Hundred Islands

February 8, 2011 § 1 Comment

February 5. Sabado. Pangasinan, here we come!!

Tatlong oras lang. Yun lang ang pinakamahabang oras ng pagbabyahe na aking naranasan. Yeah, loser much. Hehe.. Nang mapunta ako dito, alam ko na sa paggala sa iba’t ibang lugar dito sa Kamaynilaan, eh talagang mahaba at matagal ang byahe. Pwedeng dahil sa malayo lang talaga ang lugar, o sadyang matrapik lang sa kalsada. Alam na alam ko yan. Pero OMG! Na-shock pa rin ako sa pagkahaba-haba ng byahe namin patungong Pangasinan!

Alas3 nang umaga, umalis kami ng bahay. Ako, si seksing the MJ, si cute the EJ, si gwapong the Gary at si smart-and-rich the Mona. Ayeeee!!!! Diretso sa terminal ng mga bus. Ewan ko kung saan yun, basta nag taxi lang kami papunta dun. Tapos, sumakay na ng bus.. Jusmio! Ang lamig!!!!! Malamig na nga sa labas, sobrang lamig pa sa loob. Hindi pa kami nag-aagahan. Hindi ako nakapag kape. So habang nasa byahe, pag merong food na pwedeng makain hala, kinain na. Bumili nag cousin ko ng “tupik”.. parang siyang suman na meron coconut meat, na manipis na inilagay sa dahon ng saging at niluto.. parang inihaw lang. Waaahh!! Masarap naman siya.. kaso, naghahanap talaga ang lalamunan ko ng kape!!!

After 100 years, dumating na rin kami ng Pangasinan. Jusmio. Sumakit nang todo nag pwet ko sa kakaupo lang ng ilang oras sa loob ng bus. Hay.. Grabe namang byahe yun. Nakakasakit talaga ng behind! Parang tinubuan ng a thousand kalyo ang aking pwet! Choz!

Ayun, dumating na rin (sa wakas!) sa Alaminos. Diretso sa The Hundred Islands center at nag renta ng boat para makapag tour. Di ko nabilang kung ilan lahat ang mga islands… Siguro sobra rin sa 100 islands. Nawala na sa isip kong magbilang kasi napakaganda ng mga isla. Ano kaya ang feeling nang manirahan sa isang isla? Eeee!!! Andaming ginawa dun sa 100 Islands.. nag island tour lang, nag snorkel, pumunta sa PBB house, nagswimming.. dami pa. Syempre naman, hindi nawala ang picture-taking. Kasama ko si seksing the MJ. Kung pupwede lang sanang kada kilos eh merong picture. Hehe.. Oo na, kami na! Kami na ang hilig magpa picture! Mabuti naman at ang aming tour guides (yung mga bata.. hehehe) eh nagsilbi na ring aming official photographers. Hehe. At in fairness huh, magaling rin silang kumuha ng pictures.. at magbigay ng info ukol sa isla. Tour guide na tour guide ang dating. Naks!

100 Hundred Islands

Pagkatapos ng ilang oras ng paglalakwatsa sa mga isla, nagpasya na kaming tapusin ang tour. Pero hindi kami umuwi. No, no! Nagbyahe ulit ng halos dalawang oras patungong Bolinao. Oh syet! Pagdating sa Bolinao, nagrenta ulit ng isang traysikel patungong Patar Beach.. and guess what, 50 minutes ang byahe. Syet ulet!!!

Gabi na nang dumating kami sa beach ni Ate Weng. Kakapagod! Kakagutom!!! Naghanda na ng dinner si seksing the MJ at si gwapong the Gary. Dinner namin? Longganisang alaminos, inihaw na bangus, Calamares, inihaw na pusit.. Yum, yum! Ang sarap!! Pero hindi ako kumain ng bangus.

Umaga. Bago namin pinagpatuloy ang lakwatsa sa iba pang lugar sa Pangasinan – Cape Bolinao (isa itong lighthouse) at sa Enchanted Cave (isang underwater cave), eh naglibot muna kami sa Patar Beach.. at nag picture-picture.

Patar Beach
Kakapagod ang byahe. Magastos rin! Waaahhh!! Pero okay lang.. sulit pa din. At na-enjoy ko nang todo ang paglakwatsa sa The Hundred Islands sa Alaminos, Pangasinan. At kahit na sumakit nang sobra ang katawan ko sa byahe patungong Patar Beach, eh okay lang din. Masaya naman! Hehe..

Kung tatanungin mo ako kung babalik ako sa Alaminos at Bolinao? Obkorz yes! Pero syempre, manghihingi muna ako kay nanay ng maraming datung. Piz awt!

Tagged: , ,

§ One Response to Hundred Islands

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Hundred Islands at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: