100factsaboutme

March 29, 2011 § 7 Comments

100 Facts about me.

Ilang araw ding trending sa Twitter ang #100factsaboutme. Gusto ko ring maki-uso, pero tinatamad akong isa-isahin sa Twitter. Kaya naisipan ko na lang i-blog. :)
  1. Ang pangalan ko ay Leah, at minsan gusto ko itong palitan ng Alexa o Aura.
  2. Ako ay isang promdi at hindi ko feel manirahan sa syudad.
  3. Hindi ako nakakatulog kapag walang efficascent oil sa tabi ko. (adik lang.)
  4. Di rin ako makakatulog kapag masyadong madilim. Dapat talaga merong night light.
  5. Hindi ako mahilig sa text. Lalong hindi ako nagte-textmate. (I find it “cheap’! Sorry.)
  6. My mom calls me Nene. My dad calls me Pangga. My two brothers call me Panee.
  7. Pihikan ako sa pagkain. (arte.) Hindi ako kumakain ng balot, isaw, talaba, dinuguan at okra.
  8. Adik ako sa Avatar: The Last Airbender Cartoon series, Teen Titans at Justice League Animated Series.
  9. Mahilig ako sa maa-anghang na pagkain. Paborito kong sawsawan ay toyo/patis with calamansi at sili.
  10. Payat ako noong nasa grade school palang ako. Ngayon, chubby na. Hihi.
  11. Mahilig akong maglinis ng aking kwarto. (take note.. sariling kwarto.)
  12. First year high school ako noong ako’y magka boypren. Ang pangalan nya ay Jerson.
  13. Mahilig akong maglaro ng games sa Playstation2 at Psp.
  14. Adik ako sa God of War, Kingdom Hearts, Final Fantasy X, RE4 at Crisis Core (Psp).
  15. Marunong akong mag DOTA. (Oh yeah!)
  16. Mahilig akong kumanta. Marunong din akong sumayaw. Folk dance lang, hindi hiphop.
  17. Hindi ako nanonood ng horror films.
  18. Meron akong complete collection ng Disney animated films. (Yaaay!) Adik lang kasi sa Disney.
  19. Mahilig rin ako sa anime. Paborito ko ang Flame of Recca at Dragonball. Hindi ko maintindihan ang One Piece.
  20. Paboritong kong authors sina Dan Brown at Michael Crichton.
  21. Paborito kong libro ang The Da Vinci Code, Deception Point, Prey at State of Fear.
  22. Paborito kong color ay apple green, lavender at yellow.
  23. Takot akong sumakay sa eroplano pero nakakaya ko naman kung kinakailangan talaga.
  24. Apat na beses lang ako nakasakay ng eroplano.
  25. Gusto kong isawsaw ang french fries sa gravy. Kung walang gravy, pwede rin sa sundae.
  26. Paboritong kong chichirya ang Mr. Chips, Chippy at Nova.
  27. Mahilig ako sa softdrinks. (7-up)
  28. Paborito ko ang pizza ng Pizza Hut.
  29. Mahilig akong mag bike.
  30. Ayoko mag-exercise.
  31. Noong bata pa ako, gusto kong maging teacher o flight stewardess.
  32. Takot ako sa dugo. Takot rin ako sa clown. (noon.) Lalong takot ako sa pating (shark).
  33. Galit ako sa mga ipis. (super!) At killer din ako ng mga langgam.
  34. Naranasan kong maubusan ng pera sa iskul kaya naglakad na lang pauwi.
  35. Kaya kong pagalawin ang aking ilong.
  36. Tahimik ako kapag nalalasing. Istupida rin ako kapag nalalasing. Kaya umiiwas ako sa inuman. (hehe!)
  37. Paborito kong subject ay English. Hate kong subjects ay Math at history.
  38. Simula grade school hanggang high school, pasok ako sa top3. (Nagyayabang.. haha!)
  39. Nagrebelde ako pagdating ng college.
  40. Nakapatay na ako ng ahas.
  41. Nakagat na ako ng aso. (Ouch!)
  42. Bulol ako. Nabubulol ako kapag ako’y nagsasalita ng ingles. Nabubulol ako kahit na sa tagalog.
  43. Paborito ko ang lansones at ubas. Ayoko ng rambutan at langka. Hindi rin ako kumakain ng bayabas.
  44. Marunong akong mag-drive. Pero ayokong magmaneho. Gusto kong sumakay na lang sa jeepney o bus.
  45. Nag-iipon ako ng resibo noong high school ako.
  46. Mahina ang aking baga.
  47. Meron akong astigmatism. (slight lang.) Gumagamit ako ng eyeglass minsan.
  48. Noong bata ako, mahilig akong magpanggap na artista. Mahilig akong mag Q&A sa banyo na parang ini-interview sa showbiz linggo.
  49. Idol ko noon sina Jolina at Marvin. (Noon yun. Haha!)
  50. Makakalimutin ako.
  51. Hindi ako marunong magbasa ng mapa.
  52. Sa buhay ko, iisang tao lang ang aking nasampal. Isa lang.
  53. Kras na kras ko si Robert Akizuki.
  54. Pinaglihi raw ako sa mangga.
  55. Nakapagpa-autograph ako sa Streetboys. Nayakap ko na si Vhong Navarro. (Weeehhh!)
  56. Marunong akong umakyat ng puno.
  57. Nahulog na ako habang paakyat sa puno ng tsiko. Gusto ko ring itry umakyat ng puno ng niyog.
  58. Fruit salad o leche flan ang lagi kong hinahanap na dessert.
  59. Hindi ako nagfa- farmville.
  60. Grade 1 na akong ng huminto sa kaiihi sa kama kapag gabi. (Wahaha!)
  61. Paborito ko ang ampalaya at kalabasa.
  62. Pinapantasyahan ko si Jao Mapa dati.
  63. Nainis ako kay Claudine Baretto dahil sa nangyari sa kanila ni Rico Yan.
  64. Naka try na ako ng marijuana. (once.)
  65. Adik ako noon sa Ang TV.
  66. Grade 4 ako noon nang unang makaranas ng paglindol.
  67. Takot akong magka tidal wave.
  68. Fourth year na ako nang magka 2nd boypren, si Ralph.
  69. Paborito kong banda ang Parokya Ni Edgar at Hale.
  70. Hindi ko ibinoto si President Noynoy Aquino.
  71. Namatay si Fall (aso ko) dahil sa barbecue stick na nakain nito. Hindi na ako kumakain ng barbecued porkmeat simula noon. (nevah agen.)
  72. Paborito kong aso ay sina Teddybear at Pokeybear. Pero mas mahal ko si Teddybear. (Sssshhhh!)
  73. Andami kong alagang aso. Sina Teddybear, Pokeybear, Pandabear, Coke at Rich.
  74. Ang iba (inadopt o namatay na) ay sina Chippy, Fall, Spring, Summer, Winter, Nova, Sprite, Peewee, Piatos, Pan, Simba, Nala, Bush, Saddam.. at madami pa.
  75. Hindi pa ako nakakapag work sa isang office. (empleyado) May sariling negosyo kasi. (echos!)
  76. Paborito ko ang Victoria’s Secret undies. Paborito ko rin ang VS perfume and body sprays.
  77. Hindi ako naninigarilyo.
  78. Martyr daw ako sa pag-ibig, sabi ng mga kaibigan ko. Trulalo naman.
  79. Myembro ako ng literary club noong high school.
  80. Ginawang rason ang pagiging busy kuno sa school paper publications para hindi makapag train sa CAT.
  81. Hindi ako mahilig sa kwintas. Hindi rin ako nagre-relo.
  82. Tahimik ako pag personal. Madaldal lang ako online.
  83. Ako ay praning, sensitib, matampuhin at minsan, pikon.
  84. Naiiyak pa rin ako sa tuwing nanonood ako ng “Sarah” at “Cedie”.
  85. Mahilig ako sa gatas. (Bear Brand)
  86. Hindi ako na-aadik sa Twilight Saga. (Hindi talaga!) Pero gustong-gusto ko ang Harry Potter movies.
  87. Nasampal na ako ng tatay ko.
  88. Ang gamit kong shampoo ay Head and Shoulders. Creamsilk naman ang conditioner.
  89. Di ako mahilig sa make up.
  90. Marunong akong mag piano at mag gitara. Gusto kong matutong tumugtog ng drums.
  91. Ang una kong cellphone ay Nokia 3210.
  92. Lagi na lang ako nagda download sa internet ng mga torrent files..
  93. Kras na kras ko si Matt Damon. (Pinagpapantasyahan pa, minsan. Haha!)
  94. Hindi ko feel manood ng mga telenovela tulad ng Mara Clara. Di ko alam kung bakit.
  95. Naranasan kong kumuha ng 100peso sa wallet ng tatay ko. (start young, ika nga. Bwahaha!)
  96. Ang pinaka paborito kong Disney character ay si Tinkerbell.
  97. Hindi ako marunong mag chopsticks.
  98. Single po ako ngayon. Ehem. Hahaha!!
  99. Mas gusto kong magkape kesa sa mag-tea tuwing hapon.
  100. I hate traitors.
There. 100 facts about me. Actually, andami ko pa sanang gustong i-share. Pero baka mawalan ng mystery, diba? May mga bagay na hindi na dapat sabihin.. kundi dapat lang tuklasin. You know.. the mystery behind the name. Hehe. Kung gusto talaga akong kilalanin ng isang tao, he’s got to dig deeper. Because unless his name is Google, he doesn’t know everything. Pak.

Tagged: , ,

§ 7 Responses to 100factsaboutme

  • Akoni says:

    >hahaha…Efficascent..maganda brand ng pabango yan ah.pwedi ka dito, kasi hindi uso ang txt dito..apir tyo sa number 8, number 17 at number 19..hanggang 50 lang muna binasa ko..hehe..mamaya ang 50 remaining 50..hehehe

  • Diamond R says:

    >100 points para makilala si leah.diko alam pero gusto ko ang mga ganitong post magawa nga din ito para makabawi sa ibang nagpapakilala. nakakatuwa kasing malaman na di lang pala ikaw ang may mga ginagawang akala mo lang ay ikaw lang.appreciate this leah.

  • charles says:

    >Some of our similarities:Peyborit ko din ang Flame of Recca. Hindi ko din maintindihan ang One Piece (baka dahil hindi ko nasusubaybayan masyado). Myembro din ako ng literary club, Journalism Club.Kailangan din may gravy 'pag kakain ako ng fries, pero hndi sa sundae. hahaPaborito ko din ang Hale.Hindi ko din binoto si Noynoy, hndi pa kasi ako registered voter. =))

  • egG. says:

    >wow niceeee… heheheheh…. nyek di mo pala gusto ang CAT… sarap kaya non… pahihirapan ka.. lolresident evil and crisis core!!! cute ni zaacckkk lol.. :D

  • charles says:

    >Hehe, lagi naman ako dito dumadaan dito eh. :)Sayang lang kasi disbanded na ang Hale.Btw, nice font. haha

  • mommy-razz says:

    >tnx for sharing…bkit hndi mo nagustuhan ang twilight saga? kami ng mga anak ko, hibang n hibang kami.. dalawang set books namin jan at pinanood namin ang tatlong movie nila sa big screen..apir tau sa 80, 83, 84 at 93.

  • Marie says:

    >Na inspire ako!!! Eto, nagcompose rin ako ng 100 facts about me.. pero di pa tapos. Abanggan na lang next time. hehehe… Ang saya ng post na to. Apir tayo, mahilig din ako sa gatas, pero Alaska yung iniinom ko dati. Tsaka di ko rin type ang Twilight. O, may kakampi ka na sa pagiging killjoy dyan. heheheh.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading 100factsaboutme at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: