This is NOT a Joke.

April 1, 2011 § 15 Comments

Ano na naman ba ito?

Kagagaling ko lang sa break-up, pero eto na naman. Sa tuwing nakikita ko siya, nanginginig ang mga kalamnan ko. Sa tuwing ngumingiti sya, nahihirapan akong huminga. Ano ba to?

“Ambilis naman yata.” Yun ang sinasabi ng isip ko.. pero ibang-iba ang isinisigaw ng aking puso. “Aminin mo na kasi. Mahal mo na sya!”

May walong taon ko nang kilala ang lalaking ito. Sa umpisa, hindi ko pa talaga sya napapansin. Ang alam ko lang noon, oo.. gwapo sya. Ang pagkakakilala ko lang sa kanya, eh nababatay lamang sa aking mga nakikita. Gwapo. Matipuno ang katawan. Kung makatitig, ay parang araw.. nakakatunaw. Kapag ngumingiti ay parang isang toothpaste model.. close-up smile. Hay. Pero hindi ko pa sya pinansin noon. Kasi meron akong boypren.

Pero nitong mga nakaraang taon, lagi ko na siyang nakikita. Lagi na nya akong ningingitian. Paano ba naman.. lagi kaming nagkikita sa mga malls. Lagi na ring nagyayayang manood ng sine. Sinasadya ba? Destiny ba? Pilit pa rin akong umiiwas sa tukso. Pero ang hirap!!!

Oo. Inaamin ko. Gusto ko sya. Gustong-gusto, actually. Eh paano ba naman… Sa pisikal na katangian? Gwapo. Maganda ang tindig. Matipuno. Gwapo. Magaling magdala ng sarili. Gwapo. At maliban sa pisikal na kagwapuhan, isa syang lalaki na pwede kong maihalintulad sa isang prinsipe. Mabait. Sensitive. Very approachable. He treats women with respect. Philantrophic rin sya. Meron syang foundation at charity institutions na sinasamahan.

Perfect guy sya talaga. At eto na nga… at parang naiinlab na akong nang tuluyan. Wala na akong boypren sa ngayon. Ibig sabihin, pwedeng pwede na. Eto na ba talaga? Eto na ba love?

Ano ba ito? GO FOR IT na ba??? Nalilito na ako… ¬†patulong naman oh.

P.S.
Eto po ang facebook account nya.. kung sakaling nacurious kayo.

Tagged: , , , ,

§ 15 Responses to This is NOT a Joke.

  • Marie says:

    >Oyyy in love! hehehe… oo, parang familiar ang itsura nya… teka, parang siya yung namatay yung GF nya sa India? (german-american girl yun)… tapos inikot nya ang europe para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng girl. Kawawa siya no? pero matagal na yun… malay mo, ready to love na ulit siya… at sa yo pa! weeeehhhh!!!! :-D

  • Diamond R says:

    >sa araw na ito bago ko nabasa ang post mong ito.dahil April fool's day.Medyo parang nakakaramdam na ako na may papupuntahan itong balon. ayon talagang surprise talaga ang facebook account. kung di mo ito ma click mahahalata ni Leah na nag skip read ka lang.

  • Akoni says:

    >hahahaha…si Matt damon ba yun? haha..ang kyut niya..sarap pa!

  • Bino says:

    >wow grabe! inlove kay matt damon! hehehehe buti na lang di ako nagskip read

  • charles says:

    >Magbibigay pa naman sana ako ng love advice.. It really is, April Fool's Day. hahaha. to be fair ang cool ng idea, di ko naisip na joke ito. hahaha!

  • Bon says:

    >ayiie! haha punong puno ka ng kilig ah!! =) kung alam mo magiging masaya ka wag mong pigilan sarili mo! ^^ wala namang mawawala pag sinubukan nyo! malay nyo mag click! Good Luck!!pa enable naman po ng NAME/URL option sa comment box.thanks! BONwww.taragis.com

  • Leonrap says:

    >dahil nasa work ako…. blocked ang FB kaya di ko sya maview… pero dahil sa post ng iba, di ko din kilala si matt damon! ahahaha… pero sana totoo nlng tongb mangyari sayo dba?… natawa ako sa comment ni lokong akoni. ahaha

  • mommy-razz says:

    >naks! inlove na c leah.. GO FOR IT NA!!

  • Sey says:

    >habang binabasa ko yung post, i'm getting ready for the advice tapos nung malapit na naisip April Fools day nga pala at hindi ako nagkamali….victim! hehehe!

  • egG. says:

    >gow lang tehhh!!!! baka me makahuli pa sa kanya… ikaw na ang bumingwit.. hahahaha char!!! :)

  • BONISTATION says:

    >ako ay nagablik! haha dahil sa tweet katuwa naman!! salamat po!!walang FB dito sa office kaya diko nakita ang fb account hmmm haha, anyway, in general naman sinabi ko sa 1st comment and you can take and use it in real life! =)smile!oops! and thanks! enabled na ang NAME/URL hehe

  • jedpogi says:

    >pwede na yan… tirahin mo na baka tirahin pa ng iba joke! langya kala ko naman lols!

  • jhengpot says:

    >ahaha! habang binabasa ko pa naman toh ang lawak na ng imahinasyon ko ng biglang toinks!!!!

  • musingan says:

    >anak ng.. pareho kami ni sey… kana ready na sa isip ko ang ipapayo ko sa iyo kahit na hindi mo hinihingi… tapos.. nakita ko ang faceook acount niya.. dali ko naman linick… ano bah TEH… sabihin mo na lang kasi sa kanya.. huwag ng pa blog blog pa…..

  • mayen says:

    >hi leah, thanks sa comment mo sa blog ko.Follower na ako ng english blog mo. may tagalog ka din pala. hehe..

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading This is NOT a Joke. at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: