Bullies

May 9, 2011 § 19 Comments

Eto ang video ni Casey Heynes, ang batang Australian na laging inaapi ng kanyang mga kaeskwela. Dito sa video na ito, siya ay  sinusuntok ng isang bata, si Richard Gale. Hindi na nakatiis si Casey kaya lumaban. Body slam. Halos hindi na makatayo si Richard.

Eto ay isang opinyon lamang.

Nang makita ko tong video na to, halos hindi ako nakapagsalita. Una kong naging reaksyon, naawa ako.. hindi kay Casey, kundi kay Richard. Oo nga at pinagtatanggol lang ni Casey ang sarili at siguro nga, si Richard bilang isang bully, he got what he deserved. Sabi nga nila, “give out pain, you’ll get it back tenfold.” Pero hindi pa rin ako mapalagay. May mali,eh.

Mali ang mag-bully. Nakakasira ito ng self-esteem ng tao.. at madalas, nakakasira na ng buhay. Andami nang mga Youtube videos at mga blogs na nagsasabing si Casey ay isang HERO. Tama raw ang ginawa ng bata. Hindi ko maintindihan. Tama bang ganun ang ginawa ni Casey kay Richard? Tama bang binuhat nya ang katawan ni Richard at todong-lakas na inihampas sa sahig, sa kadahilanang ipinagtatanggol lang nya ang sarili? Lumalabas tuloy na tama lamang na gumanti at gumawa o gumamit ng dahas.

Ayoko sa mga bullies. Hindi rin ako naging bully. Hindi ko naranasang apihin o nang-api sa aking mga kaeskwela noong ako’y high school pa lamang. Kaya siguro maaaring sabihin na hindi ako maka-relate sa sitwasyon. Ang aking opinyon ay base lamang sa video na ito at sa mga interviews na pinaunlakan ni Casey. Sinabi nya sa isang interview na may tatlong taon na raw syang binu-bully ng mga kaeskwela. Kung eto ang sitwasyon, sana sa umpisa palang, meron na siyang ginawa para maprotektahan ang sarili. Sana nag report sya sa mga authorities. Sana nireport nya sa head ng school. Kahit papano, makakatulong ito sa pagkapanatag ng kanyang loob. Pwede rin sanang hindi na lang nya pinatulan. Umiwas. O dili kaya’y magkaroon ng kasama at iwasang maglakad nang mag-isa habang nasa eskwelahan. And as a last resort, pwede rin syang mag transfer ng school at magkaroon ng bagong simula.

Hindi ko sinasabing tama ang ginawang pambu-bully ni Richard. Pero hindi rin ako sang-ayon sa nagawang paglaban ni Casey. Naiintindihan ko. Tama lamang na ipagtanggol nya ang sarili. Sa tagal ng pambu-bully sa kanya, hindi na rin siya nakapagtimpi. Pero sana ay hindi umabot sa punto na siya’y gumamit ng dahas. Sa video na ito, si Richard ang bully. Oo, sya ang nang-aapi kay Casey. Pero sa tingin ko, in the end.. mali pa rin.

Sabi ko nga, ang paniniwala ko ay “violence is never an answer”. NEVER. Pero sa mundong ating ginagalawan, kung hindi ka lalaban, ikaw ang magiging kawawa. “An eye for an eye.”, kumbaga. Ngayon, itinuturing at tinatawag na “hero” si Casey.. pero hindi ko makita ang dahilan kung bakit.

Nakakalungkot lang talaga. Tayo ay gumagamit na ng dahas para maipagtanggol ang sarili at ang ating paniniwala.. at ito ay tinatanggap ng lipunan at itinuturing na tama.

Tagged: , , ,

§ 19 Responses to Bullies

  • mommy-razz says:

    hindi rin ako sang ayon, kong maari lang kasi dapat walang away, dapat dinadaan sa usapan ang lahat.. di rin ako maka relate kasi ni minsan hnd ako napa away nong kabataan ko..

    • Leah says:

      Oo nga po, Mommy.. lahat naman ay nadadala sa isang mabuting usapan. Hindi rin ako masydaong makarelate.. nakita ko lang sa video.. at naisipan ko ring magshare ng aking opinyon. :)

  • MOKS says:

    Sayang at hindi ko mapanood, mobile gamit ko… pero ako din hindi ako mahilig sa away at mahaba ang pasensya ko bago pumutok ang ulo ko sa galit… hanggat pwedeng pagusapan pagusapan yan… hindi yung gulo.

    • Leah says:

      Aww.. sayang, Ser Mokz.. di mo napanood. Balikan mo na lang pag may time ka.. Yep yep. Meron tlgang option na pag-usapan. Hindi naman nawawala yan eh.. Basta’t sa isang mabuting usapan, madadala at magiging okay naman ang lahat.. hindi yung away at gulo.. :(

  • jezonhamster says:

    nakikita ko sarili ko sa kanila, biktima ako ng bully nung highschool ate leah. pinagbayad ako ng bente pesos para sa paggamit ng stapler.

    • Leah says:

      Pinagbayad ka ng bente pesos? mga loko yun ah.. :P Hehe.. di ko alam kung matatawa ako o malulungkot ako sa comment mo, Cute Jezon.. hehe.. :)

  • AL says:

    hindi ko pa napapanod ang video na yan.. shall make any reaction once napanood ko na…. ehehhe…

  • Akoni says:

    base din sa napanood ko..Tama lang ang ginawa ni Casey, wala siyang ginawang masama sa totoy na un. kahit ako ang nasa katayuan niya baka hinati ko na siya sa gitna, un ay kung kasing edad ko rin si Casey. Minsan din kasi may mga situation na hindi kana makakapag-isip ng matino, lalo na kapag sobra na.

    Pero ang tawagin HERO si Casey ay isang katarantadohan. Typical lang na nangyayari sa mga bata ito.

    ibagsak ang pamahalaan Aquino.

    • Leah says:

      Hmm.. Siguro nga. Naintindihan ko naman ang side ni Casey.. hindi nga din siya nakapagtimpi.. Tama yung ipagtanggol ang sarili nya.. marahas nga lang na paraan ang kanyang pinili. Dun ako hindi sang-ayon.. at yung tawagin giyang hero.. :(

      Salamat sa opinyon mo, Akoni. :)

      Hehe.. natawa ako. Ikonek ba naman ang pamahalaang Aquino? Lels..

  • iya_khin says:

    bullies? ako?! tsk tsk…behave ano nung elementary at highschool..di ako nanapak..di ako nakikipaghamon ng away..di ako nakikipagbangayan sa mga boys at malalandi kong klasmayts at school mayts..di din ako napriprincipal at guidance office at di parin napatawag ang nanay ko sa school hindiiiiii! waaaah!

    Ako si Casey dati….alam ko nararamdaman nya..tawag dun di hero kundi leksyon! mahaba ang pisi ko kung sa mahaba..pinasosobrahan ko pa nga kaso napupuno din ang salop! kaya time na para bigyan ng leksyon! 1 tym lang naman para magtanda! yyyaaaaaaahhhhhh!

  • marikoy says:

    Yan ang masamang side effect when there’s too much freedom… especially kung yung mga binigyan ng freedom na yan ay hindi marunong pumili ng tamang paraan upang gamitin ang freedom na yan.

  • duking says:

    na provoke na ng husto si casey. sa liit ni richard, malamang na napapalibutan siya ng mga sulsol na kamag aral. malamang, yung galit ni asey ay hindi lang personal niyang galit kay richard kundi sa lahat na halos na tumutuya at gumagawa sa kanya ng ganun.

    mali talaga kung sa mali. ang clip na gaya nito ay serye ng lahat ng mali. magiging tama lang ito kung magagabayan ang dalawang bata sa kahalagahan ng respeto sa kapwa. nakakalungkot kung lalaki silang hindi ito matutunan.

  • LordCM says:

    para sa akin, ok lang ung ginawa ni Casey, sa tatlong taon na pananahimik nya at hindi paglaban, oras na siguro para ipakita nyang lalaban din sya, pero di ako sang ayon na tawagin pa syang hero…hero saan? sa sarili nya?

    minsan leah, kapag sobra sobra na ang hirap na dinaranas mo sa isang tao, kailangan mo rin lumaban para ipakitang hindi ka laruan…

    Na-add na po kita :D sorry naman :)

  • yehey natagpuan ko na rin bahay mo ate… weee… para sa akin mali pain ang gumanti pero di naman ako yung si casey eh at nabully ako noon pero naging kaibigan ko din naman sila kasi utak ginamit ko di physical.. hahaha

  • Ayie says:

    Yun din ang unang nakita ko. Na hindi dapat ipagmalaki na nakaganti si Casey kay Richard.
    Naiintindihan kong bilang bata, iyon yung nasa isip ni Casey na tama, na sa wakas, maipagtanggol nya ang sarili nya.
    Pero kung may kinahantungan na masama si Richard dahil sa pagganti ni Casey, palagay ko iba na ang magiging reaksyon ng buong mundo, at hindi yun maaaring ipagtanggol ng simpleng dahilan na “bata lang, hindi sinasadya”.

  • ka bute says:

    pucha. nangatal ang pwet ko dun sa body slam ah. taena. ang saket nun.

  • Diamond r says:

    yong salitang bully ay nakakapanginit ng ulo kasi kung may kapatid ka or anak na ginaganyan malamang matutuwa ka sa napanood mo alam kong mali ang manakit ng tao pero kung kailangan mong magpakita ng lekson sa tao para matigil ang ganitong gawain go.
    sa umpisa di nakakatuwa ang ginagawa ni Richard siya ang naghahanap ng sakit ng katawan na di naman pinagkait ni Casey buti na lang di siya hinampas sa pader at kung upuan at kung hindi habang buhay siyang mangangaral na wag ng magyabang kasi masakit pala sa katawan ang balikan nito.

    Sorry leah at sa di nagustuhan ang ginawa ni Casey pero kung nandoon ako alam mo ang sasabihin ko kay Richard o ano ang napala mo ang yabang mo ilang na ba ang nabully mo wala ka palang binatbat.
    Patawad po

    yan ang totoong naramdaman ko habang pinapanood ko ang video.

    Gusto kong malaman kung ano na ang nagnyari kay Richard.

    mabait na kaya siya,or natuto na. kasi di pa naman grabe ang nangyari meron akong alam na mas grabe pa diyan.

    magmahalan na lang kasi.

    Leah na e add ko na ulit na delete ko lang.

  • 14thstreetgazette says:

    Ms. Leah, hindi ko pa napapanood yung video, wan ko ba bakit puro white lang nakikita ko.

    Hindi ko naranasan maging bully at hindi din ako naging biktima ng mga bully (buti na lang). Pero nakasaksi ako ng maraming sitwasyon na binu-bully ang ibang bata. Nakakaawa talaga sila kasi minsan ang dahilan kung bakit sila ginaganon ay dahil sa itsura nila or dahil mahirap sila.

    Sana bago dumating sa harsh situation gumawa ng action ang mga tao sa paligid nila, although alam kong hindi maiiwasan yun.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Bullies at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: