Dreams and GLEE

April 21, 2011 § 6 Comments

I just had a bad dream.

Hindi ko alam kung bakit at hindi ko rin maexplain.. pero sa tuwing nagkakaroon ako ng masamang panaginip, kadalasan ay nagkakaroon ito ng malaking impact sa buhay ko. Hindi ko sinasabing nagkakatoo silang lahat. Pero parang.. feeling ko.. binibigyan ako ng utak ko ng isang warning sa mga maaaring mangyari.

Basta.

_____________oooOOOooo________________

Nagising ako ng 6:04 ngayong umaga. Bumangon at dumiretso sa harap ng computer. Kagabi kasi bago ako matulog, nasaa 67% na ang episode 17 ng GLEE. Sobrang excited lang siguro manood ng latest episode ng show kaya hindi pa nakapagmumog eh diretso na agad sa pagcheck ng downloads. At kahit na nagkaroon ako ng bad dream kani-kanina lang, meron namang GLEE! Yay! Hindi na muna ako lumabas ng room. Hindi na muna nag CR. Hindi na nagmumumog o nag wash ng face. Hindi pa nakapag toothbrush. Diretsong upo at nanood.

I love Mike Chang’s dance number. Hindi super jumpy, actually.. pero smmoooottthhhhh! Ang galing. Tama, parang hindi na-appreciate yung dancing skills ni Mike sa GLEE at etong “Night of Neglect” episode is the right time to showcase that talent. At si Mercedes? Always playing second choice to Rachel, pero sa episode na to, she’s the star. Ang ganda ng pagkanta nya ng song!! Sa nasabi nga ni Rachel sa episode na yun, yung kanta na yun “brought the house down”. Bravo, Mercedes.

_____________oooOOOooo________________

Habang nanonood, ini-open ko na rin ang Twitter ko. (Oo, mahilig ako mag multi-task. Naka “Always On Top” naman yung video player ko kaya pwedeng manood habang nagsu-surf.)Wala lang. Gusto ko lang kasing ishare na nanonood na ako ngayon ng GLEE. Haha. Tweet, tweet! Meron akong nareceiveĀ na DM sa Twitter. It came from a blogger friend. At dahil nga kakagising lang (at nanonood ng GLEE at the same time), eh hindi ko nabasa nang maayos ang kanyang mensahe. I tweeted a wrong reply. Wrong send? Haha. Kakahiya. Ke-aga aga eh. Hihihi.. Sorry Kamil. Lasing ayata ako kanina.

Advice of the day:
Paggising sa umaga, mag toothbrush muna bago umuppo sa harap ng computer para tuluyang magising!

Tagged: , , , , , ,

§ 6 Responses to Dreams and GLEE

  • Kamila says:

    >tinitigan ko pa yung twitdeck.. o tweetdeck ba.. ganyan pala itsura niyan… hahahaha.. galing lang! At napa-special mention pa ko dito.. nga pala ganda ng header mo!!! :)

  • iya_khin says:

    >WOW!! gandang header ah!!! refreshing! yan kasi kung ano-anong ginagawa keaga-aga nasa pc agad! ako din minsan ganyan, mutanga lang! wrong send?! patay tayo dyan, baka confidential pa ang masend lagot!! hahai-add ko na din tong blog mo…windang dami kasi!

  • mommy-razz says:

    >wow beach ang header! ang sarap gumala.. hehe! ako ni minsan hindi pa ako nagkamali mag send ng DM o PM man.. sa chat lang ako nagkakamali, hahaha! minsan sasabihin ng naka chat ko..WHAT? nakakahiya.. ^_^

  • Bino says:

    >minsan importante din ang matulog para di nawrowrong send hehehe

  • Sey says:

    >ganda ng header! sabi nila ang dreams daw kabaligtaran ng katotohan. Siguro nga warning sila kasi ako pag may paparating na pagsubok palagi ko napapanaginipan lumang bahay.Buti hindi pa ako nag-wrong send sa DM or PM! hihihi!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Dreams and GLEE at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: