Qualifiers, baby! AZKALS!

March 25, 2011 § 10 Comments

We won!!

The Philippine Football Team, popularly called as the Philippine Azkals, won today. They were up against the strong Bangladesh Bengal Tigers. Still, in the end.. the Azkals beat the Tigers. Booyeah!

Ayan!! napa ingles tuloy ako! Haha!

The Philippine Azkals
Sa naunang 30 minutes ng game, wala pang score ang dalawang teams. Pero syempre, hindi pupwede yun sa ating mga manlalaro. Iisa lang kasi ang mission – Kailangang manalo. Hindi pwedeng maging draw. Hindi rin pwedeng matalo. Kinakailangang talunin ng Pilipinas ang team ng Bangladesh para makapasok tayo sa AFC challenge Cup sa taong 2012.

Nagsimula na ang game. Yun na nga, 30 minutes in the game, wala pa rin. Pero wag ka, bago matapos ang 1st half ng laro, binigyan tayo ng isang score ni Ian Araneta! Yahoo! Natapos ang half time na meron tayong 1-goal lead, courtesy of Ian Araneta’s goal. Naka score po ang Azkal sa 41st minute ng game. Leading tayo, Philippines – 1, Bangladesh – 0.

Simula ng 2nd half. Andaming mga sipa, andaming mga fouls. Naduduling na rin ako sa kapapanood. Malapit na malapit ang mukha ko sa computer screen (live stream lang po kasi). At booom!! GOAL!! Isang goal pa ulit ang Azkals! This time, it’s from Angel Guirado (at the 54th minute). At pagkatapos ulit ng ilang minuto, goal na naman!! Also coming from Angel (at the 80th minute)!

And then… bbbzzzzzzzzz!!!!! FULL TIME! We won!!!! Nanalo ang Philippine Azkals sa laro nito laban sa Bangladesh Tigers, sa score na 3-0. At ngayon ay qualified na para makapaglaro sa prestihiyosong AFC Challenge Cup 2012!

The Philippine team made history today. The Azkals, ranked among the bottom 8 teams at the start of the competition is now 1 of only 8 teams to compete in the 2012 AFC Challenge Cup. Ohyeah!!!Excuse me. I think I’ll go and dance now. Hehehe!

Tagged: , , ,

§ 10 Responses to Qualifiers, baby! AZKALS!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Qualifiers, baby! AZKALS! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: