Vacation Plans

April 15, 2011 § 11 Comments

Ambilis lang ng panahon ano.

Friday ngayon. (sabay kanta “It’s Friday, FRIDAY!” by Rebecca Black. Hihi) Eh bukas, Sabado na naman. Whew! Friday ngayon .. pero andito ako sa bahay. Loser lang. Tsk. Wala akong gimik nitong Friday night. Pero okay lang kasi may gimik naman ako bukas. Hihihi.. Sa Bantayan Festival sa Guimbal, Iloilo. Kesa mangamoy bahay ako (ulit), eh maglalakwatsa muna ako bukas. That is, kung sisipagin ako. Haha!

Ano ba ang nangyari sa akin this week? Teka nga..

Noong Lunes, andito lang ako sa bahay. Martes, tambay sa bahay. Myerkules, bahay. Huwebes, bahay. Biernes, bahay. Ayan.. andami kong ginawa etong week na to. Sobrang busy ako noh?

Gusto kong maglakwatsa muli. Hmm.. Andami kong plano. By MAY, balik Manila ako. Inimbitahan ako ni cousin na sumama sa isang navigational trip ng John B. Lacson Colleges Foundation (isang Maritime Academy). Maliban sa free fare sa ship, meron ding free food and accomodation sa hotel. Yay! Plus, there will be a lot of hot maritime college students around. Hihihi! Hanglande!!!!!!! Napa-english ako dun ah.. Joke2 lang. Ano ba.. Hihi!

By JULY naman, baka pupunta ulit ako ng Manila. Meron lang pupuntahan na isang party.. though hindi pa ako sure kung seryoso ung invitation ng taong to. Haha. At isa pa, parang ang hirap mag-isip kung ano ba yung ireregalo ko sa kanya. Eh sa blogs at twits nya, hindi na yata kailangang bigyan pa ng mamamahaling things kasi nangangamoy pera na eh. Hehe. PEACE! Hmm.. Honestly lang, pinag-iisipan ko talga kung ano yung pwede kong ibigay na gift.

By AUGUST, baka pupunta naman ng Davao to attend the Kadayawan Festival 2011. Hindi ko pa nakokontak ang Tito ko na nandun, so wala pang kasiguraduhan tong plano na to. Nasa 3rd week of August pa naman yun, so andami ko pang panahon para mangulit kena Tito. Gustong-gusto ko tlaga makapunta ng Davao. Makita’t makilala ang mga relatives namin dun (na hindi ko rin nakikita for almost 10 years) at makapunta sa mga magagandang tourist destinations na nandun.

By OCTOBER, balik Negros Occ. na naman ako para magwitness ng Masskara Festival 2011. Mang aambush na naman ako dun sa bahay ni cousin sa City of Smiles, Bacolod Citeeh!! Yay!

Hay. Kung pupwede lang sanang mapuntahan ko ang lahat-lahat ng magagandang lugar dito sa Pilipinas, gagawin ko. Gusto kong pumunta ng Baguio, Bohol, Palawan at Cebu. Andami pa.. pero syempre, hanggang panaginip na lang yung iba.

Puro plano pa lang ang mga yan. Maghahanap muna ako ng pagkukunan ko ng kwarta. Wala kasi akong kamag-anak na rich. :)

Tagged: , , , , , , , , , ,

§ 11 Responses to Vacation Plans

  • >hmmm.. tamang tama lang yung ireregalo ko sa'yong perfume.. para di ka na mag-amoy bahay kundi mag-aamoy mayaman at glamorosa ka pa! hahaha..at seryoso yung party sa July balita ko kay anthony carlo.. 25th bday nya yun kaya special lang din na mga bloggers ang invited.. at pahabol, pag pumunta ka sa Manila on May, pupunta tayo Pampanga ha.. may bibisitahin tayo dun.. isang blogger na kaibigan din natin.. :)

  • Kamila says:

    >Psssst Ms.Leah.. dame mong gala ah. Buti ka pa.. dame nun ah..! At ako din.. bahay–bahay–bahay–bahay araw araw na ginawa ni Lord.. bored na ko..hahaha

  • LordCM says:

    >ayos konti na lang malapit na matapos ang plano mo para sa 2011 :D

  • BlessedZyra says:

    >Ate Leah ang yaman yaman mo naman :)

  • mommy-razz says:

    >ang dami mong gagawin, sana matupad lahat mga yan.. sana sana sana. more power..

  • Marie says:

    >Ay, nakipag-bestfriends siya sa bahay this week… eh di kilala mo na lahat nga mga butiki at langgam diyan? Hehehehe… Hala, ang saya naman ng mga plans niya, pasyal here and there… at pupunta pa ng Masskara! Waaaahhhh… diyan ako inggit! Di ko masyado na enjoy ang Masskara last year kahit andun ako, kasi busy sa wedding. Ang sarap umuwi ulit!

  • >wow buti ka pa magiging busy ka ako walang gala hehe magiging busy na kasi sa mga paparating na buwan dahil na rin sa 4th year na tapos ngayong bakasyon naman katulad mo puro lang din ako bahay hehehe

  • Sey says:

    >Wow ang daming gala, kaka-inggit naman. Ang bilis talaga ng panahon. Hindi ko rin namanlayan ang paglipas ng oras, na halos sa bahay lang ako at tulog.Na-e-excite ako sa navigation trip mo. Masaya yun panigurado, lalo na summer pa naman ngayon. Sana magkaron din ako ng limpak-limpak na salapi para makagala ako sa buong Pilipinas.

  • Bino says:

    >wow july nandito ka! kita ulit tayo ha

  • >ikaw na ang byahera :")

  • Diamond R says:

    >Wow ang daming pinaplano pupuntahan. Yan ang hawak ang oras walang pweding humarang.Go go go leah. Just have fun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Vacation Plans at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: