Angel and Marian

February 9, 2011 § Leave a comment

Day 2.

Nagpalipas na kami ng malamig na gabi sa Patar Beach. Brrrr!! Buti n lang talaga at dala ko ang aking ever dependable jacket, at merong umakap sa akin sa gabi. Wala kasing partner. Choz!!! Anyway, the day after, nagdecide ang grupo na pumunta ng Cape Bolinao. Andun kasi ang mataas na lighthouse.. yung pinag shootingan ata ng pelikula ni Angel at Richard na The Promise. Wala lang.. curious lang kami kung paano nagawa ang love scene sa taas ng lighthouse. Ehehehe!

Nagrenta sina seksing the MJ at gwapong the Gary ng traysikel. Kasya naman kaming lima. Para nga lang kaming sardinas. Pagdating dun sa Cape Bolinao, picture-picture ulit! Whew! Super taas! Parang gusto kong mag bungee jump. Eeeeee! Ang ganda ng view sa taas.. sa left side, makikita mo ang South China Sea. Sa right side naman ang kabukiran. Nice! Aylabet!! On the way up, nangungulit si Manong guide.. bawal daw umakyat pag may high blood pressure. Baka raw kasi manghina at mawalan ng ulirat. Naman! Ilang beses ba dapat ulitin? Mukha ba kaming merong high blood? Tsk. Hehe.. Loko lang. Syempre, tats naman kami at concerned si Manong guide sa aming safety.

Cape Bolinao

Pagkatapos makaakyat ng lighthouse, pumunta kami ng Enchanted Cave. Doon raw nag shooting ng mga scenes ang mga artista sa GMA teleseryeng Dyesebel. As usual, sumakay ng traysikel papunta dun kasi ay may kalayuan rin from Cape Bolinao. Pagdating dun, sinalubong kami ni Tito guide. (Kanina sa lighthouse, si Manong guide.. dito naman si Tito guide.. wala lang. hehe). Naglibot-libot muna kami. Ang ganda ng lugar. Sabi sa amin ni Tito guide, ang buong Bolinao daw, 100 thousand years or so ago.. eh underwater. Ows? Di nga! Hehe. Ako na ang may ganang kumontra. Pero in fairness, parang totoo nga. Kasi makikita mo sa mga bato.. parang mga corals, pero hindi naman corals. Ah basta! Ang ganda ng rock formation duns.. lab lab talaga.

Pumasok na kami ng cave. Eeeee!! Excited nakong makita ang loob-looban ng Enchanted Cave. Bakit kaya tinawag na ganun? Di na ako nagtanong ke Tito guide. Gusto ko lang talagang makita ang cave at maligo dun. Meron kasing parang pool sa loob. At kulay money ang tubig! GREEN! Super clear pa! Weeeeh! Talagang hindi na nagpapigil.. GO na! Naligo na ako.. si gwapong the Gary, seksing the MJ at cute the EJ. Si smart-and-rich the Mona, hindi na naligo kaya siya na lang ang naging photographer naming apat. Ay, at si Tito guide rin pala. Maliban sa pagiging isang tour guide, eh dalubhasa rin pala sa pagiging photgrapher. Lumevel up!

Hindi rin pinalampas ni seksing the MJ ang magpapicture sa mismong bato na inupuan ni Marian Rivera. Nag ala Dyesebel na rin siya. Witwiw! At syempre, ako rin. Sus!!! Ay nakow! Walang laban si Marian sa amin. Swerte lang niya at artista siya. Hekhek.

Enchanted Cave

Natapos na rin ang aming Day 2 tour. Naka-akyat ng lighthouse at nakapaligo sa loob ng Enchanted Cave. Paano nga ba nagawa ang love scene sa taas ng lighthouse, at bakit tinatawag na enchanted ang Enchanted Cave? Di ko pa rin alam.

Babalik ulit ako dun someday. Sana next time, meron nang bungee jumping. Pak!

Tagged: , , , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Angel and Marian at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: