Ha?

June 4, 2011 § 24 Comments

Random.

June 2. Birthday ko. Walang bonggang handaan. Wala ring inuman. Wala ring clowns at balloons. Pero okay lang. Sa edad kong to, hindi na talaga bagay sa akin magkaroon ng clown at mga balloons sa party. Gusto ko rin sana, pero parang dyahe na. Hihi. Baka sabihin ng ibang tao, tumatanda ako nang paurong. Babawi ako bukas. Pupunta kami (buong pamilya) sa bahay ni Kuya sa syudad. Dun na kami magse-celebrate nang bongga. Birthday ng Lola ko, May 31. Birthday ko, June 2. Birthday ng Kuya ko, June 6. Kaya, 3-in-1 yung selebrasyon bukas. Heksayting!! Sana may clowns. #LOL.

Merong nag-recommend sa akin na panoorin ko raw yung Dog Whisperer show ng NGC. Ang bida sa show na yun ay si Cesar Millan. Sya ang kinikilalang “Dog Whisperer” at tumutulong siya sa mga dog-owners para mas makontrol ang kani-kanilang mga alagang aso. “Rehabilitation of dogs using dog psychology. Exercise, discipline and affection. Be the pack leader.” Eto nag linyang laging binibitawan ni Cesar. Syempre, naging interesado rin agad ako. Nang makagat ni Pokey si cousin (ikalawang beses na), nagkaroon nako ng kaba na baka patulugin na (nang tuluyan) ang minamahal kong alaga. Kaya ginoogle ko agad si Cesar Millan at ang Dog Whisperer show at naghanap ng torrent files para maidownload ang unang season. Nang matapos ang download, pinanood ko na kaagad. Nagkaroon ako ng ideya kung papaano ko i-handle si Pokey. Dapat raw magkaroon ng “calm but assertive state of mind”. Dapat rin daw yung paglagay ng leash ay nasa itaas ng bahagi ng leeg. Pangalawang araw na ngayon ng “regular dog walks” ni Pokey at meron na akong nakikitang magandang resulta. Sana magtuloy-tuloy na. Disiplina at determinsayon lang ang kailangan.

Kaninang hapon lang, nagkaroon ako ng konting sama ng loob sa isang kaibigang bading. I have nothing against gay people. Actually, mas gusto ko nga silang kasama kapag naglalakwatsa. Kasi punong-puno sila ng sigla at parang hindi nauubusan ng energy. Madaldal pero hindi nakakainis. Maingay pero hindi naka2apikon. Gusto ko ang company ng mga bading. Pero aaminin ko na kapag tungkol na sa sexual fantasies at expereinces ang kanilang kwento, nagiging uncomfortable na ako. I love them, gay people.. pero hindi ko kayang makinig sa mga kwentong ganun. Hindi ko alam kung ganun din sa ibang tao, pero yun ang nararamdaman ko eh. At alam yun ng mga kaibigan kong bading. Eh kanina, etong gay friend ko, siguro to the highest level ang mood magshare ng kwento, talagang itinodo yung pagkwento, lahat detalyado. As in, super excited yatang magshare, eh walang choice kasi ako palang ang kasama nya at on the way palang ang iba pang mga prendship. Anong ginawa ko? Sabi ko “Excuse me, ___. Medyo naiilang na ako eh. Kwento mo na lang kay ___ ha. Hintayin na lang natin siya.” Hm. Nagalit siya. Sabi nya, ang rude ko daw. Kasi nagkukwento sya, tapos yun ang sinabi ko. Tsk. Hindi ko lang maintindihan kung paano ako naging rude. Kesa naman sa maging plastik ako at kunyari nakikinig. Yun yata ang rude. Hay. I’m sure hindi rin magtatagal ang inis ko sa kanya at vice versa. Very smart din yung kaibigan kong yun. Nadala lang siguro sa excitement sa pagkwento.

Minutes ago, may pumasok na estudyante dito sa mini-grocery/canteen namin. Kumakanta sya. Bumili ng sopdrinks. “♪♫ It’ll never get better than this..♪♫”. Bumili ng bread at pinahidan ng peanut butter. “♪♫ It’ll never get better than this..♪♫”. Kinain ang bread habang nanood ng palabas sa TV (MMK). “♪♫ It’ll never get better than this..♪♫”. Nang matapos ang pagkain ng bread at paginum ng sopdrinks ay lumabas na ng canteen habang kumakanta “♪♫ It’ll never get better than this..♪♫”. Hindi ko alam kung anong kanta yun. Pero naisip ko lang.. Ganito rin ba ako kapag na-LSS sa kanta ni Justin Bieber? “♪♫ Baby, baby, baby, oohh!! ♪♫” .

Napanaginipan ko kagabi si Harry Potter. Yun lang.

Tagged: , , , , , , ,

§ 24 Responses to Ha?

  • marikoy says:

    Hay, sa pagkahaba haba ng prosesyon, si Harry Potter lang pala ang dulo. hehehehe… ang saya…. padalhan mo ko ng takeout sa celebration ha? :-D

  • iamjoross says:

    Happy B-day Leah…:D Sana nga may clowns sa party mo bukas. Bukas nalang gift ko sa yo ha??? hehe…

  • iya_khin says:

    party party ba bukas?!!!

    gay peepz nakakatuwa sila! may mga friends and klasmayt akong mga bading kaya i’m used to here their stories and fantasies kaya dedma na sa akin yan! ehehe!

    harry potter? di ako makarelate! hehe

    • I am ME! says:

      Yeah.. parteh!!! Ako, hindi tlga makayanan ng.. braincells at sikmura ko. Hehe.. Pasensya na tlga sa mga gay peeps, pero ganun lang talaga ako. Pero I love you all. :)

      Ay!! Obvious hindi ka fan!!!!! #lol

  • iya_khin says:

    hear pala not here…sorry naman!! hahah

  • mommy-razz says:

    wow sabay sabay ang celebration.. cool yan.. hehe! gusto ko din nakikipag kwentohan minsan sa bading kasi ang saya nilang kausap.. pero masama din clang kaaway.. hehe!

    oo na Justin Beiber fan ka na..:P

    • I am ME! says:

      Haha!! Opo mommy.. lumalabas tlga ang pagiging JB fan ko, ano? hehe.. Uu nga, masarap silang kaibigan pero ang tataray rin kapag nakakabangga mo.. :D

  • Bino says:

    i feel you dun sa gay friend mo. ako din di ako kumportable kapag nagkukwento ang mga kaibigan ko’ng tibo at bading ng kanilang “love story”. hehehehe.

    • I am ME! says:

      Nakakailang diba? Kasi dapat, mga ganyang bagay, super personal.. hindi na dapat sinisheyr.. Kiss-and-tell.. hindi appropriate. Pero kung gusto mo talagang isheyr.. hwag na sana masyadong dinedetalye. Super uncomfortable tlga..

  • khanto says:

    malapit na ang hp… so excited na ako.

    nyway, oks lang naman yung kinut mo friend mo kesa naman di ka makinig. ahihihihih.

    • I am ME! says:

      Yaay!! Malapit na!! hehe.. Heksayting!! Uu nga, kesa makpagplastikan ako.. hehe.. Okay na kami ngayon. Nag sorry naman sya.. Nadala lang daw sa excitement.. #lol

  • Akoni says:

    ha?

    tama lang naman ginawa mo sa friendship mong bading… :) walang rude dun, pero depende lang sa pagkakasabi mo..eehehe..kaya siguro may dating na pagka-rude sa kanya…

    • I am ME! says:

      Very courteous yung pagkasabi ko sa kanya.. yung tipong, ako pa ang nahiya. Medyo naoffend lang daw siya kasi, in the zone na sya.. as in, todo share, then kinut ko. hehhe..

  • god-damn-cat says:

    parang coffee 3-n-1 ahihi. nga pala, meron din akong gay friend na ganyan. dati pag nagkwento sya talgang lahat ng detalye andon. pero sinabi ko naman sa knya na di kya ng powers ko ang ganyang kwento. so yun, pag nagkwento sya na rated R, di na masyadong detalye. or tinatanong nya kung okay lang na isama nya ang details XD

    • I am ME! says:

      Hehe.. Uu, 3-in-1 tlga. andami ngang food. Sira ang diet ko. wahahaha!!

      Ako, kahit sa girls, hindi tlga ako komportable makinig. Siguro makikinig, pero uncomfortable pa rin. Para kasi.. those are very very personal.. I’m not prude naman, pero I just dont like listening my friends’ sexual experiences and such.. hehehe.. hindi tlaga kaya ng powers ko.

  • iamjoross says:

    Eto na promise ko :) short but meaningful :)

    Happy Birthday

  • duking says:

    ‘di lang siguro sa gays na nagku kwento but kahit siguro sa kaninumang kaibigan ko, i would feel uncomportable especially kung kilala ko rin yung involve sa kwento niya.

    belated happy birthday sa inyo ng lola mo at advance happy birthday naman sa kuya mo.

  • kikomaxxx says:

    weeee.. hanggang dito HP.. haha mabuhay ang HP…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ha? at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: