Krissy/Manny (by the Heckler)

May 20, 2011 § 17 Comments

LOL. Laugh out loud talaga.

Sa kaka blog-hop, napadpad ako sa bahay blog ni Loi Reyes Landicho. Eto ang “About the Heckler” page nya. Basahin nyo na lang. Eniwei, napadpad nga ako dun at nagbasa ng ilang posts. Hanggaleenngg!!! Yung pinakauna kong binasa ay yung post nya about Krissy Aquino (not the real Kris Aquino naman siguro,.. I think. Haha!) and Manny Pacquiao. Isa itong interview ni Krissy kay Manny, at tungkol nga sa RH bill, among other things. Pak. English. At LOL. Kailangan ko lang talagang i-sheyr! Kaya kumopya ako ng ilang parte sa post na yun ni sir Heckler. Eto na nga. Basa mode.

Just like everyone else, super excited po ako sa una nating guest! Naloloka ako sa dami ng issues sa kanya! Did you hear what he said the other day? “Go out to the world and multiply!” Aha-ha-ha! Hindi ko siya kinaya! Go out to the world talaga??? Where in the world? Aha-ha-ha! I’m sure excited na kayong lahat na makita siya! Ladies and gentlemen, would you please welcome… the 2-timing, 8-time world champion, Sarangani Representative Manny “Pacman” Pacquiao!”

Manny Pacquiao (MP): Maraming salamat Kris! Salamat po sa inyong lahat. Maraming maraming salamat. Think you. Think you.

Kris Aquino: Grabehhh, opening line mo pa lang, napaisip talaga ako! Think ako nang think! Aha-ha-ha! Kaloka ka! Anyway, mabuti naman at pinayagan ka ng kabila na mag-guest dito sa ABS-CBN Congressman.

MP: Uki lang. ‘Di naman nila alam. Kaya pag napanood nila itu, tiyak kasu ang aabutin mu! Hihihi Juks lang.

Kris: In fairness, hindi ka amusing.

MP: Uki lang! ‘Di ko naman alam kung ano ‘yong amusing. Hihihi Juks lang!

Kris: Hay naku Congressman, puro ka biro. Let’s go straight na nga lang sa mga issues! RH Bill. Bakit ayaw mo sa RH Bill?

MP: Siyimpri.

Kris: What?

MP: Ayaw ni Miyor Atienza eh. So ayaw ku rin.

Kris: Nabanggit mo sa TV interviews na labag sa kautusan ng Diyos ang RH Bill??? Is that so?

MP: Oo, is that so.

Kris: May sinabi bang gano’n si Lord?

MP: Uu naman. Kasi, sabi ng Mahal na Panginuun sa Bible, “Go out to the world and multiply.” Bakit? Sinabi ba ng Panginuun na “Go out to the world and RH Bill?” Wala naman ‘di ba?

Kris: May point ka! Aha-ha-ha

MP: Is that so? Hihihi

Kris: Sa isang interview noon kay Jinkee, inamin niyang gumamit siya ng pills para ‘di mabuntis. Si Jinkee ba, pro- o anti-RH Bill?

MP: Anti-RH si Jinkee.

Kris: Ano ba ‘yong RH? Rhanillo? Rhufamae? Rhamina? Aha-ha-ha! Joke lang!

MP: You’re not a muse sing! ‘Di ba nakatatlong lalaki ka rin naman?

Kris: Excuuuuuuuse me! Isa lang ang pinakasalan ko.

MP: Eh panu, kasal pa sina Feelip at Joey noong maging boylits mu. Hihihi

Kris: You know what? Nakakainis ka! Balik na nga lang tayo sa isyu. Have you ever used a condom?

MP: Ay hindi. Ayuku ng cundum. Walang fillings.

Kris: Are you sure? Never ka pang gumamit ng condom kahit sa ibang babae?

MP: Sekkkkrit, walang clue. Hihihi

Kris: What do you think of sex education?

MP: No. I don’t think of six education.

Kris: Ohhhh-kay.

Kris: Nag-threaten ang ilang anti-RH Bill groups na ‘di sila magbabayad ng tax once the RH Bill is approved. Susuportahan mo ba ang panawagan nila?

MP: Hindi! Madaya naman ‘yon. Ang laki-laki ng tax na ibinibigay ko ‘tapos sila hindi magbabayad? Wala sa Bible ‘yon!

Kris: Sabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, stick to boxing and do not meddle with the RH Bill issue. Any reaction?

MP: Niririspito natin ang mahal na sinadura piro sana, maintindihan n’ya na wala naman ako sa meddle. Nasa tabi nga lang ako at nakikinig. Mali man siya.

Kris: Hinahamon ka rin niya ng suntukan.

MP: Uki lang. ‘Wag lang Inglisan. Baka ma-knock out tayo dun. Hihihi

Kris: Iwan na natin ang RH Bill dahil medyo mabigat na usapin ‘yan. Let’s talk about Jinkee. Ibang-iba na raw ang hitsura niya? Ano bang secret beauty regimen niya?

MP: Ano ba ‘yong regimen? Puwidi, mag-Tagalog na lang tayo Kris kasi nasa Pilipinas naman tayo?

Kris: Aray ko! Kasi naman ‘yung mga writers ng show, English ang nasa cue card! Na-lektyuran tuloy ako! Aha-ha-ha Ganito na lang: ano ang sikreto ng kagandahan ni Jinkee?

MP: Siyimpre babai.

Kris: Babae? What do you mean?

MP: Ganitu kasi ‘yan Kris. Kapag may tsismis na may babai aku, wala ‘yang ginawa kundi mag-Bilo. Bilo siya nang Bilo. Hanggang nabago na ang mukha niya at kamukha na nga siya ni Kristine Hirmusa. Kaya ‘yun tinigil ku na ang pambababai ku. Mautak din ang asawa ku ‘di ba?

Kris: Gumagamit ka raw ng steroids?

MP: Hemorrhoids?!? Juks lang. Hihihi

Kris: Yucccck! You’re so kadiri talaga! Steroids not hemorrhoids!

MP: Subra naman ‘yan. Kasu na naman ‘yan. Hihihi Ang totoo Kris, coomit nga, ‘di pa ko nakakita, asteroids pa kaya! ‘Di totoo ‘yan. Paninira lang ‘yan.

Kris: Alam ng lahat Manny na noong nakaraang eleksyon, magkaiba tayo ng sinuportahan sa pagka-presidente. Inaway pa nga kita sa Twitter ‘di ba? Gosh, nagba-blush ka!

MP: Eh kasi, passed is passed. ‘Wag na nating ungkatin ‘yon.

Kris: Hindeee kasi gusto ko lang itanong sa ‘yo: nagsisisi ka ba sa pagsuporta mo sa talunang kandidato?

MP: Alam mo Kris, wala man akung pinagsisihan sa mga ginawa ku. Piro kung tatanungin mu aku kung tama ba ang nanalung kandidatu… taumbayan na lang ang huhusga. Piro sa akin, ang importante magkaisa tayu, magtulungan tayo para mawala ang kahirapan.

Kris: May tama ka! If you would allow me please Congressman, I’d like to take this opportunity para magpahatid ng mensahe sa mga naninira kay Noy dahil mababa daw ang ratings niya. Well… inggit lang kayo dahil never n’yong naabot ang 80 plus percent na approval and trust rating ng kapatid ko. ‘Yon lang! And pleaaaaaaaase! Alisin ang inggit sa katawan, okay?

Kris: Before we end, we’ll have a game. Siyempre, isa lang naman ang paboritong laro ng bayan ‘di ba? I’m sorry Tita Cory Vidanes pero I must say this. Hangga’t may ‘Pinoy Henyo’ ang ‘Eat Bulaga,’ hindi ito matatalo ng ‘Happy Yipee Yahoo…’ or something like that. Sorry talaga! Mariel, Pokey, friends ko kayo pero tanggapin natin, ‘Eat Bulaga’ is ‘Eat Bulaga!’

MP: And Anna Dezon is Anna Dezon!

Kris: Nakakaloka ka Congressman! Aha-ha-ha Kilala mo rin si Anna Dizon?

MP: Hindi. Piro lagi kung naririnig ‘yang linyang ‘yan. Tika, anu bang game?

Kris: Ayyyyy! Not listening. We’ll do Pinoy Henyo nga. Huhulaan mo ang isang word or phrase by asking Yes, No, or Puwede questions. Audience and everyone at home, the Henyo Word is (word appears on television screen): “Condom.” Kayo lang ang nakakaalam. Si Pacman, hindi. So Manny… we have 2 minutes. Go!

Manny: Tao ba ‘to?

Kris: Hindi!

Manny: Bagay?

Kris: Oo!

Manny: Makulay?

Kris: Oo!

Manny: Rainbow?

Kris: Hindeeee!

Manny: Kinakain?

Kris: Ahmmm… ‘di ko pa na-try. Gosh! Gusto kong mag-blush!

Hahaha! Hay, nakow.. This post made my day. Hindi pa tapos ang interview na yan. Kung gusto nyong basahin ang buong interview, punta kayo dito. Eto ang bahay ng The Professional Heckler.

Natawa lang talaga ako nang sobra. Gusto ko lang isheyr. LOL.

Tagged: , , ,

§ 17 Responses to Krissy/Manny (by the Heckler)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Krissy/Manny (by the Heckler) at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: