Airplane

February 4, 2011 § Leave a comment

“Jusko! Sasakay ako ulit ng eroplano! God help me.”

Para akong bata, nanginginig ako habang hawak ko ang erplen tiket. May takot kasi ako sa eroplano. Kasalanan to ng nanay ko eh.

Hindi ko makalimutan ang araw na yun. Grade4 ako nun nang magdesisyon si nanay na pumunta ng Manila para sunduin ang tatay ko na kararating lang din mula sa byahe. Seaman kasi si pader dearest ko. Di ko alam kung bakit naisipang mag-eroplano ng nanay. Kasi suking-suki kami ng Negros Navigation noon. Pero bata pa nga ako nun, di nako nagreklamo. Nasa isip ko lang talaga nun, mauuna akong kumain ng chocolates na dala ng tatay kesa sa dalawa kong kuya.

So ayun na nga, sumakay na kami ng erplen. Nasa kalagitnaan na ng byahe, nagkagulo ang mga tao sa loob ng eroplano. Parang sa sobrang hatak siguro ni Mr. Gravity, biglang bumulusok pababa ang erplen. Sigaw ako, “NANAY!!! NANAY!!!! NANAAAYY!!!” Sigawan rin ang mga tao sa loob ng erplen. Niyakap ako ng nanay ko. Tumagal nang halos 10 seconds ang freefall ng erplen. Grabe.. yun ang pinakamahabang 10 seconds ng buhay ko. Naisip ko talaga nun, mamamatay na kami.

Pero isang milagro rin, nagawan ng paraan ng aming magaling a piloto. Di ko alam kung anong nangyari.. kung bakit bigla na lang parang namatay ang makina ng erplen at bumulusok pababa. Di na namin inalam. Pagkalapag sa Manila, iyak lang ang ginawa ko. Di ko na rin na-enjoy ang chocolates na dala ng tatay ko.

“Lecheng erplen. Di nako sasakay ulit sayo!!”

And then 20 years later, eto at sasakay na ulit sa erplen. Waaahhhh!!!!! Ang life talaga, mapagbiro.

Tagged: , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Airplane at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: