Owhaidur.

September 2, 2013 § 2 Comments

Testing.. testing. :]

Ala lang.. :P Hehe. Musta naman dito? Long time, no see. Nakibisita lang ulit sa WordPress ko. Buti naman, naalala ko pa ang password.

Nitong mga nakaraang buwan, medyo naging busy lang ang Twitter life ko, nakalimutan ko nang mag-blog. Hehe. Sowwy naman. Nawili kasi sa Twitter RP. Role-playing, bah. Ayos din na experience yun. Kunyari, actress ako.. charot. ‘Tas meron akong role na ginagampanan dun. Mga characters. :] Daming nakakausap na mga fictional characters din. Nagkakaroon ng mga conversations with other people, with other characters… and living a different life.

Ang saya, pero madalas, ma-drama din. Ilang beses na rin ba akong umiyak dahil dun? Maraming besses na. Pero hindi ko ma-iwan. Hayz.. Kalurkey lang. Ang drama ng life ko. Hindi rin makayang iwan, dun ko kasi nakilala ang isa sa pinaka-importanteng tao sa buhay ko  ngayon. Isang tunay na kaibigan.. na kahit malayo sya, naiintindihan ako nang todo.

Yung tipong, nakukumpleto ang umaga ko dahil nakausap ko sya. :] Laging andyan, handang makinig sa mga ka-echusan ko. Kahit minsan, nagiging demanding na yata ko, nasasaktan ko na sya. In turn, nasasaktan din ako. Pero ayun, matatag pa rin ang friendship namin.

Sana, balang araw.. makapunta ako ng Texas para mabisita at makita ko sya sa personal. :]

Sabaw

March 5, 2012 § 5 Comments

“Anong masama sa sabaw? Masarap naman ah..”

 

hihi.. Pasensya na, walang update tong Filipino blog ko. Churi. :)

Dedma

January 31, 2012 § 17 Comments

Nakakalungkot.

Yung feeling na akala mo, meron kayong something special na kung tawagin ay “friendship”, tapos malaman mo na mali ka pala. Yung feeling na akala mo, yung pagkakilala’t pagkikita ninyo ay syang maging simula ng mas maganda pang samahan, tapos mali ka pala. Yung feeling na sobra kang nag-enjoy sa company nila at akala mo magkaibigan na kayo forever, tapos mali ka pala.

“Out of sight.. out of mind.”

Yun ba yun? Dahil sa malayo ako, nakakalimutan na ako? Ambabaw naman ata. Hindi ko naman ine-expect na magexert sila nang bonggang-bonggang effort. Isang simpleng HELLO lang naman, okay na sa akin. Yung mabasa ko lang minsan sa isang FB tag or sa isang tweet.. nangangamusta.. okay na sa akin. Meron talagang iba, laging nakaka-alala. Napapangiti ako lagi sa mga messages sa text. Though alam kong group text yun, ayos lang sakin. At least, napabilang ako sa grupo ng tao na pinadalhan nya ng text message.

Ako kasi, very vocal ako. Kapag namimiss ko ang isang tao, sinasabi ko. Siguro nga sila.. hindi lang sila vocal. Sige. Ayos lang.. Kung ganun nga talaga, wala nakong magagawa.

Pareho lang pag nalalasing ang isang tao. Kapag lasing, lumalabas ang lahat – nagiging masungit, madaldal, makulit, maingay. Lasing siguro sila nung magkasama kami. At hindi na sila lasing ngayon. Wala na ring hangover. Balik na sa dating mundo.. sa isang mundo na hindi nila ako kilala. Nakakalungkot lang, kasi nung kasama ko sila, hindi ako lasing.

Dedma.

 

 

 

 

 

Kaya ko ring gawin yun.

 

Lola Piling

January 16, 2012 § 6 Comments

Sana matulungan natin si Lola Piling…

Kagabi, After I came from an office somewhere in Ayala-Paseo De Roxas, dumaan ako sa underpass, and habang pauwi na ako, something catches my attention na talagang napalingon pa ako. I saw an old lady na naglalakad sa underpass na halos magkandakuba na and gamit ang kanyang left hand para lang masupport ang sarili sa paglalakad. I tend to ignore what I saw, then nung paliko na ako and malapit na sa may escalator (exit ng underpass), parang there’s something’s telling me to help the old lady. Nagdadalawang isip pa rin ako pero I just turn back and nilapitan ko yung old lady without thinking. I immediately asked her “lola ok lang po ba kayo?” and she firmly said na “okay lang ako iho, wag mo na ko intindihin pasensya na sa abala..” Pero I helped her instead and inassist ko sya paakyat ng hagdan. We were able to reach Jollibee. I gave her water and food. Tumatanggi yung old lady (perhaps nahihiya sya na may kumakausap at magbibigay ng food na complete stranger). Then another guy named Francois Dave Azur (can’t see you in FB) reached to me dahil nakita nya yung ginagawa ko. So he offered his discount stub sa jollibee para mas makapili ng food si lola.

While kumakain sya, I asked info about herself. Her details are as follows:
Lola Piling Dela Cruz
Calapan, Mindoro
Age: 80+ (not certain)
Asaan ang mga kamag-anak mo: (Lola just nod – mukhang di nya mainterpret nang maigi ang tanong ko)

Paano sya napunta sa Manila: (this is based from my interpretation kasi medyo hindi dugtong dugtong yung statements ni lola) A project daw from their community has been established and marami daw silang dinala dito sa PGH para ipagamot sa kanilang karamdaman. Nawalan daw ng pondo yung group and may nagsabi daw sa kanila na pumunta sya ng Ayala, Makati dahil dun maraming may kaya at may trabaho at maraming tutulong sa kanya pabalik.

Andito na si Lola Piling since December last year. (Imagine – She spent her Christmas and new year sa manila nang hindi nya kasama ang mahal nya sa buhay!)

A few minutes pa and kinailangan ko na ring umalis. After namin magusap, kinuhaan ko na rin sya ng photo and I asked the store manager ng Jollibee to look after her while open pa ang shop. I also gave her my remaining P425 pesos in my wallet and nagtira lang ng fare enough para makauwi ako. Mas magagamit nya ang kaunting pera na yun and I hope makatulong yun sa kanya. I also left my business card sa kanya para in case may paraan sya para macontact ako.

Sinabi din ni Lola na “marami daw sila dito na nahiwa hiwalay sa iba’t ibang parte ng Makati” with this, ako po’y humihingi ng tulong sa mga fellow friends/acquaintances para matulungan sila Lola Piling Dela Cruz and yung iba pa nyang kasama na makabalik sa kani kanilang mga family and loved ones. Guys and girls, let us extend konting efforts in helping them.

-Kwing Herrero

 

 

 

Official Holidays

January 4, 2012 § 6 Comments

Sino ba ang mahilig sa mga HOLIDAYS?

Me! Me! ME! Kung iisipin talaga, halos everyday naman sa buhay ko, holiday. LOL. Pero gusto ko pa rin ang mga holidays. Wolo long.. hehe.

Eto ang kumpletong listahan ng holidays sa toang 2012. Gusto ko lang ishare. hihi..

Regular Holidays

  • New Year’s Day – January 1
  • Maundy Thursday – April 5
  • Good Friday – April 6
  • Araw ng Kagitingan – April 9  (Monday)
  • Labor Day – May 1 (Tuesday)
  • Independence Day – June 12 (Tuesday)
  • National Heroes Day – August 27 (Monday)
  • Bonifacio Day – November 30 (Friday)
  • Christmas Day – December 25 (Tuesday)
  • Rizal Day – December 30 (Sunday)

 

Special (Non-Working) Days

  • Chinese New Year – January 23 (Monday)
  • Ninoy Aquino Day – August 21 (Tuesday)
  • All Saints Day – November 1 (Thursday)
  • Additional special (non-working) day – November 2 (Friday)
  • Last Day of the year – December 31 (Monday)

 

Special Holidays for all schools

  • EDSA Revolution anniversary – February 25 (Saturday)

 

 

 

*Proclamation No. 295

 

 

TABA 2011

December 8, 2011 § 15 Comments

TABA 2011!

Yay! 2nd year na to! Naalala ko last year, nanominate ako sa dalawang kategorya.. Best in English Blog at Best in Kikay Blog Design. Nanalo ako sa Best in Kikay Blog Design. Wahihi! Kaso di rin nagtagal ang “kikay” design ng blog ko.. Sinimplehan ko na kasi. Minimalist. Pero maraming-maraming salamat sa mga nag-nominate at sa nagboto. Mwah, tsup, slurp!

Anyway, eto na naman ang TABA: Year 2!

Ano ang TABA 2011: The Annual Kalsada Blog Awards. Year 2!

Sino ang namumuno: Zyra Bambico

Ano ang layunin nito: Kilalanin ang mga BLOGGER na karapatdapat tumanggap at umani ng ating masigabong palakpakan. Kumbaga sa pag-aaral – ito na ang RECOGNITION DAY.

Ayos? Sige. Eto na ang aking mga pinili. Sana lahat sila, magka GOLD medal. :)

  • Lifetime Achievement Award

Bino (Damuhan) – Matatag. Eh kasi, 3 years na syang nagba-blog. 3 years and counting…

Kuya CM (From the Dungeon) – Oo. Iniidolo ko siya. Hindi nga lang masyadong halata. LOL.

  • Best Blog Design

Jay (Jay Rulez) – Gusto ko yung blog design nya. Simple lang. Malinis. Parang labang TIDE.

  • Best in English Blogger of the Year

Thank you sa lahat ng nagnominate sa akin. Cyberhugs! Nahiya akong nominate ang sarili ko.. hehe.. Opkors, gusto ko ding manalo. Bragging rights, eh. Hihi. Pero gaya ninyo, meron din akong iniidolo pagdating sa pagsulat ng blog sa wikang Ingles. I nominate Desole Boy. Epistaxis.

  • Best in Filipino Blogger of the Year 

Bino (Damuhan) – Nae-express nya ang sarili sa blog gamit ang wikang Filipino. Ramdam mo ang sigla nya pag masaya. Ramdam din ang poot pag galit. Ramdam ang lungkot pag emo. Ramdam din ang kilig pag inlab. Magaling!

Otep (Libre Lang Mangarap) – Meron syang sariling istilo sa pagsusulat. Nakakaaliw. Nakakatuwa. Babasahin mo mula umpisa hanggang matapos ang post, dahil hindi boring. Mga akda tungkol sa mga pangarap na naabot na at aabutin pa. Magaling!

Carlo (Supladong Office Boy) – Daming nasusupladuhan sa kanya nang dahil sa kanyang mga posts. Pero pramis, hindi siya suplado. Hindi lang talaga sya interesado sayo. LOL. Prangka pero may sense of humor. Magaling!

Lhan (Notbuk ni Lhan) – Nakakapagsulat ng makabuluhang akda gamit ang wikang Filipino. Magaling!

  • Photoblogger of the Year

Anton (Pusang Kalye) – I know LIFESTYLE blog na yung blog ni Senor Anton. Eh bakit ko ninominate? Ang ganda kasi ng mga kuha nya eh. “Jaw-dropping!” Mas maganda siguro pag ako na ang mowdel. Nyahahah! I wish!

  • R-18 Blogger of the Year

Gelo (KhantoTantra) at si Akoni (Kaharian ng Akonilandiya). – Hindi naman bastos. Not suitable for children nga lang. Hehe.

  • Pinaka-Bibong Blogger of the Year

Jason (Jezonhamster) – Busy, pero lagi akong napapa-smile ni Jason. Work sa Manila Bulletin, madaming blogs, Facebook, Twitter, WALKER! Pero di nalilimutang mag-record ng mga sing and dance numbers. ♫ “I’ve got the mooooooves… like jagger”♪♫ .

Anciro (The Backpack Man) – Bibong-bibo si Tolits. Game lagi sa mga lakad. Game sa kantahan. Game sa sayawan. Game sa trabaho. Game sa kainan. Game talaga sa lahat. Paati nga yung pag-exercise sa MOA, kinarir. Haha! Ikaw na, Tolits! :)

  • Pinaka-Teking Blogger of the Year

Boni (Taragis!) – You want useful information on the latest technologies? New gadgets? Computers? Hardware? Software? Get connected. Go to TARAGIS.COM. Technology at its best! Aytenkyu. Bow.

  • Pinaka-Gwapong Blogger of the Year

Dyowel (Bulakbolero) –  Hindi ko pa nakikita to, pero alam kong gwapo. ‘Nuff said.

Marvin (Kwentong Nakaka ni Kikilabotz) – Gwapo sa FB. Gwapo sa Twitter. Gwapo sa blog. Gwapo sa TV. Nang makita ko sa personal, ayun! Confirmed! Gwapo ngang talaga. Artistahin!

  • Pinaka-Fashionistang Blogger of the Year

Steph (Traveliztera) – Do I need to explain pa ba? Fashionista! :)

  • Pinaka-Galanteng Blogger of the Year

Bernard (HIBANG {Tagni-Tagning Ideya}) – SBA Year 3. Then, nilibre ako ng Starbucks coffee. Hehe. Galante! ‘Nuff said.

  • Most Active Blogger of the Year (Blog Category)

Bino (Damuhan) – Active na active. Kulang araw ko pag walang post galing sa damuhan.

Gelo (Kwatro Khanto) – Lagi na lang merong update. Parang wala lang trabaho.. hehe.. Ang sipag!

  • Most Active Blogger of the Year (Facebook Category)

Joshua (It’s YOW Time) – Kulang din araw ko pag walang LIKE galing ke Joshua. Hehe.. Go lang, LIKE mo lang lagi ang mga status updates ko, Josh. :D

Mhelissa (Workaholicgirl’s Blog) – Lagi namang nakaonline sa Facebook, nagkokomento at nagla-LIKE.. pero once a year ang blog update. Ibang klase. Ikaw na, mhelski!

So, there. Eto na ang aking nomination list para sa TABA 2011. Kitakits sa Recognition Day! :D

Gasolina!

December 7, 2011 § 13 Comments

Isang araw..

Actually, today lang. Hehe. Kakagaling ko lang sa isang gala kasama ang isang espesyal na tao sa aking buhay. Pagod pa. Pero umupo pa rin sa harap ng computer at nagcheck ng Twitter. Yes, ako na! Ako na ang adik. Boo!

Nakita kong online si Gasdude at nagrereply sa kanyang mga mentions. Agad kong naisip ang kanyang pakontest. (Blog anniversary kasi nya.. kaya merong pakontest.) Omegad! Wala pa pala akong entry para dun! Eh nagcomment pa naman ako sa Blog Contest Teaser post nya. Tinease (huh?!) nya ako kung gusto ko daw ba ng 1TB Western Digital Portable Hard Drive! Eh sabi ko “Ow may gulay! I want! I want!!”

Tsk.

Naisip kong padalhan sya ng private message sa Twitter… na ngayon ay hindi na private kasi ishe-share ko na. Sinabi ko dun na baka hindi nako makasali. Wala akong magawang post na worthy na ipasa bilang entry. Nahihirapan ako. Ang hirap gumawa ng entry para sa pakontest nya, Ate Charo.

Nagreply din agad si Gasdude. Oha! Sabi nya, matagal pa daw ang deadline at aabangan daw nya ang post ko. Ay ang galing dumiskarte. Nahiya’t na-pressure naman agad ako.

Kaya nag log out na muna ako sa Twitter. Sabi ko matutulog muna ako at baka pag gising ko, eh bigla akong tamaan ng inspirasyon at makapagsulat na. Ayun, nahiga na ako sa kama… Pero hindi rin nakatulog. Kinulit kasi ako ng aking imaginary friend. Tawagin na lang natin syang si Leah2. Ako kasi si Leah1. Ayun, nag-usap kami.

Leah2: Hoy, Leah1! Musta na you, dear friend?

Leah 1/Ako: Eto.. same old, same old. Matutulog. Pagod eh.

Leah2: Ah. Kumusta naman your business? Your blog life? Your lovelife?

Ako: Mabuti. Maayos. Maganda. :)

Leah2: Ang tipid you mag-answer, mare!

Ako: Yeah. So, there.

Leah2: Uy! Did you make gawa na ba ng entry for Gasdude’s blog contest?

Ako: Hindi pa nga eh. Ang hirap! Wala akong maisip na magandang entry para dun.

Leah2: O-M-G. You’re just being tamad… like, so tamad.

Ako: HINDI AH! Pagod lang ako kaya nahihirapan akong magisip ng magandang akda. Pero hindi ako tinatamad. Gusto ko talagang sumali. Pramis. Hay. Wala akong maipigang creative juice. Hindi ata gumagana ang brain cells ko.

Leah2: Oh, come on. It’s so easy kaya…

Ako: Easy ka dyan! Tse!

Leah2: Truth naman yun eh!

Ako: Oh sige nga? Paano?

Leah2:  The Rules make sabi, “Various ways of expressions are allowed. It may be a short story, poem, song lyrics, essay, letter, testimony, commentary, etc. “. So you write.. like ANY kind of post about whatever. Just be sigurado you make banggit THE word. Be creative. Make it kakaiba. You can upload photos, too. You can have your picture taken sa mga gasoline stations para dagdag points. You make picture-picture there. Wacky shots, serious shots.. if you want jump shot, pwede also. After you do pag-edit your entry, publish it na. That simple.

Ako: Ganun.. hmm..

Leah2: Duh! You make gana the wheels in your brain, sis. It’s getting kalawangin na..

Ako: Charot! Eto na nga! Isa lang talaga yung pinoproblema ko eh. Dapat kasi maipasok ko nang swabe yung theme.. isang salita lang naman yun. Hay, ang hirap. Nahihirapan ako.. pramis. Ako na ang slow!

Leah2: Eh slow nga you talaga, sis. Empty na ba your fuel gauge? Di na ata umaandar your engine?

Ako: Ang harsh mo…

Leah2: You talaga. I’m only kidding! Here kasi oh.. The Rules make sabi (ulet!) “It’s up to you whether you want to use it literally or figuratively.” There you go. Pwedeng mo daw gamitin literally! You make banggit na lang the word, paulit-ulit. Gasolina! Capital G – A – S – O – L – I – N – A! Gasolina! GASOLINA! GASOLINA! Valid entry na.

Ako: Ay! Achib!

Leah2: I KNOW, RIGHT! :)

Happy 4th Blog Anniversary, Gasdude! GASOLINA!

Ito and aking lahok bilang pagsuporta sa pakontest ni Sir Alex. Maraming Salamat.

 “This is my entry to The Gasoline Dude’s Blogversary Writing Contest. I want to win the 1TB Portable Hard Drive!”

P.S.

Walang jump shot sa gas station. Unang picture kasi, FAIL. Nahiya nako.. kaya walang second shot. LOL.

  • Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 1,183 other followers

  • Archives