Sunog!

February 17, 2011 § 7 Comments

SUNOG!!!!

“Saan??” Nakadapa ako sa sahig habang nag-iinternet. Bigla na lang ako napatayo nang pumasok si Ester ng kwarto at sinabing merong sunog dun sa likod ng bahay, malapit lang sa amin. Lumabas kami ng bahay at hinanap kung saan ang sunog. Hindi namin nakita ang lumalagablab na apoy pero kitang-kita namin ang malalaki at maitim na usok.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Para lang akong nagmarathon. Kitang-kita ang usok sa likod ng aming tinitirahang bahay. Nakakatakot. Eto ang unang pagkakataon na ako ay naka witness ng isang sunog. Madalas kasi, sa TV ko lang talaga siya nakikita. Sa tuwing merong balitang sunog na lumalabas sa TV, napapasabi na lang ako ng “Grabe naman..” o “Kakaawa naman sila..” Pero ngayon, ispitzlez ako! Jusko.. Malamang, naka nganga ako the whole time…

Lumipas ang 15 minutes (approx.), dumating na rin ang mga sasaklolo. Kaso hindi naman makapasok ang mga firetrucks, kasi squatter’s area ata ang nasa likod namin. Magkakatabi lang ang mga bahay at yung daanan eh para lang sa isang tao. Patay!! Sabi ni Ate, isang kapitbahay, dapat raw maging prepared na kami. Pasok ako agad ng bahay. Hala, nilagay ko lahat ng mga damit ko sa loob ng travelling bag. Kahit na yung mga hindi pa nalalabhan, nilagay ko na rin. Lahat na. Pagkatapos ng ilang minuto, binuhat ko na ang bag at nilagay sa hagdan. Lumabas ulit ako at tiningnan ang usok. Hala! Lumalaki pa. At parang papunta sa amin. Huhuhu!!

Bom! Bom! Bom! Grabe ang pintig ng puso ko.. parang tambol! At mabilis! As in, medyo nagpa panic na ako. Eh perstaym nga, intindihin nyo naman noh. Huhuhu!

Waiting… waiting. Siguro, mga 45 minutes rin at sa wakas, nawala na ang maitim na usok. Nasugpo na rin ang sunog. Medyo natagalan lang din siguro kasi nahirapan ang mga bombero na pumasok sa lugar. Dala na rin ng makipot na daanan at mga mausyosong tao. Maswerte pa rin kami sa araw nato kasi walang masyadong malakas na hangin at hindi masyadong mainit ang sikat ng araw. Hay…

Pumasok na kami ng bahay. Nagpapasalamat at natapos na. Very thankful. Pumasok nako ulit sa loob ng kwarto, dala ang aking bag. Napatulala na lang ako. Habang tinitingnan ko ang bag na punong-puno ng mga damit at gamit, iisa lang ang naisip ko…. “Maglalaba ako mamya, para pag merong sunog, eh malilinis na damit lahat ang maipapasok ko sa aking bag.”

Tagged: , ,

§ 7 Responses to Sunog!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Sunog! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: