Comments Off

April 20, 2011 § 13 Comments

Dear Leah,

Oh. Mustasa? Ang suplada mo naman lately. Andito lang ako lagi pero di mo naman ako kinikibo. Kilala mo pa ba ako? Ako ang iyong kontrabidang konsensya. Hmm.. meron bang ganun? Ah basta.. ako yung kontrabida mong self. Wag ka nang umangal. Ang arte mo. Oh, so kumusta na u? Confused ka pa rin ba hanggang ngayon? Leche namang blog yan.. pinoproblema talaga ano?

Alam mo, lately lang.. may na-notice lang ako sayo. Para kang engot. Pinoproblema mo ang maliit na bagay. Nako-confuse ka kuno. Gusto mong mag comments off, pero andami mong hesitations. Eek! Sampalin kita dyan eh. Dapat bang problemahin yan, Leah? Tsk.

Okay. Matanong nga kita. Naalala mo pa ba ang reason mo kung bakit ka gumawa ng isa pang blog. Okay naman ang Treasures blog mo ah. Kahit na hindi ka kumikita dun ni isang singkong duling, eh marami naman ang readers mo at nagkokomento sa mga posts mo. Bakit gumawa ka ulit ng isa pa? Alam po ba ang ang dahilan.. o baka nakalimutan mo na?

Sige, ipaalala ko sayo. Sabi mo sa akin noon, gagawa ka ng isa pang blog (Tagalog naman this time) eh kasi mas mai-express mo ang sarili mo sa wikang Tagalog. Yung pag-express na walang alinlangan. Yung tipong, kapag sad ka, isusulat mo na sad ka. Kung happy ka, isusulat mo rin na happy ka. Kung feeling malandi at horny ka, eh di maglalandi ka. Diba? LONER ka kasi at pihikan sa mga “kaibigan” (Oh yeah. You have trust issues, girl!) kaya nakakatulong sayo itong pagsusulat sa blog. At yun yung sinabi mo sa akin last time. Gagawa ka ng isa ang blog para sa napaka kumplikado mong emosyon. If you keep all of it bottled up inside you, sus baka magka heart attack ka at mawala na sa world.

Ngayon, confused ka kuno dahil gusto mong mag comments off. Eh bakit ka nako confuse? Batang ‘to, o! Kung gusto mong mag comments off, GO. Wala naman pumipigil eh. Ano bang hesitations mo? Natatakot kang mawalan ng followers? Na baka hindi na babalik yung mga readers mo? Yun ba yun?

Haysus. Diba, first reason mo.. You write to express. Kung merong magkomento sa mga posts mo, good. Appreciate mo yan. Pero kung wala, good pa rin. Ang importante lang naman kasi, naisulat mo ang mga gusto mong isulat. Oh diba? At isa pa… Alam mo ne, I’m sure na matatalino yang mga readers mo. I’m sure na magaganda’t gwapo silang lahat. At sigurado rin akong mga super-bait at super-understanding rin nilang lahat. Babalik sila kahit na naka comments off ka. Diba, guys? (Binola ko na kayo. Sumagot kayo ng maayos!) Diba? Oh, see.. Agree silang lahat. Ikaw lang naman kasi itong napakababa ng self esteem.

Eto lang naman yung punto. Depende na lang sayo yan. Kung gugustuhin mong mag-comments off, eh di gawin mo. Maiintindihan yun ng mga readers mo. Kung gusto mong activate ulit ang comment box, eh di activate mo ulit.

Bumabalik ang mga readers mo sa iyong blog kasi nakakarelate sila sa mga naisulat mo. Open man o hindi ang comment box mo, I’m sure na bibisita rin sila sa blog mo. Kaya tama na yang drama mo. Anytime naman, pwede mong activate ang comment box mo ulit. Isang click lang naman yan noh. Simple diba? Wag mo nang problemahin ang mga bagay-bagay na hindi naman dapat problemahin. Okay?

Ang arte mo.

Always here,
Leah

Tagged: , , ,

§ 13 Responses to Comments Off

  • Xander says:

    >nice one leah..

  • >Leah, heto na ang comment kung malupit.. hahahaActually, nasa sayo naman yan. For me, this is your blog. You own this and yung mga readers mo i think will not follow you or read your blog if hindi sila interesado sa mga post mo not because of your comment box whether its On or OFF… tama nga naman sinabi ng konsensya mo na matatalino at GWAPO ang mga readers hahaha…oh yah!

    • Leah says:

      Hmm.. I know. I just needed a little push siguro. hehe.. Minsan kasi umaabot sa time na meron kang gustong gawin, but you just have to hear someone else say it..

      Sabi ko na nga ba, magre-react ka sa POGI at MAGAGANDA eh. hehe.. Master Pogi ka kasi.. Choz! :)

  • mommy-razz says:

    >lamo miss leah, kong ako sau huwag mong e-off ang comment box mo, kasi ganito yon, masarap magsulat ng blog, masarap pag malaman mong may nagbabasa nito.. at mas lalong masarap at bunos pang maituturing pag may nagcomment dito, kasi ibig sabihin niyan.. mahal ka ng ka-blogs mo, kahit ano man ang sasabihin ng comment, sa positive side mo basahin ang mga yon..good day sayo miss LEAH..

  • Diamond R says:

    >hi leah. wait. Yong photo mo sa taas matagal kong tiningnan. kasi na miss ko ang isang post mong wala akong comment.Feeling ko i need to hug you wideHug ng isang matandang kapatid na naglalambing kasi si leah parang emo.ano ba naman kasi ang naiisip mo at e off ba naman ng bigla ang comment e dito lang ako nabubuhay alam mo ba yon. napansin mo ba na wala akong ginagawa kundi magcomment lang ng magcomment tapos biglang may ganon.salamat sa pag link nito.

    • Leah says:

      Sige po, Kuya Rommel. You can hug me anytime. I love hugs. :)

      Salamat po sa palaging pagpunta at pagkomento sa blog ko, Kuya.. Naappreciate ko yun, super. Lab lab lab. :)

  • Pokemon! says:

    >asus akala ko comments off nga… miss your poke mah poke princess :))

  • Sey says:

    >galing ako dito kahapon pero off and comment gusto ko pa naman mag-comment. buti meron na! Minsan napi-feel ko din yan! may times pa nga na gusto ko na abandonahin ang blog ko kaso naisip ko sayang naman saka yung friendship na nabuo sa blog sayang din! Buti may comment na ulit to! hehehe!

    • Leah says:

      Uu, naka off tlaga ito kahapon. Pero naconvince ako ni Kuya ROmmel na ibalik na lang. Sa ibang post sya nag comment.. Para-paraan lang naman daw yan eh. hehe.. :)

  • isp101 says:

    >Tnx for making this comment possible, hehehe! It's important for us bloggers to know the thoughts of our readers. I suggest that you keep it on! God bless! =)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Comments Off at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: