Isang opinyon

May 2, 2011 § 25 Comments

Totoo ba?

Patay na si Osama Bin Laden? Ang balitang ito ay naging trending topic sa Twitter. Ito rin ang naging topic ng diskusyon sa ilang “wall” ng mga kaibigan sa Facebook. At ilang minuto lamang pagkatapos lumabas ang unang balita, naging laman na ito ng iba’t ibang blogs at mga artikulo. Totoo nga, ito ay isang malaking balita. Patay na nga ang nagsisilbing mukha ng terorismo.. si Osama Bin Laden.

Para sa karamihan, ito ay maituturing na isang tagumpay. Isang dahilan para magdiwang. Ngunit meron ba talagang rason para magdiwang? Sa pagkamatay ng iisang tao na nagdulot ng sakit at hinagpis sa nakararami, dapat nga ba tayong maging masaya?

“I have never wished a man dead, but I have read some obituaries with great pleasure.” Ito ay isang quote ni Mark Twain. Oo, sa wakas. Patay na nga si Osama Bin Laden. Alam kong marami ang nasiyahan sa balitang ito, lalo na ang mga nabiktima ng terorismo. Ito ay isang makasaysayang sandali at nararapat lamang na kilalanin at gunitain. Isang tagumpay sa laban sa galit at terorismo.

Ngunit sa tingin ko, hindi lang ito araw ng pagdiriwang.. kundi isang araw rin para sa panalangin at pagninilay-nilay. Ang kamatayan ni Bin Laden ay isang makasaysayang tagumpay, ngunit hindi ito ang katapusan ng Al Qeada. Wala na siya subalit ang kanyang mga paniniwala ay maaring patuloy na nabubuhay sa kanyang mga tagasunod.

Oo, si Osama ay isang terorista. Siya ay mamamatay-tao, at marahil nga ay nararapat lamang na siya ay mamatay. Pero ang pagpatay ng isang tao ay isa pa ring kasalanan. Kasalanan sa kapwa.. kasalanan sa Diyos. Sa tingin ko nga, dapat tayong magluksa. Bakit?

Nakakalungkot isipin na tayo ay naninirahan sa isang mundo kung saan ang ganitong klaseng karahasan ay itinuturing na tama at makatao, dahil sa ito ay kinakailangang gawin.

Tagged: , , ,

§ 25 Responses to Isang opinyon

  • bino says:

    bagamat isang tagumpay ito, naniniwala pa rin ako na di dapat pinagdiriwang ang kamatayan ng isang tao gaano man sya kasama

    • Leah says:

      I totally agree, Bino. Tsk. Minsan napapatanong na lang ako habang nakatingin sa kawalan… “What is happening to the world, momma?” :(

  • Akoni says:

    Para sa mga taong kasama niya sa pananampalataya dapat siyang ipagluksa dahil namatay siyang may paninindigan sa kanilang paniniwala…Iba-iba ang paniniwala natin, kaya iba-iba rin ang reaksyon natin sa kamatayan niya..Pero agree ako kay BINO. Natatanong ko rin mnsan kapag nakatingin ako sa kawalan…”Where’s the love mother-father?!”

  • 14thstreetgazette says:

    Una, aaminin ko saludo ako sa tapang mo. Courage to express what you really feel though your opinions might contradict that of your readers. This is one strong argument and I love the way how you wrote this. Thumbs Up!
    You are such an inspiration.

    As for me, I am in doubt kung patay na nga ba siya. The whole world knows how tricky and cunning Bin Laden is. But is he is really dead, kawawa naman siya for taking all the blame for 9/11 bombing.

    • Leah says:

      Salamat, Sey. Actually, hesitan akong gumawa ng ganitong post.. kasi it’s about people’s beliefs and stand na kasi. At medyo sensitive ang issue.. I don’t want to create a hostile environment naman dito sa blog ko. Still, naisip ko rin.. there’s nothing wrong with speaking your mind. Just be careful lang.. Choose the right words.. yung hindi makaka offend.

      Yeah, andami paring nagdududa kung patay na nga o hindi.. Baka kasi staged lang ito. Ewan. Pero kung totoo nga, this post is my stand. Kung hindi, damn… he’s a cunning SOB.

  • kikilabotz says:

    ate leah. salamat po sa inyong opinyon. naniniwala din ako na hnd kaya itabot isang kadiliman ng isa pang kadiliman. liwanag lng makakgawa nun hehe. Pero i think we should look on a brighter side. hnd natin kailangn magdiwang at hindi rin natin kailangn magluksa. at kailangn natin ay magpasalamat kasi sa pagkamatay ni bin laden nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan ^_^

    • Leah says:

      Hehe. True, Marvin. Liwanag lamang ang makakatalo sa kadiliman. I guess, we should be thankful at nagkaroon ng closure ang mga tao.. and yes, peace. Andami ngang nagkaroon ng pansamantalang kapayapaan sa pagkamatay ni Bin Laden. So the question now is…. What next?

      Thanks for your input, Marvin. :)

  • Ellen says:

    Hello Ate Leah! :) You already know what was my reaction yesterday when I heard the news. I am not really into celebrating his dead. Because even if he’s still alive, his soul is already dead and burning in hell. I still believe that a person kahit gaano kasama, may kabutihan pa rin sa puso at nagsisisi sa kanyang mga nagawang kasalanan. Pero dun sila masaya eh sa kamatayan. more than 3,000 people were dead and isa lang sya.

    • Leah says:

      Haha. Yes Ellen.. buhay pa siya, his soul is already rotting in hell.

      Actually, I’m more concerned sa ating lahat ngayon. I mean, with his absence, I;m sure na buhay pa rin ang kanyang mga paniniwala sa kanyang mga tagasunod. They will WANT RETRIBUTION. He may be dead now, and won;t be able to incite radicals.. BUT he had lived long enough to plant seeds of hatred with his poisonous words, that they would find it difficult to escape his legacy.

      Tsk.

  • MOKS says:

    tama ka, mas nakakatakot ang paghihiganti nila, nakita ng buong mundo ang celebrasyon nang mamatay ang isa sa lider nila… ngyaong wala na si Bin LaDEAD… sino ang papalit sa kanya, nakakatakot baka mas malala pa to.

    • Leah says:

      Oo nga, Ser Mokz.. Patay na nga si Bin Laden, pero andami nyang mga tagasunod. Young men who are willing to die.. Hay. Let’s all be vigilant na lang.. Pray.

  • claum says:

    Tulad nga ng sabi sa statement ng Vatican, hindi naman dapat magsaya kapag may taong namatay, masama man o mabait.

    Nakakatakot lang ang maaaring maging epekto ng pangyayaring ito. Wag naman sanang mangyari ulit yung 9/11.

    • Leah says:

      Tama… “In the face of a man’s death, a Christian never rejoices, but reflects on the serious responsibilities of each person before God and before men, and hopes and works so that every event may be the occasion for the further growth of peace and not of hatred.” – Official statement ng Vatican.

      Ang problema lang talaga ngayon, ano na ang susunod? Kasi malamang, Bin Laden’s followers would want retribution.

  • Glentot says:

    Actually mas gusto ko nga na hindi sya namatay eh. Sana na-capture na lang, nilagay sa isang maximum security cell na ang laman lang ay isang TV at ang tanging palabas lang sa TV ay mga music videos ni William Hung.

    • Leah says:

      Haha!! Oo nga noh.. Sana ganun na lang. William Hung music vids. haha! Naalala ko, ang kuya ko merong CD collection ng mga kanta nyan.. Hekhek. Grabe . Torture! LOL.. Sana nga, ganun na lang ginawa ke Bin Laden. It would a fate worse than death. Hihi..

  • Lhan says:

    I agree with bino ^^

  • pusangkalye says:

    to be honest–I really wanted him dead pero nung nalaman kong patay na sya.mixed emotions din naramdaman ko—para nga—do we have to celeberate for the death of a person kasit na sya pa ang perfect embodiment of evil. nalito din ako don. but I would like to believe that justice has been served. sadya talagang may mga masasamang nilalang and we have to do something about it. so okay na rin yan.

  • iya_khin says:

    di dapat sinecelebrate ang pag may namamatay…patay na nga natutuwa pa…kaloka!!

    — sorry medyo late na! hahaha

  • superjaid says:

    honestly for me, di tayo dapat magdiwang sa pagkamatay ng isang tao na nagkamali at gumawa ng masama dahil lang sa pagkakaiba iba natin ng ideolohiya at opinyon sa mga bagay. tao rin siya, nagkataon lang na mali ang paraan ng pagtatanggol nya sa kanyang paniniwala.

  • Goyo says:

    Kung may pagkakataon lang akong makaharap sa inuman ang kahit sinong tao. Isa si Osama Bin Laden sa mga gusto kong makashot at makakwentuhan.. Gusto kong malaman lahat ng tumatakbo sa isip nya.. Hehehe..

  • duking says:

    napangibabawan ng post na ito ang bahagi ng damdamin mo bilang mamamayan ng daigdig. walang panghuhusga, walang pagbibintang bagkus tanging paniniwala na hindi kayang pangatwiranan ang kagyat na kamatayan ng isang nilalang lalo pa’t hindi dumaan sa tamang paglilitis.

    dalawang panig lagi ang buhay. isang bayani at isang halimaw si bin laden, patriot at traydor ng isang religion subalit hindi makakailang nabuhay siya at namatay sa kanyang paniniwala.

    natutwa akong malaman na puno pa rin ang blogsphere, lalo na ang filipino community ng mga blogger ng mga taong may malinaw na isip tungkol sa mga isyung pandaigdig na gaya nito.

    magandang araw!

  • Ash says:

    confirmed na sa US ang pagkamatay ni bin laden, pero hindi talaga ito panahon para magdiwang, dahil pag nagrebelde ang mga tauhan ni bin laden at iba pang terorista, mas magigimbal tayo sa maaaring mangyari, God Bless us all.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Isang opinyon at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: