Bloggers EB

February 14, 2011 § 14 Comments

Alas dos y media ng hapon, ika13 ng Pebrero, 2011.

“Ester! Hatid mo naman ako ng Glorietta oh. Please? Baka maligaw ako eh.” Yun ang pakiusap ko sa aking cousin. Wala kasi akong alam sa mga lugar-lugar dito sa Maynila. At sa loob ng isang linggong pananatili dito, eh nagkaroon na ako ng 5 strikes. Ayoko naman maligaw sa Makati at magka strike 6. Wala namang choice etong cousin ko na to. Lagot siya sa tatay ko pag mawala ako sa Manila. Bleh! hehehe.. Joke lang, ter..

Sakay na kami ng FX. Tinext ko si Arvin na papunta na ako. Excited nakong makita silang lahat. Pero nahihiya na rin ako nang slight. Kasi medyo late na kami eh. 3:30 na yata yun nang dumating kami sa Glorietta. Dumiretso muna kami ni Ester sa tapat ng Mcdonalds food chain. Dun kasi ako maghihintay ke Xander. Ayun, ilang minuto rin na paghihintay, naging model na rin yata ako ng Mcdonalds, eh hindi pa rin kami nagkikita ni Xander. Habang hinihintay ko siya, eh dumaan naman si Lhan. Papunta na siya ng Burger King kasi andun sina Arvin, Rico at iba pa. Mabuti na lang din at tumawag na lang si Xander sa cellphone ko. And guess what.. andun na pala siya sa Burger King. Pak!

So diretso na rin kami ni Ester ng Burger King. After akong ihatid, eh umuwi na rin si Ester kasi meron siyang pupuntahan. Pasok na kami… and viola! Andun na sina Mhel, Bino, Rico, Lhan and Rj. Ang seksi naman ni Ilonggang Mhel. Cute rin ni Lhan. Babyface talaga si Rj. At ang dalawa, Rico at Bino.. owcomon… the pictures don’t do you justice. *Ang gagwapo nyo. Ehem. Ano ba, joke lang yan… Harhar. Nagsimula nang magsidatingan ang mga bloggers. Dumating na sina Ron, Badet, Yanah at Empi, Kyle at Nielz. Akala ko makakarating pa sina MD, Nafa, Yow, Anton, Kumagcow at Kiki. Pero siguro, meron lang silang mas importanteng ginagawa. Okay lang, I’m sure meron pa naman next time.

Kumpleto na. 13 kaming lahat. Yanah, Xander, Arvin, Rico. Lhan, RJ, Ron, Nielz, Kyle, Badet, Mhel and Empi. Off to MOA.

Pagdating ng MOA, eh naglakad-lakad muna sa seaside. Andaming nagde date. HMP! Bitter lang. Excuse me. Syempre, habang sige ang lakad, sige rin ang kwento. Si Kyle pala eh sa Batangas pa uuwi. Hala, medyo na guilty naman ako nang konti. Kasi lumuwas tlga siya ng Maynila at 3pm para lang mag meet ako at ng iba pang bloggers. Super touched me, Kyle.

Anyway, sa kakalakad eh nakaramdam na rin ang lahat ng gutom. Pumasok na kami sa loob ng mall, at naghanap ng magandang pwesto/kainan. After a few minutes, kainan na! Ang sarap naman ng food. Lalo pa’t gutom ako, so mas na appreciate ko ang lasa ng pagkain. Yum! Kaso, ang kulit rin ni Ron. Habang kumakain kami, sge ang kuha ng pictures. Naman! Ayan, di ko tuloy naubos ang pagkain ko. Hmp. Ron, utang mo sa akin yan ha. Ilibre mo ko next time. ☺ Pagkatapos kumain, umalis na rin sina Mhel at RJ. Si Rj, kelangan nang umuwi.. si Mhel naman, call of duty? Hehehe! Mhel, gala ulit tayo pag libre na sa time mo. Medyo bitin ang chika natin eh.

At dahil nga bloggers eyeball ito, hindi mawawala ang videoke. Enjoy sa pagkanta ang mga lalaki. Na-notice ko lang. Pag babae ang kumakanta, ambaba ng score. Pero pag lalaki naman, ang tataas. Hmp! Buwis-buhay na nga ang pagkanta ni Yanah ng Through The Fire, eh ambaba ng score. Kakainis ha.

After a while, nagdesisyon na ring umalis nina Nielz, Kyle at Ron. Hinatid ko na lang sila sa labas. It really was a pleasure meeting them.

Nang mapagod na sa kakakanta, napagpasyahan na rin ng lahat na umuwi na. Magkasabay kami nina Yanah, Empi, Lhan at Xander sa bus, samantala sina Rico, Bino at Badet ay… hmm.. di ko alam kung saan sila sasakay. Hehe! Of course, I also bid them goodbye.

Naunang bumaba ng bus sina Yanah at Empi. Kami namang tatlo nina Lhan at Xander ay bumaba ng Guadalupe. Pinasakay muna nila ako ng taxi bago sila umuwi. Hindi nga lang ako nakapag goodbye kiss sa kanila kasi parang uso yata dito sa Manila ang mga taxing nagmamadali. So eto na lang, Lhan at Xander… Mwwaahh!

Lhan, RJ, Ron, Rico, Mhel, Xander, Empi, Me, Yanah, Bino and Nielz
Natapos ang bloggers eyeball. Nakilala ko ang mga bloggers. First impressions?
  • Yanah – Makulit at maingay (and I like it! Di na ako nai-intimidate, Ms Yanah. hehehe! )
  • Empi – Tahimik ( … medyo tahimik lang sya. Di nya ako kinakausap.)
  • Badet – Mahiyain ( … tahimik rin na parang nahihiya)
  • Mhel – Responsible ( … Pasensya na Mhel, medyo naging BI ako kagabi. Hehehe… )
  • Lhan – Sweet ( … it was a very touching gesture.. with the taxi and all)
  • RJ – A kid ( … Really.. I see him as a kid. And he’s a college student.. so tama naman ako. )
  • Xander – Friendly (… very friendly. Kaya nga siya ang una kong hinanap sa eyeball)
  • Nielz – Friendly ( … Akala ko seryosong tao si Nielz, yung parang hindi makakapg ismyl. Mali na naman ako.)
  • Kyle – Super Friendly ( … From twitter to facebook to eb.. Friendly Kyle. That’s why I hugged you.)
  • Rico – Mysterious ( parang…. soo deep. I like it, actually.)
  • Ron – Makulit ( …. Akala ko, seryosong mama. Hindi pala. Sobrang kalog. He’s very funny. He made me laugh. Only a few people can make me laugh.)
  • Bino – Mabait ( … Akala ko, suplado si Bino. Super mali pala ako.. ☺ )

Sana merong next time. Meron pa akong utang na kwek-kwek at fishball sa inyo eh. Salamat sa pag welcome sa akin dito sa Manila. Sabi ko nga sa Facebook, I’ve had very negative ideas about people living in Manila. And for a change, it feels nice to be proven wrong. Pak! English yun! Hehehe! Till next time, bloggers! ☺

*Ang sabi nila, ang mga Ilonggo raw ay malalambing na tao. Totoo po yun. At totoo rin pong magagaling silang mambola. LOL.

Tagged: , , ,

§ 14 Responses to Bloggers EB

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bloggers EB at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: