Hello, WordPress!

April 25, 2011 § 31 Comments

Ano naman bang drama to?

Wala. Hindi drama to.. Gumawa nga ako ng isa pang blog sa WordPress. Ewan ko ba.. nag-try lang naman ako kaninang umaga. Gumawa lang ng isang account dun. Tapos, naglibot-libot sa mundo ng WordPress. Nangangapa. Hindi malaman kung anong gagawin. Pati pagpalit ng blog title, hindi rin alam. Yikes. Humingi pako ng tulong sa isang WP blogger. (Thanks, Ms Yanah.) Pero in the end, nagustuhan ko ang WP. Toinks.

Oo na, ako na ang may maraming blogs. Eh tambay nga eh.. ano pang maari kong gawin? Kesa naman sa tumambay sa tindahan ni Manang dyan sa kanto, eh mas mabuti na tong nagba blog (kuno).

Anyway highway, meron lang naman akong tatlong blog. Una.. ang “My Tasty Treasures“. Hindi siya food blog ha. Kaartehan ko lang kasi yan dati. “Treasures”, kasi shinesheyr ko yung mga golden memories and experiences ko. And “Tasty” naman, kasi kumakain ako that time ng pizza.. kaya naisipan kong tawaging “tasty treasures”.. See. Ang My Tasty Treasures ang pinaka una kong blog. English blog.

Pangalawa ang “Everyday Letters“. Mga short posts lang ang mababasa nyo dito. Short updates lang. Hindi ako masyadong active dito pero ina-update ko naman sya every other day or maybe after a week. Depende kasi kapag meron akong naiisip na gusto kong i-share.. then feel ko may katugmang letter, then gumagawa ako ng update. Kapag wala naman, steady lang. Basta puntahan nyo na lang.. Hirap mag-explain. Hihi.

Eto na yung pangatlo. “I am Leah.” English blog na naman. Dito ako active ngayon. Eto yung ginawa ko sa WP. Bale dalawa na ang WP blogs ko. Yay! Panalo! Haha.

Apat na lahat. Hindi photoblogs. Hindi rin foodblogs. Lahat nyan, personal blogs. Halos lahat ng mga nakasulat dyan, eh puro nonsense yata. Ewan. Hindi naman ako sobrang sipag mag-update. Depende lang sa mood ko. Katamaran kasi ang pinakamtindi kong sakit. Sa tatlong blogs na yan.. eh kumikita ba naman ako? Nevah. Zip. Nada. Wala.. Eh bakit ba gumawa ulit ng isang blog sa WordPress?

Eh sa gusto ko eh. Tapos. ☺

Tagged: , ,

§ 31 Responses to Hello, WordPress!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Hello, WordPress! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: