Panaad and Mambucal

April 9, 2011 § 17 Comments

Di makatulog.

Alas-una kwarenta na nang umaga, pero eto ako ngayon.. gising pa rin. Hindi ko maintindihan. Inaantok rin naman ako dahil sa sobrang pagod na hatid ng mga ginawang aktibidades kanina… Pero sa tuwing humihiga na ako, hindi naman ako makatulog. May paniniwala sa aming lugar.. na kapag hindi ka raw makakatulog kahit na sobrang antok mo na, ibig sabihin ay may nag-iisip sayo. Hay. Di ko alam kung totoo ito o hindi. Pero kung sakali mang totoo at merong isang taong pinagpantasyahan ako, eto lang masasabi ko.. “Hoy, magpatulog ka nga!!!”.

Eniwei, since gising na nga si Leah, naisipan ko na lang ulit tumambay sa Twitter at Facebook. Kaso, the whole world is asleep na yata at ako lang ang gising. Naisipan ko na lang mang-edit ng pictures at iblog. Dapat sana ia-upload ko ang mga pictures sa FB account ko, pero nagloloko ang connection dito sa bahay ni cuz. Hindi sya makapag upload.. error daw.

Sa mga hindi pa nakakaalam, andito po ako ngayon sa Bacolod City. Nang-ambush ako dito sa bahay ni cousin. Dumating ako last Sunday then uuwi rin naman ako this day, Sunday, later in the pm.. so 1week lang talaga ang vacation. Pero may plano pakong bumalik. Andami ko pang hindi napuntahang mga lugar. Supah-busy kasi si cousin.. hindi man lang niya ako nilibot. Pero syempre, naiintindihan ko naman yun. Very understanding naman kasi ako eh. Charot! :P

My cousin and family.

Malapit lang ang bahay ni cuz sa Panaad Park. So anytime na gustuhin kong pumunta eh pwedeng-pwede. Walking distance lang kasi.. about 500meters or so. Na-enjoy ko naman ang lakwatsa sa Panaad Park. Andaming mga pinuntahang booths ng mga lalawigan ng Negros Occidental. Andami ring mga biniling souvenirs.. Andami ring mga kinaing delicacies. Hay. feeling ko, tumaba ako lalo. Tsk.

Day 1
Day 3
Day 4
Day 5

Yung 5th picture, ginawan ko yan ng post.. Hmm.. Be a responsible drinker, people. Eto… LINK.

Kaninang umaga, pumunta naman kami ng Mambukal Resort. A small get-together.. a party for my beautiful niece. Kahit na talo sa laban (sa Tae Kwan Do), eh go pa rin kaming lahat. Ang plano sana ay aalis na kami ng bahay at around 6 in the morning, nang hindi pa masakit ang sikat ng araw. Pero napasarap ang tulog naming mga kids, kaya bandang alas8 na kami nakaalis. Pagdating namin dun, agad-agad na nagtampisaw sa tubig at naligo sa ilog. Medyo may amoy lang ang tubig sa ilog (dahil raw sa sulfur content nito) pero hindi na nagpapigil ang mga pamangkins. Habang nagiging busy ang iba sa paghahanda ng lunch, umiwas nako (kasi tinatamad!) at naglakwatsa/picture-taking. Bwahihi.
Me, at the bridge..
Me, at the river…
Me, at the lake.
Nieces and nephew…
Mambukal Resort
located at Murcia, Negros Occ.

Pagkatapos ng tanghalian, nagpasya na kaming pumunta ng 7th Falls. Kumuha kami ng isang tour guide.. Wala namang bayad sa entrance at wala na ring “rate” na hinihingi yung guide namin. Sabi nya, “Sa pagbaba na lang natin, ma’am. Saka na lang kayo magbayad pag nakita na ninyo ang lahat na falls. Para ma-assess nyo po kung magkano ang ibabayad nyo.” Hmm.. good point. Ayos, Manong guide. Nagsulat muna kami sa attendace sheet (hihi) at pagkatapos, nagsimula na kaming umakyat ng bukid para makita ang mga falls… from the very first to the seventh.

Ala-una ng hapon nang kami’y nagsimulang maglakad. After 25 minutes or so, nakita na namin ang 1st waterfall. Hangganda! Hindi pa kami masydaong hiningal kasi hindi pa naman matarik ang daan papuntang 1st fall.

1st waterfall

Nagpatuloy na kami sa paglakad. 10 minutes or so, narating namin ang 2nd waterfall. As usual, picture-picture muna. Hehe.

2nd waterfall

Malapit lang ang ang 2nd at 3rd waterfalls, so hindi na kami nagtagal sa pangalawang waterfall. Siguro mga 4-5 minutes lang na paglakad. Sa daan papuntang 3rd, dun na nagsimulang maging matarik. Habang naglalakad ay pinagpapawisan na kami’t hinihingal.

Medyo matarik na.

Yung nasa picture, nasa 3rd waterfall na kami nyan papuntang 4th. And to tell you lang, hindi pa masyadong matarik yan ha. Pero yung iba, SUPER matarik na. Yung tipong kelangan mo nang gumapang. Kaya hiningal nako nang todo. Grabe rin ang aking heartbeat. Tumutulo na rin ang mala-mais kong pawis. Parang nag-marathon lang, ano? Hay, ang hirap kalabanin ni gravity.

3rd Waterfall
Ang ganda rin ng 3rd waterfall. Dito kami medyo nagtagal kasi super habol kami ng hininga namin. REST. Phew! We stayed there for about 10 minutes, at pagktapos ay naglakad muli. Malapit lang din ang 4th waterfall, kaso hindi na kami dumaan dun kasi masyadong matarik ang daan. Walang grab bars na pwedeng mahawakan. Kaya dumiretso na lang kami sa 5th at 6th na waterfalls. Mula sa 3rd waterfall, naglakbay kami ng halos 20 minutes bago makarating sa 5th at 6th waterfalls.
5th Waterfall
6th Waterfall
Yung 5th waterfall, hindi masyadong nadevelop. Hindi kasi pwedeng mapuntahan ng mga tao kasi walang lugar. Puro bato lang sa paligid. Magkalapit lang sila ng 6th waterfall. Unlike sa first 5 falls, etong 6th and 7th waterfalls lang ang pwedeng mapaliguan. Dun na kami tinanong ni Manong tour guide, “Kaya pa ba hanggang 7th?” Sus, si manong talaga. Yun talaga ang plano namin eh.. ang mapuntahan ang 7th waterfall. Kaya lakad pa kami. Sinundan lang namin ang ilog. May mga daan na flat na, kaso sobrang init naman ng sikat ng araw. Tapos, naglakad ulit paakyat ng isang burol.. na matarik rin nang slight. Graveh. Siguro mga 30-35 minutes pa bago namin narating ang aming destinasyon. At eto na nga… tsaran!!!!!
The 7th Waterfall
Mga taong talon…
Nakakahingal. Grabe ang pagod. Pero it’s all worth it. (Ang sarap maligo sa 7th Falls.. super lamig ng tubig, parang galing lang sa loob ng ref. Hihi.) Pagkatapos ng ilang minutong paliligo, nagpasya na rin kaming bumaba ng bundok. Inabot rin kami nang halos 45 minutes sa pagbaba namin. We took the long way, pero hindi na sya steep. Pagdating sa aming cottage, binigyan namin ni Manong tour guide ng 100Php, with 60Php na tip. Okay na yun siguro.. Hindi naman kami naging makulit sa “tour” o naging pasaway. Maingay nga lang, pero good travelers naman kami… and good tippers, as well. Mga alas5 na yata ng hapon nang kami’y nakauwi sa Alijis. Shesh! Pagod!Pero hindi pa ako nakuntento. Kagabi lang ang closing program ng Panaad Festival. Meron ding amazing fireworks display. Kagabi rin ang Kapamilya Night, 9pm sharp. Ang mga expected guests ay sina Coco Martin…. uhm, John Pratts.. Coco Martin. At saka si Maricar Reyes.. at Coco Martin. Nasabi ko na bang darating si Coco Martin? Pagkatapos ng dinner, pumunta ulit kami ng Panaad Park/Stadium (at around 8pm). Kahit na sobrang sakit na ng tuhod at paa dahil sa kapaguran na dinanas sa pag-akyat ng bundok, GO pa rin. Pero pagdating namin dun, andami nang tao. Halos hindi na kami makakilos. Punong-puno ang stadium. Sobrang ingay ang paligid. Andaming mga pagkain at paninda sa paligid. Nagsama-sama na ang (baho) amoy ng pagkain at ng tao. Whew! Fiestang-fiesta talaga. Hehe.

Sadly, hindi na kami nakapasok sa stadium kasi nagdecide na ang mga taong namamahala sa event na wala nang maaring pumasok sa kadahilanang umiiwas lang daw na magkaroon ng stampede. Tsk. Kahit na medyo nadismaya ako sa narinig, naiintindihan ko naman yun. Better safe than sorry, ‘ika nga. Wala kaming pwedeng gawin.. so umuwi na lang kami. Nanood na lang ng TV at nagpa-antok.

Pero eto ako ngayon. Still awake. At 1:40 in the morning. Hay.. kailangan ko nang matulog. Uuwi nako ng Iloilo bukas eh.. Home sweet home ulit.

Pagod. Antok. Makatulog na nga..

Tagged: , , , , ,

§ 17 Responses to Panaad and Mambucal

  • BON 2.0 says:

    >ay ang haba! hindi ka nga inaantok haha! ^^ buhay na buhay ang diwa mo sa pagkwento eh! bakasyunista ka pala ngayon!! sarap naman nyan feel na feel ang summer!^^

  • mayen says:

    >wow ang sarap naman na bakasyon yan. ang dami nyong nagawa. sana nilakihan mo ang pictures ng falls. ang gaganda kasi. have a safe trip back home!

  • mommy-razz says:

    >ayyy parang gusto ko din magbakasyon.. minsan inaabot din ako ng 1:30 am, kong hnd lang cguro ako nag o-ofis bka mas late pa jan. hehe

  • Marie says:

    >Ang lufet ng beauty! Imagine, nakarating ba naman ng 7th falls! Samantalang ako na ipinanganak at lumaki sa Bacolod hanggang 1st falls lang forever ang kaya. Hehehehe.. Nakakahiya tuloy ako. Hehhehehe….

  • Diamond R says:

    >pag mga ganyang lakwatsa ang bilis kong makatulog sa sobrang pagod pero ikaw di makatulog.namamahay lang siguro.ngayon ko lang narinig ang mga napuntahan mo sa Bacolod.Buti na lang na e share mo dito.

  • Akoni says:

    >grabeness ang daming napupuntahan, isama mo naman ako minsan, plllwweessseeee??!!! baka ako ung umiisip sayo kaya hindi ka makatulog? hehehe

  • >ang sarap jan ha…makarating kaya ako jan???insomnia na yan :)))ingat sa byahe pagbalik!

  • >wow! sulit na sulit ang one week vacation mo ah. pinakafavorite ko yung 7th waterfall. nasubukan ko na rin magpunta sa isang waterfall at sinumpa kong never na ko babalik sa ganyang lugar dahil muntik na ko malunod nung naligo ako dun.. LOLp.s. nakahanap ka ba ng new lovelife sa Bacolod Citeeh? hehehe.

  • mayen says:

    >the falls are breathtaking! thanks sa pag papalaki. nag enjoy ako. haha..

  • Anciro says:

    >wow…iba talaga ng mayaman! uy,im sure nakahanap ng ka ng lablayf.

  • Mark says:

    >Hi Ne… So you had a blast gid sa imo nga bakasyon sa Bacolod…Hmmm, the guides told us when we went there in Feb na 7th falls na lang ang pwede paliguan… Pati gali 6th…Good for you nakasaka ka until the 7th… Kami wala kay ang isa ko ka upod from Cebu, 1st falls pa lang surrender na, kag daw kalain man bayaan… heheheh…Well, on a side note, wala ka pa nakakadto sa Ruins… :)Another side note, gusto ko gid magkadto sa Miag-ao… Just to take pics sa simbahan… Hopefully, this Holy week… :)

  • khantotantra says:

    >bakasyon grande. bonggang bongga. more than the usual 3 days and 2 nights. sarap magbakasyon kung ganyan katagal.

  • jhengpot says:

    >2012 na ba? bongga ah! hehe… engrade! di mo naman ako sinama..

  • apple says:

    >sarap namaaan. dapat ko pla i-add ang bacolod sa dream destinations ko. =)

  • Sey says:

    >hay kelan kaya ako makakapunta sa place na ganyan, panaginip na lang yata yun.

  • >ang ganda ng mga falls especially yung 2nd and 7th falls.

  • Ella says:

    >hey, thanks for dropping by my site. Glad to hear that you enjoyed your vacation. Anytime na bumalik ka ng bacolod, pasabi lang, I'll be more than happy to tour you around =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Panaad and Mambucal at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: