My First PBA game. LIVE!

March 9, 2011 § 9 Comments

Opo. Isa akong Baranggay Ginebra Kings fan.

Elementary palang ako, isa na akong PBA fan. Dati, Alaska ang team ko. Idol ko si #14 Johnny A. Pero habang tumatagal, mas na-appreciate ko ang team Ginebra. Nasa RPN9 pa noon ang live coverage ng PBA. Halos lahat ng games, sinubaybayan. Lahat ng players, kinilala. Lahat ng kaklaseng hindi Ginebra ang team, inaaway. Opo, bully lang talaga ako noon. Hahaha!!

Ako ay nagkolehiyo. Naging busy sa eskwela… barkada at lakwatsa. Nag-iba ang hilig. Hindi na masyadong nakapanood ng TV. Nawala ang hilig sa PBA. Nawala ang hilig sa game. Natapos ang kolehiyo, hindi na bumalik ang “love for the game”. Ngayon, nagtatrabaho. Kumikita. Pero sadyang wala ng hilig sa panonood ng PBA. Hindi na alam ang pangalan ng mga teams. Hindi na rin kilala ang pangalan ng mga players. Tsk.

Pero nang dahil sa isang makulit na kaibigan at kamag-anak, nagkaroon ng pagkakataon ng makapanood ng isang laro. LIVE. At PAK!!!!! Eto lang pala yun. Eto lang pala ang kinakailangan. Eto lang pala ang gamot. Eto lang pala ang makakapagpabalik ng aking passion sa basketball.. isang LIVE game. Lalo na’t larong GINEBRA! Pak na Pak!

At nang dahil dito, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan. Mga bagong kakilala. Naging myembro ng isang grupo. Naging isang kabaranggay! Aanhin pa ba ang PBA kung walang GINEBRA? Tomoh? Toommoohhh!!!! :))

Tagged: , , ,

§ 9 Responses to My First PBA game. LIVE!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading My First PBA game. LIVE! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: