Pregnant?

March 7, 2011 § 5 Comments

“Buntis ka?!?”

Natanong ko sa isang kaibigan. Isang kakilala. Nag-aalalang baka buntis.

Tinanong ako, “Ate Leah, hindi pa dumarating ang period ko. Paano na lang to pag nabuntis ako?” Wala akong masabi. Wala akong matinong sagot. Hindi naman ako nars o doktor para magbigay ng isang “medikal” na sagot. Sinabi ko na lang, “punta na lang tayo sa OB.”

Pero sabi, takot raw siya malaman ang maaring sagot ng isang OB GYNE. Jusko naman. Tinatanong ako, pero takot palang malaman ang tamang sagot. Psshh!

Nakakainis lang, pero naiintindihan ko ang kanyang nararamdaman. Nagtalik sila ng kanyang ex-boypren sa sandaling siya ay fertile. Nakakapraning nga yun. Nakakairita ang suspense. May mga posibilidad kasing mabuntis siya. Andun yung kaba. Andun yung takot. Bakit ba kasi nagawa pa nya yun? Ex na nga nya ang lalaki, eh ginusto pa nitong magsiping sila? Dahil sa love? Dahil mahal niya? O siya, kung yun ang dahilan kung bakit ginusto rin nyang magtalik sila, eh di FINE. Pero aminin na natin. STUPID decision yun! Super. Para siyang engot! Stupid talaga. Hay..

Nai-istress na rin ako. Kinakabahan na rin ako. Sa sitwasyon nya, nakakatakot kasing mabuntis… Lalo na’t alam niyang hindi na siya mahal ng kanyang ex. Lalo na’t alam niyang hindi na yun magbabalik. Lalo na’t alam niyang.. ang kanyang dinadala ay hindi kikilalanin ng lalaki.

Tsk.

Tagged: , , ,

§ 5 Responses to Pregnant?

  • YanaH says:

    >:(sa totoo lang kanina sa twitter nung tinanong kita at sinabi mo, pinigilan ko ung sarili ko na magcomment about it.. ive been through it kase, though in a very different situation nga lang. pero in some ways similar sa sitwasyon ng friend mo. ive been through the same ordeal not just once but thrice.. alam ko.. sa sarili ko na isang malaking pagkakamali.. at isang malaking katangahan dahil inulit ko pa ulit.. hindi lang isang beses, umabot pa ng tatlo..pero anu't ano man ang maging resulta.. wala naman syang ibang magagawa kundi tanggapin kung anong sakaling i-atang ng buhay sa kanya.. harapin nya na lang.. wala naman siyang choice eh.. kung positive man, magpakatatag na lang siya.. kung hindi man pangatawanan ng lalaki, kayanin nya.. hindi naman kailangan ng lalaki para mabuhay nya yung bata…. kailangan nya lang maging malakas ang loob, maging mas matibay sa kung ano pang magiging hamon ng buhay sa kanya.. kung negative naman… eh di mabuti.. at sana this time, matuto na sya.. alam nya na dapat kung ano ang dapat mangyari, gagawin nya, at uunahin/iintindihin next time it happens..sorry.. nacarried away ako sa comment ko.. this particular mpost of yours actually brought back lots of memories, some of which i thought or i guess i let myself believed na nakalimutan ko na.. :(

  • Kyle says:

    >:( medyo nakakinis nga naman yung ginawa niya

  • Bino says:

    >now alam na dapat nya ang salitang responsibility. yan ang hirap sa mga unsafe sex eh. alam dapat ang magiging consequence. sorry just my two cents

  • LhanLhan says:

    >dapat harapin ang mga consequences ng mga ginawa mo. kung mangyari man yun, harapin na lang niya.. no regrets dapat. nag enjoy naman sya eh..

  • Engr Moks says:

    Nakupoh hirap nyang ganyang sitwasyon sira ang buhay nya pagnagkataon…. Ex bf nagtatalik pa? Swerteng lalaki nga naman. Malas din naman pla ng lalaki kasi mapilitan syang pakasalan yung babae…. Hehehehe. Sipag mag post dito sa bagong bahay ahhhh masa mood ka ate? Hehehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Pregnant? at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: