Bahay Na Me!

March 3, 2011 § 8 Comments

Bahay na!

Umuwi na ako. Tapos na ang isang buwang bakasyon sa Manila. Andami kong napuntahang mga lugar. Andami ko ring nakitang mga kakaibang tanawin. Marami ring mga taong nakilala. Maraming mga taong naging kaibigan. Nakahanap na rin ako ng dalawang kaaway.. pero hayaan na natin sila. Wala na ako paki. Tse!

Ooppsss!! Good vibes pala dapat. So ngayong nakauwi na ako, pagkatapos ng isang life adventure sa Manila.. ano na nga ba ang bago sa akin?

Dahil sa bakasyon na ito, maraming mga bagay ang nagbago. Nagkaroon ako ng mga life-changing experiences.. Mga pangyayari na nahirapan akong tanggapin. Pero nagpapasalamat na rin ako at nangyari ang mga iyon. Nagbago ang aking pananaw sa buhay. Nagbago ang aking mga paniniwala. Maraming mga ideya ang pumasok sa isip ko… Maraming mga realizations na dumating na parang bagyo. Biglaan. Hindi ko napaghandaan. Masakit. Nakakapanlumo. Naging mahirap ang pagtanggap ko sa mga bagay-bagay. Naging mahirap ang pagtanggap at pagbago ng aking idelohiya. Mga prinsipyo na aking kinalakihan.. mga paniniwalang aking pinaniwalaan mula pagkabata. Basta, para akong naging ibang tao. Pero sa huli, alam kong merong mga rason kung bakit nangyari ang mga nangyari. May plano si Lord.

Pumunta ako ng Manila na merong dalawang misyon. Ang una, para makapag relax. Naging amoy Iloilo na kasi ako, naisipan ko rin maging amoy Manila naman, for a change. So yun, nag-empake at lumuwas ng Manila. Ang pangalawang misyon ay medyo personal. Wala na rin akong idedetalye ukol sa misyon na eto dahil ito ay akin ring na-accomplish.

In short po, ang pagpunta ko ng Manila ay isang success. Totoo at nagkaroon ako ng mga maliligayang sandali at meron ding mga masasakit na alaala. Pero my Manila vacation have served its purpose. Yun lang ang mahalaga.

Tagged: , ,

§ 8 Responses to Bahay Na Me!

  • Kyle says:

    >ate. sorry di ako nakapunta nung 2nd eb. :( masyado ko ng late nabasa yung text mo.buti naman at successful punta mo at salamat din nakilala kita. :Dteka parang may ideya ata ako dun sa 2 tao ah.hahaha joke.sana next time punta ka ulit manila o kami naman ang punta ng iloilo.hehehehesalamat ate. :D GV! GV!

  • >whaha yung reason mo parang nakwento mo na to sa akin di ba? tama ba ko? hehehe :Dim so happie na meet kita bago ka umalis hehehe :D

  • Ronster says:

    >ano ba ang 2nd mission? chismoso eh no hahaha. it was nice meeting you leah. pag pumunta ako iloilo ikaw bahala sakin ha hahaha

  • Bino says:

    >at di ako nakapunta sa 2nd eb mo kasi may work ako nun hehehehe. anyway welcome back to iloilo :D

  • ISTAMBAY says:

    >good na naging sucess ang mission mo dito sa manila.. sayang hindi ako nakasama sa EB nyo.. for sure naman ate luluwas ka ulit dito.. ingats palagi po. :)

  • empi says:

    >Nice meeting you. :) Ingat. :D

  • kaigachi says:

    >hi ate leah, ako rin naka-uwi na. sadly di ako nakapunta sa Miag-ao. pero malay natin, balik ulit ako within the year sa Iloilo to stay longer :) ganda sa inyo, asensado! di mo mami-miss ang Manila. its good to know that you accomplished what you came here for. stay blessed! -badet

  • Diamond R says:

    >Di ko alam ang bago mong blog na ito pero ng makita ko pa lang ang title at ang pangalan ng leah ikaw ang naaalala ko nagulat nabigla ako ng mabasa ko ang tasty treasure.kaya pala walang update sa tasty treasure dahil nandito.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bahay Na Me! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: