AJ Perez

April 17, 2011 § 19 Comments

Ke aga-aga pero sad news na agad.

Namatay na raw si AJ Perez. Isa sya sa may pinakamaamong mukha sa mundo ng showbiz. Naaalala ko siya sa tuwing mapanood ko sa TV si Lauren Young. Kasi parang naging loveteam yata sila dati. At meron din syang nagampanan na role sa Sabel. Hindi ko masyadong nasundan ang seryeng yun pero sabi ng nakararami, maganda ang pagganap ni AJ sa role na yun..

AJ Perez

12:20 raw kaninang umaga, namatay si AJ Perez. Naaksidente ang sinasakyang nilang van, bumangga sa isang bus. Kasama nya sa loob ng van ang kanyang Dad, isang security personnel at ang driver. Kakagaling lang nila sa Dagupan kung saan nakisali sa kasiyahan si AJ sa pagdiriwang ng Bangus Festival. Natutulog raw siya nang maganap ang aksidente. Tsk.

Lumabas pa kagabi ang teaser ng next episode ng MMK. Si AJ yata ang bida sa episode na yun. Eto pa ang kanyang tweet. “Pinalabas na daw yung teaser ng mmk? Who saw it? How was it? :)” Malamang nasa loob na siya ng van habang nagtu-twit. Eto ang last tweet nya… “On the way home already from Dagupan. Longdrive ahead.. Thanks to everybody who watched, thanks to zui for the gifts. And hi again to jarred!

Hindi ko nga kilala nang personal ang taong ito. Pero ang nangyari sa kanya ay sadyang unexpected. 18 years old palang si AJ. Kay ikli ng sinulid ng kanyang buhay. He is still so young. :( Pero he’s with God now. He’s in a better place.

Sadyang napaka unpredictable ng buhay. Hindi mo talaga alam kung ano ang mangyayari. Natutulog ka lang, hindi ka na pala magigising.

P.S.
Palm Sunday nga pala ngayon. Let’s go to church and pray.

Tagged: , , ,

§ 19 Responses to AJ Perez

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading AJ Perez at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: