UP, MOA at MRT

February 10, 2011 § Leave a comment

Day 3.

Ikatlong araw ng lakwatsa. Hehe. Nakakapagod ano? Pero GO pa rin! Kawawa na nga ang mga paa ko, medyo nananakit na.. nagkakapaltos na. Pero GO pa rin! Yahoo!!!

Anyway, dapat sana eh kahapun pa kami pumunta ng UP Diliman. Kasi dapat eh ihahatid namin ang memory card ni smart-and rich the Mona, pero super duper pagod na kaming tatlo ni cute the EJ at seksing the MJ. Kaya eto, ngayong araw na lang nagdecide na pumunta ng UP Diliman.

Sumakay kami ng MRT. Since 2nd time ko na tong sumakay, eh di medyo confident na. Meron na kasing experience. First time ko, dalawa kami ni cute the EJ. Ngayon, second time na.. so feeling may alam. Hehehe. Ayun, bumili ng ticket si seksing the MJ. Pumasok na kaming tatlo. Sumakay ng MRT. Bumaba kami ng Quezon Ave. And then… PAK!!! Asan ang ticket ko?!?! Hahahaha! Sa sobrang confidence na naramdaman, hindi na naisipang kunin ang ticket pagpasok dun sa terminal sa Shaw Boulevard. Bwahahaha!

MRT
Nakakahiya! Strike 2! Hehe! Yung strike 1 ko, nangyari sa loob ng bus. Nagbayad ako gamit ang sariling dialect. Sabi ko.. “Ari nong oh.”. Hehe. Napa ismyl lang si Manong konduktor. Di naman nakakahiya yun, pero eto.. super nakakahiya! Bwahahaha!!! Buti na lang at pwedeng bumili ng lost ticket dun sa ticket booth. Kung hindi, asus… ako na ang magiging dispatcher dun. Bwahahaha!!! Naiisip ko pa lang yung experience na yun, syet.. natatawa na ako. *ting! Ay alam ko na, pag feeling gloomy and sad ako, etong experience nato ang iisipin ko. Tiyak! Hahalakhak na lang ako. Bwahahahaha!

Actually, pinipigilan ko na lang ang tawa ko habang nasa loob ng jeepney papasok ng UP Diliman. Mabuti na lang din at dala ko ang panyo ko. Medyo hindi obvious and pa-ismyl ismyl ko habang nagbabyahe ang jeep. Hihi.. Pagdating dun sa dorm ni smart-and-rich the Mona, dun nako humalakhak. As in! Hahahaha!

Hay nakow! Anyway, naghihintay na rin dun si smart-and-rich the Mona, and then, nag lunch na kami. Pagkatapos kumain, diretso na sa UP tour. Hay.. andaming mga posing.. picture dito, picture dun. Ang lawak ng UP Diliman. Dun kasi sa UPV, malawak din ang lugar pero hindi nagkakalayo yung mga classrooms and buildings. Yung dormitories lang yung malayo.

UP Diliman
Sa kakalibot, nakaramdam na ako ng slight na pananakit ng paa. Slight lang naman. Choz!

After sa UP, pumunta pa kami ng MOA. Andun kasi nagtatrabaho si gwapong the Gary. Hihingi kami ng copies ng mga Alaminos/Bolinao pictures na nakuha nya, gamit ang sariling camera. So GO na rin dun. Naglibot-libot na rin sa MOA. Pumunta ng Seaside, sa bay view.. nanood ng mga walking statues, nagpa picture.. nanood ng mga nagde date, napasimangot, nainggit… Tse! :P

MOA
After ng gala sa MOA, nagdecide na rin kaming umuwi. Kakapagod. Grabe ang sakit na naramdaman ng aking beautiful feet. Buong araw na lakad. Naka heels kasi ako eh. Wala… feel lang kasing mag heels, di na naisipang mag flat shoes para mas magiging komportable ang paglakad.

Ayan, taong bukid kasi. Strike 3 na!!! Pak!

Tagged: , , ,

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading UP, MOA at MRT at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: