Spams

May 12, 2011 § 20 Comments

Email spams. Phishing attempts. Scams. Hacks.

Naranasan mo na bang maloko ng isang spam? O dili kaya’y magkaroon ng mga spams o junk mails? Ako, ilang beses na rin, dun sa aking yahoo account. Nang lumipat ako sa Windows Live Hotmail, akala ko maiiwasan o mabawasan man lang ang pagkatanggap ko ng mga email spams. Hindi pa rin. Kada araw, nagkakaroon ako ng apat na junk mails, na kadalasan ay napupunta rin sa aking junk folder.

Pero nitong nakaraang linggo, meron akong natanggap na isang email na nagsasabing kelangan ko daw magpadala ng mga personal na detalye para maverify na ako ang nga ang nagmamay-ari ng account. Kung hindi, ide-deactivate na raw ang aking hotmail sa loob ng 48 oras. Nagkaroon ako ng konting pagtataka at pagkabalisa dahil ang nasabing email ay nasa aking INBOX at hindi sa junkmail folder. Mabuti na lang din, sa tulong ng ilang mga kaibigan sa mundo ng blogs, napag-alaman kong isa itong phishing attempt.

Meron ding mga email spams na nagsasabing nanalo ka sa isang international lottery at kailangan mong magbigay ng ilang bank details para makuha mo ang iyong “panalo”. Meron ding, magiging recipient ka raw ng limpak-limpak na salapi dahil ikaw ang kinilalang “nearest living relative” ng  namayapang may-air ng isang dormant bank fund.

Hindi lang sa emails nauuso ang spams. Merong mga IM spams sa messengers, spams sa blog, spams sa mobile phones at syempre, spams sa mga social networks kagaya ng Facebook. Nitong umaga lang, nagkaroon ulit ng isang Facebook spam. Ilang mga Facebook walls ang napuno ng spam na ito, na nagpahiwatig na ang pag-click ng  mensaheng “VERIFY MY ACCOUNT” ay magkukumpirma nga ng account.

Nang dahil sa teknolohiya, parang ansarap na ang buhay. Maginhawa, madali, mabilis. Pero dapat na rin tayong maging MAS maingat. Huwag basta-basta maniwala. Mas maging mapamatyag. Dahil sa panahong ito kung saan mabilis ang pagkuha ng samu’t saring impormasyon, mas marami na ring lumalabas ng iba’t ibang uri ng panloloko.

Tagged: , , ,

§ 20 Responses to Spams

  • khanto says:

    mas madami na spams sa fb kesa sa email now. tsk tsk. nakakaflood ng news feed ng fb yung spam

  • Mitchie says:

    `napagod ako sa pagbura ng wall posts sa facebook , hahah :))

  • Nortehanon says:

    Bakit ba naman kasi nauso pa ang spam na yan eh. Ayaw ko ng spam na yan. Pero yung isang klase ng spam, yung nasa lata, gusto ko hahahaha!

    Hi Leah, heto at dumaan lang :)

  • SuperGulaman says:

    opppsss…huwag mong burahin ang koment ko..hindi ito spam… ahahaha!

    yeah..natural na nga daw talaga ang spam messages…buti sana kung yan yung SPAM na nakakain…kaso hindi…nun nakaraan nabwisit tlaga ako sa spammer sa FB..mantakin ba naman pinuno ng porn videos o pictures ni bin laded ang wall ka… ok sna kung mapapanood ko kaso sa ibang site ako na-reredirect… ahahaha… ang lesson, wag mapipindot ng kung ano-ano sa FB…:D

    • Leah says:

      SuperG! Hehe.. Porn? Really? meron din palang mga ganun.. hehe.. Yung ke Bin Laden, wala akong natanggap na mga ganun. Nakita ko lang sa walls ng mga friends. Bakit kaya?

      Uu nga, LESSON. wag basta pindot nang pindot.. :)

  • emotero says:

    heheh. Sabi sayow eh! :)
    kaya ingat din dapat tayo. ;)
    nagutom ako nung maimagine ko yung sa lata.hehe. :D

  • MOKS says:

    Yung sa FB ko sandamakmak na spam, lalo na yung picture daw ni Osama Bin Laden. Mabuti na lang hindi ko naview yun. Sa Yahoo mail ko naman ang daming spam, nanalo daw ako at kailanagng ibigay ang lahat ng info ko, tirahan, edad, pangalan, kasarian, paboritong tindahan at proof of purchase, takte ano ko uto-uto? saka yung mga bangko ng ibang bansa o ibang tao na mamamatay na daw sya at gustong ibigay sa akin yung pera nila, ilalagak sa bank account ko…LOL #lels

    • Leah says:

      Ah, Uu.. yung ke Bin Laden. Wala akong natanggap na ganun sa wall ko, pero sa mga friends ko, andami! hehe.. pareho tayo. mga spam emails. Tsk. Andaming spams sa yahoo ano? ako, nanalo na rin daw ng 2million USD. Wow! angyaman ko na sana.. kung totoo. #lels

  • bino says:

    usung uso ang spam! sarap kasi eh, heheheh. madalas akong nakakatanggap ng spam sa email na nanalo ako sa british lotto game. milyon un! hehehe buti nlang di ako masyadong mukhang pera

  • Sey says:

    siguro hindi na maiiwasan sa mundo ang mga taong manloloko. Sa hirap ng buhay kumakapit sila sa patalim pero ang mahirap maling paraan ang naiisip nila.

    Much better siguro kung magiging vigilant tayo lagi at huwag basta-basta mag-rereply sa mga hindi natin kilala. Ang daming frauds ngayon. Minsan madadamay pa mga inosenteng buahy makuha lang nila yung gusto nila.

    Mahirap siguro mahuli itong mga taong ganito.

    Pero yung sa FB, ngayon ko lang narinig Ms. Leah! hindi kasi ako madalas mag-FB!

    • Leah says:

      True, Sey. andami nila.. naglalabasan sa mga lungga nila kasi sa hirap ng buhay. Tama, be more vigilant at wag basta-basta maniwala. yung sa FB, every once in a while merong mga ganun.. kakainis nga kasi FLOOD agad yun sa mga walls.

  • duking says:

    kung nag blog ka dati sa friendster, malamang na tinatadtad ka rin nila ng spam mail tungkol sa mga previous post mo doon.

    tingin ko, ang security sa internet ay hindi nakabatay sa proteksiyon lamang ng security ng web, ng browser at mga anti-virus softwares.

    yung instinc pa rin natin at common sense ang pinaka mabagsik na firewall sa masasamang loob na naglipana sa cyberspace.

    • Leah says:

      Wow. TRUTH! Yung instinct pa rin natin ang pinakamabisang security. Wag basta-basta maniwala at makiayon sa mga kalokohan sa internet..

      Lagi ako nasa-starstruck.. hehe..

  • LordCM says:

    Hmmmm, parang nasanay na akong lageng may spam kahit saan, kahit sa tutuong buhay :D ignore-ignore na lang

  • BON says:

    wow, welcome to wordpress! =) wordpress baby kana ha!
    ang ganda naman ng site mo.. ang aliwalas! nakakahiyang maglakad baka madumihan…

    hello leah!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Spams at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: