Emo post..

March 20, 2011 § 9 Comments

Ang sama ng pakiramdam ko ngayon.

Ang gulo ng isip ko. Di ko rin alam kung ano bang dapat gawin. Pakiramdam ko, buhat-buhat ko sa mga balikat ko ang problema ng mundo. Hay, ano ba to?

Ambigat ng pakiramdam ko. Di ako mapalagay, may kaba sa dibdib ko, hindi ko naman maipaliwanang kung bakit. Hindi rin ako maka-smile.. kahit na konti lang. Lahat ng mga frustrations ko sa buhay, bigla na lang bumalik. Hay. Gusto kong umiyak, wala naman mga luhang lumalabas sa mga mata ko. Hindi ko rin alam kung ano ang iiyakan ko. Pero gusto ko lang talagang umiyak. Yung buhos iyak… Pero ewan, bato na nga ba ang puso ko? Di na ako makaiyak. Hay.

Nakaka frustrate. :(

Andami kong frustrations at disappointments sa buhay. Alam ko na matagal na panahon na yun. Let go? Tapos na. Move on? Nagawa na. Pero kasi, tao lang naman.. Minsan, hindi ko napipigilang magbalik-tanaw. At sa twing maaalala ko ang mga pangarap na hindi naabot, nakakaramdam pa rin ako ng kalungkutan..

Noong nasa elementary palang ako, andami kong mga pangarap. Gusto ng pamilya kong ako’y maging doktor. Gusto ko naman maging isang flight stewardess o dili kaya’y maging isang Manager ng isang malaking company. Gusto ko ring pumunta sa ibang bansa. Gusto kong maglakwatsa sa Paris, Hollywood at Disneyland. Gusto kong makita si Peter Pan. Ganun naman kasi ang mga bata. Andaming mga pangarap. Kahit na imposible, parang napakadaling abutin.

Pero meron talaga ako isang pinapangarap na hindi ko talaga naabot. Yun ay magkaroon ng magandang trabaho. Maging stewardes o isang office girl. Maging empleyado sa isang malaking company. Magsuot ng uniform kada araw sa pagpasok sa opisina. Magkaroon ng malaking buwanang sweldo. Nasa grade school palang ako, yun na ang nasasa puso ko. Sa mga panahong yun, parang kaydali lang abutin ang pangarap na yun… Pero… hindi ko yun naabot. Hindi naman ako nagrereklamo sa kalagayan ko ngayon. Okay na okay ako ngayon. Merong negosyo. Hawak ko ang sariling oras. Hawak ko ang saariling kita.

Pero kasi… sana… sana man lang.. bago dumating itong time na nagkaroon ako ng negosyo, eh sana… sana nakapagtrabahpo muna ako sa isang malaking company. Sana naging empleyado muna ako.. sana nakapagsuot muna ako ng employee’s uniform.. Sana naranasan ko rin yung excitement sa twing bwanang sweldo, promotion or termination. Sana naranasan kong maging isang empleyado… bago ako naging boss.

Sana.

Isa pa. Pagka graduate ng college, maliban sa paghahangad na magkatrabaho, gusto ko na ring magkapamilya lang. Wala nakong iniisip kung mayaman o mahirap pa ang magiging kasama ko sa buhay. Basta mahal ko at mahal niya ako. Yung tipong mga prinsipe sa mga Disney movies. At akala ko, nakamit ko na yun. Isang lalaking minahal ko nang lubos. Naghintay ako na kaming dalawa ay maging handa sa pagharap sa pagsubok ng buhay-pamilya. Pero ako lang pala ang naghihintay. Ginamit lang ako.

Tama sila.. Ang mga taong nagsabi noon, ang mga taong nagpakita ng concern sa akin.. Mga kaibigan, mga kapamilya. Sana man lang, nakinig ako kahit na konti.. Sana nakinig ako. Sana naisip ko rin yung posibilidad na tama sila. Na sinabi nilang, gagamitin lang ako. Kung maibabalik ko lang sana, ibabalik ko ang oras sa panahong kami’y unang nagkakilala. Sana hindi ko na lang pinansin. Sana hindi ko na lang pinatulan.

Sana.

Basta. Andami pa. Hindi ko na iisa-isahin pa.

Siguro, normal lang naman na magkaroon tayo ng mga frustrations at disappointments sa buhay. Bata palang kasi tayo, meron na tayong mga pangarap.. mga ninanais na marating. Meron na tayong mga dream job, dream house… dream partner/lover. Kaso nga lang, habang lumalaki tayo.. unti-unting namumulat ang ating mga mata sa katotohanan. Ang buhay ay hindi isang fairytale. Hindi lahat ng nakaplano, nangyayari. Hindi lahat ng ginugusto, dumarating.

Ganun talaga. Minsan, napaka unfair. Pero ganun talaga. Nakalungkot….

The what if’s and the If Only’s … Dalawa sa mga pinakamasakit na mga salita. Pero sabi nga, tapos na yun. Part of history na, kumbaga. Problema nga lang, hindi ako makalimot. At sa tuwing maaalala ko ang mga frustrations na yun, nakakaramdam pa rin ako ng sama ng loob. Kung pwede lang sanang magkaroon ng selective amnesia…

Ayokong kwestyunin ang Diyos. Alam kong mali. At alam kong meron Siyang plano para sa akin. Pero kasi, ang hirap lang. Kasi.. good girl naman ako eh. Naging isang masunuring bata. Inalagaan ko ang sarili ko, nang hindi mapahiya ang pamilya ko. Inalagaan ko ang taong mahal ko, nang hindi siya mapahiya sa ibang tao. Oo at meron akong mga maling nagawa. Tao lang po. Pero good girl ako eh. Ginawa ko naman lahat sa nakakaya ko, pero bakit ganun? Good girl po ako eh.. Bakit po ganun?

Pasensya na po, Lord.

Hay LIFE. Parang kang ewan.

Tagged: , , ,

§ 9 Responses to Emo post..

  • mommy-razz says:

    >huwag kang naawa sa sarili mo, bata ka pa kaya madami pang mangyayari sa buhay mo, unti-unti matutupad mga pangarap mo, just keep on waiting and work on it.. kaya mo yan leah! ako nga pala c inzar sa twitter world.. tweet ako ng tweet sau pero deadma ka lang.. hahaha

  • charles says:

    >Cry your heart out. Until the last drop of your sadness is wrung out. Be and stay happy after. :)

  • jhengpot says:

    >kala ko kung sinong isa pang leah…hehe..ikaw din pla toh… ok lang yan…ang lahat ay may dahilan… buti ka pa nga boss na, yung iba jan halos magpakamatay na kakatrabaho tumaas lang ang rango… just enjoy the the ride ate…papasan ba at magiging ok ka din… read mo toh http://leonrap.blogspot.com/2011/03/nicest-email-ever.html sana makatulong sa mga pinoproblema mo :)

  • Bhing says:

    >hindi pa huli ang lahat para maabot ang gusto mo, hindi man lahat pero may paraan pa para mabigyan mo ng kasiyahan ang sarili mo.Keep the faith!God Bless!

  • Marie says:

    >Naiisip ko rin ang mga ganyan paminsan minsan. Yan daw ang mga reasons kung bakit binigyan tayo ng sense of humor at imagination, to compensate for our faults and failures. But really, the downs are placed in our lives so we can appreciate the ups…our blessings.

  • Bino says:

    >ang masasabi ko lang, if God says "no", it doesn't really mean "no". It means, "not now"

  • empi says:

    >Smile lang Leah! Okey?

  • Kyle says:

    >GV GV ate!magiging okay din ang lahat

  • egG. says:

    >hayyyyyy tinamaan naman ako sa post mo na to.. my goley lang… pareho tayo ng kalagayan… under negosyo din ako… hawak ang oras.. hawak ang sariling kita… at di ko rin naranasan na makapagwork sa malalaking company hanggang business establishment lang.. pero di rin ako nagtagal…. at wala rin lablayp hahaha 3rd sex kasi eh hahaha pero un nga… sabi ko sa sarili ko maswerte na rin ako kahit ganon lang… kasi ung ibang tao nagpapakapagod makahanap lang ng kikitain at ng kakainin sa pang araw araw na pamumuhay samantala ako eh internet maghapon… parang ganon.. pasarap buhay kumbaga.. basta enjoy enjoy enjoy tayo… at sempre kapag me events try mong gumala… hehehe… haayyy napacomment lang po ako…. nakarelate kasi ako sayo eh. hope okie lang… :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Emo post.. at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: