Lasing!

April 7, 2011 § 11 Comments

Ayoko na talaga.

Kagabi, naisipan ng kasamahan ko sa bahay ni cousin na kami’y mag-inuman. Sagot ko naman, “tara!”. Kasama ang tatlo pang mga kaibigan, pumunta kami sa isang tambayan sa Panaad Park. Naghanap ng magandang pwesto. Nakakita naman kami agad. Okay ang lugar at merong live band. Nice. Umorder na ng inumin. Bumili ng pritong peanuts. At nagsimula na ang inuman.

Pagkaraan ng ilang minuto, nararamdaman ko na. Medyo nahihilo na nang konti. Medyo nagiging maingay na rin. Medyo nalalasing na.. pero sige pa rin. Hay, bakit ba hindi ako tumigil? Sana tumigil na ako. Alam ko na nalalasing na ako eh. Pero ayun, pinagpatuloy ang pag-inum. Hindi ko na naisip ang warning na “DRINK MODERATELY”. Hay.

Hindi ako baguhan sa mga inuman. Occasional drinker naman ako. Kapag merong mga okasyon at nagyaya ang mga kabigan (trusted friends) na uminom, sumasama naman ako. At sa buong buhay ko, mga 5times lang yata ako nalasing nang todo.. yung tipong may temporary amnesia kinabukasan. Kaya sa sa previous post ko tungkol sa #100factsaboutme, sabi ko dun istupida ako kapag nalalasing kaya umiiwas ako na umion nang todo. Hay.. Pero bakit nga ba ako uminom kagabi? Anong rason? …….. Ewan, siguro dahil gusto ko lang? Hay.. ang gulo ko ngayon ah. Parang engot lang.

Hay. Malaman to ng tatay ko, lagot ako.

Hindi ko na alam kung ilang bote ng Red Horse ang naubos ko kagabi. Hindi ko rin alam kung ilang tao ang nainis sa ingay ko. Lasing na. Kaya hindi ko na alam kung anong oras kami umuwi.. o kung papano ba ako nakauwi? Hindi ko na rin maalala ang mga nangyari kagabi.

Pagkagising ko kaninang umaga, ang sama pa ng pakiramdam ko. Nagsuka pa ako. Umaga na yan ha. Grabe ang sakit ng ulo ko. Haayyy….

“Ano bang nangyari kagabi?”, ang tanong ko.
“Lasing ka. Hindi ka na makalakad nang diretso. Ang ingay mo rin. Hinaharangan mo ang mga sasakyan. Buti nga hindi ka sinagasaan. Yung mga sinasalubong natin, niyayakap mo.”, sagot ni Jona, kasama ko kagabi.
“My gawd. Pasensya na. Nasobrahan talaga ako kagabi.”
“Oo nga, sobra! Mabuti na lang hindi ka naman gumapang pauwi.Yun nga lang, lahat ng nakakasalubong mo, gusto mong halikan.”
“Huwaaat???”

Haaayyy. Nagkaroon ako ng temporary amnesia. Ayoko na talaga. Ayoko na.

P.S.
Be responsible…

Tagged: , , ,

§ 11 Responses to Lasing!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Lasing! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: