. agressive tlga. (Even when he was still a puppy)…

      Hehe. Natawa naman ako. But yeah, that’s one way of understanding the situation. Siguro nga, kelangan nya interaction sa iba. Hindi lang ako ang mundo nya. Sino ba naman ako para solohin ang atensyon na? (ay pelkula rin?!?) #lels

      Thanks po. ^^,

  • khanto says:

    dog mo pala ang nakakagat sa cuz mo. Naku, pag strike 3 na sya, baka ipautos na payulugin na sya panghabang buhay.

    pero nakapagtataka, kung magkasama naman kayo ng cuz mo sa haus, diba dapat treat nadin sya ng dog mo as co-owner o parang amo na din.bat kaya sya nakakagat?

    • Leah says:

      Actually, si cousin minsan ang nagluluto ng food nila. pero ewan ko, di ko maintindihan kung bakit galit sa kanya si Pokey.

      Pumasok kasi si cousin sa kwarto ko. Meron lang isasauli.. Eh nasa loob ng kwarto si Pokey (kasama ang isa ko pang aso si Teddybear). Eh akala tlga siguro, magnanakaw o rapist.. Ayun, pagkabukas ng pinto ng room, hinabol na agad.. tsk.

  • Marco says:

    That’s bad! Parusahan si Pokeybear!

    Sana walang mangyari sa cousin mo.

    • Leah says:

      Hindi ko siya pinansin the whole day. :(

      Oo. Meron na syang ATS, mga gamot at ngayong araw, meron ulit siya injection.. Haay..

  • kikilabotz says:

    ang alam ko nakakintindi naman talga lahat ng aso, kaya naiiintindihan ka nun. yung anti rabies kasi yung injection para sa aso, pano kung yung virus ng rabies eh nasa mouth p ng aso at nakakagat. yun ang dahilan kung bkit . hahha. hula ko lang.. cute ng name ng aso mo ate leah^_^

    • Leah says:

      Yun nga rin pagkakaintindi ko.. Pero sabi, better to be safe than sorry daw. kaya.. sige, okay lang. Thank you, Kiki.. Cute nga ng name, nangangagat naman.. Sad. :(

  • sana naintindihan niya yun or else… or else asocena.. joke… di ba pwede ilagay sa cage ate…

  • iya_khin says:

    ako sobra na ang takot ko talaga sa aso dahil sa naexperience ko..huuhuh..alam mo bang nagblurred ang paningin ko nung nasa ER ako..grabe pasakit nun sa akin! tinurukan mismo yung sugat ko ng anti rabies na vaccine grabe super sakit ramdam na ramdam ko sa veins ko..

    sabi nila iovercome ko daw kasi pagmas natatakot ako mas kakagatin daw ako ng aso..haiist..

    sana nga naintindihan ka ni
    pokey para di na sya mangagat..feeling ko wag mo din sya i-isolate na kayo lang dalawa need nyan makipaghalobilo..yun lang hehe

    • Leah says:

      Siguro nga ano.. Hmm.. siguro dapat isama ko siya habang nagja jogging ako. Hawakan ko lang nang mabuti ang leash nya.. kasi may makasalubong lang tlga kami, grabeng tahol agad eh.. :(

  • tim says:

    ang harsh naman ni Pokeybear mo.. Pag pina anti rabies mo na yan, okay na. Kahit san damak mak pa kagat nya. Di ka na ma dedu nyan.. But bad naman kung ganun sya..

    • Leah says:

      Ay really? Hmm.. siguro naninigurado lang ang doctor. Nalito lang tlaga ako kasi nabakunahan naman. Pero sige lang.. okay lang. Bad tlaga ang ginawa nya.. :(

  • Sey says:

    Dear Pokey,

    Sana huwag ka ng mangagat para wag na umiyak si Ms. Leah! Okay!

    Hindi ko din alam kung ano pa gamit at silbi ng bakuna sa aso kung wala din naman bisa pag nakakagat ito ng tao. parang gastos lang.

    Sana huwag akong makagat ng aso. Hindi ako sa takot sa aso, takot ako sa injections. Nakakanginig.

    Buti okay na si cousin mo. WAg ka na iyak ah!

    • Leah says:

      Thanks, Sey.. :) Okay na ako. Medyo ayos na kasi meron nang first aid at may injection na si cousin.

      Iwas ka sa aso para di ka makagat, Sey. hehe.. Hay, kami dito, todo ingat talaga.. pero disgrasya eh. Accidents happen. Tsk. Sana nga naintindihan nya ako..

  • diamond R says:

    Bago ba ang pic parang ngayon ko lang nakita ang pic na ito.
    Ang gandan naman ng asong ito.Siya ba ang nangagat. Na love at first sight naman ako sa kanya.

  • Nortehanon says:

    Hi Leah,
    Pareho pala tayong dog persons ;) Hurrah!

    Medyo na-puzzle ako sa dog mo. Kasi kung naghuhugas lang ang cousin mo nung first time siyang nakagat, nagtataka ako what triggered it. Kasi sa tingin ko naman sa dog mo ay hindi siya yung agressive type. Sa obserbasyon ko sa tagal ng pagkakaroon ko ng dog, they get agressive pag may nagtrigger sa kanila.

    Siguro yung pag-prescribe ng doctor na magpa-vaccine ay panigurado lang niya. I don’t know hehehe.

    About Pokey, hindi lang siguro siya sanay sa ibang tao. Medyo introduce mo siya unti-unti sa ibang crowd. Sinasamahan mo ba siyang mag-walk sa labas ng bakuran ninyo? Para hindi lang kayo ang taong nakikita at nakakasama niya. Pag nasanay na siya sa ibang tao, mababawasan siguro ang pagiging aggressive niya.

    Hmn, dahil sa post mong ito ay na-inspire tuloy akong mag-post about my dog sa blog ko ^__^. Maraming tenkyu sa inspirasyon :)

    • Leah says:

      Bale, naging kasama ko dito si cousin simula October of last year. Then sa umpisa, kapag nakikita ni Pokey si cousin, lagi siya nagga “growl”.. Hindi ko rin po maintindihan kung anong dahilan.. never namang sinaktan ni cousin si pokey. Then, nanotice ko lang talaga noon.. kapag malapit ako ke cousin, tumutodo ang “growl” ni Pokey.. hanggang sa yun nga. Papasok kasi ako noon ng house, nakasunod po sa akin si Pokey.. naghuhugas si cousin, todo takbo si Pokey papunta sa kanya.. then kinagat.

      Etong pangalawa po, pumasok sa kwarto si cousin. Akala siguro ng aso, yun nga.. magnanakaw o rapist o masamng tao. kasi kwarto namin yun eh.. teritoryo nya po.

      hay… tsk. Thank you po sa advice. Try ko po yan..

      P.S.
      Sure po, pag may post ka about sa dogs mo, basa rin ako dun. hehe.. :)

  • ka bute says:

    naalala ko yung napanood ko na documentary film about rabies. pucha, katakot. hirap atang maulol. hehehe.

    • Leah says:

      Kakatakot talaga.. nakikita ko lang din sa TV yung mga biktima ng rabies, sus… :(

      Regular namang nabakunahan si Pokey, pero napa praning na ako. Strike2 na kasi.. pag umabot ng strike3 yan, patay..

  • kimmuel says:

    nakagat na din ako ng aso at mahal nga yung injections. magastos mag-alaga ng aso :) yung anti-rabies pang prevent lang pero ndi sigurado yun. fatal kasi yung epekto sa tao ng rabies kaya mabuti na yung magsiguro. =)

    • Leah says:

      Oo nga. Magastos na mag-alaga ng aso, mas magastos kapag nakagat ka ng aso. I see.. yun nga malamang ang reason. Medyo hindi ko lang nagets. hehe.. salamat sa pagdaan dito. :)

  • duking says:

    whew! sobrang takot ako sa kagat ng aso mula nung napanood ko yung I-Witness docu sa channel 7 dati.

    ang pagkakaalam ko, may certain rabies talaga ang aso.sort of virus ito na inherent sa mga hayup pati yata sa tao. yung injection is something to make sure na hindi lalampas sa dangerous level yung rabies count if ever na nakakagat siya.i think, for safety reason lang kaya kahit alam na nung doktor na may injection yung aso, ni required pa rin niya as countermeasure. (or business kaya?)

    kung well fed at alaga ang kalinisan ng aso, mas malaki yung chance na hindi siya makaka infect ng rabies. vets tells that. i know dahil nag-alaga rin ako dati ng mga itik na nabubunot sa mga skul nung elementary.haha!

    • Leah says:

      For safety reasons or baka gusto lang kumita nang konti? Hehe.. JOKE lang. Baka merong doktor na makabasa ng reply ko. Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit the same ang treatment na ibinibigay sa biktima ng asong nabakunahan at sa biktima ng asong HINDI nakabukanahan. Eh kung pareho lang naman kasi ang treatment, what’s the use pa of the rabies vaccine?

      Yep. Well-fed naman si Pokey at hindi naman siya pagala-gala lang sa labas. Dalawa lang sila ng Kuya niya (si Teddybear) dito sa bahay.

      Hekhek.. ITIK! haha.. natawa naman ako, Duking. :) Salamat marami sa pagdalaw sa aking blog. Hanggang ngayon naiistarstruck pa rin ako. LOL..

      • duking says:

        whaaaa! mas informative pa nga ang mga post mo kesa sa pinag sususulat ko eh.

        it makes me feel good na magbasa ng magbasa sa kwento ng iba, leah. thats why madalas akong pupunta dito.

        binabasa ko rin yung english blog mo kaso nga lang…errr medyo nosebleed ako sa english post.

        • Leah says:

          Waaah! Ganun? Mga kadramahan sa buhay ko ang mga posts ko eh. harhar..

          Yes, true po. Masarap magbasa ng mga blogs ng ibang tao. Minsan, nakakapulot ka ng aral. Minsan, naeentertain ka at natatawa. Madalas tlaga, nakakarelate ka sa mga posts. Sabi nila, reading other people’s blogs, is just like going through a stranger’s pile of dirty laundry. Siguro nga, ganun.. eh panu yan, people are curious creatures. We like doing it, eh. Hehehe..

          Ngek! Hindi naman super special batchoy ang English blog ko, Ser Duking. Ordinary lang yun. Walang atay. LOL.

  • DENNIS says:

    ang cute nman ni Pokey.. Naku magkano nagastos nyo sa paturok? Yung una? kasi last 2 days sumabit ang ngipin ng pup ko sa may kamay ko. eh nagkaroon ng bruises. Hindi naman bumaon pero nagdugo ng kaunti. Natatakot ako sa rabies e kaya magpapa inject sana ako today.Naalala ko yung sa GMA 7 about sa Rabies. nagkaphobia talaga ako..

    • Leah says:

      Pumunta ka na lang sa Clinic, Dennis.. ipa check up mo yang sugat. Nabakunahan na ba ang puppy? Mas mabuting makita yan ng doktor..

  • oouuuccchhh bakit ako 3 beses na kinagat ng aso never pa ako nagpaturok ng anti.una nung 2nd yr col pa q.tinago kpa sa nanay ko bt natakot ako sinabi ko dinala ako sa hospital tiningnan ng doctor neresita skn paracetamol pag nilagnat dw ako.tas obserbahan dw un aso.pangalawa un alaga aso ng bayaw ko k9 pa my dala ako pork bbq nd ko alm nakasunod kinagat ako sa kamay.nd parin ako pa check up.pangatlo nito sept 04,2011 kinagat ulit ako ng k9 namin aso 3 ang sugat bt nd aman masyado malalim dumogo din konti hinugasan ko ng sabon at nilagyan ng alcohol.my anti rabis aman cya.kaya nd na ako nagpatingin sa doctor.within 24 hours ok lg aman at nd aman namamaga un sugat kundi un pagpisil lg para duguin nalamog un balat ko.kasi takot ako sa injection.huhuhu mas takot ako kaya pinagdadasal ko nalang sana safe ako after 2yrs.hehehe

  • Anne Sebial says:

    I’m so worried guys..nkagat ung hubby qOh knina lng..ung aso my anti-rabbies dw every year..safe nb un o kylanGan tlGng mAgpaTurok ng AsaWa qOh??? I need your answers….ASAP…

  • marfedino onayan says:

    nakagat po ng tuta ang niece ko na 2yrs old, 4 na beses daw syang tuturukan ng vaccine, nakaka 3 beses na po syang naturukan ng makagat nnman po sya, alaga po namin yung tuta pinanggigigilan po kasi ng niece ko yung puppy namin, huling turok na po sya nitong darating na monday OK lang po kya kahit hindi na namin sabihin sa doktor ang nangyari?

  • Hannah Ochoa says:

    ako nman po nakagat nung feb. At ngaun po nakagat nnman ako.Meron nman pong anti~rabies ung asong nkakagat sakin.At nainjectionan na rin po ako nung mga May.Pero nataakot pa rin ako kse po nung last na nkagat ako nagkaphobia ako sa pinanuod ko.

  • ian says:

    chow2x yung dog ko 3mants.super alaga ko xa..aksidente nya ko nakagat sa kamay habang pinupunasan ko xa ng tuwalya ksi bgong ligo xa..di nman xa galit dat time..may 5in1 vaccine xa pero wala pa xa anti rabies.pero malinis at maayos ang environment nya.. ps comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Rabies at Ako si Leah..

meta

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 1,180 other followers

%d bloggers like this: