Linoleum

June 17, 2011 § 22 Comments

Isang araw.

Naisipan ko na bumili ng bagong linoleum para sa kwarto ko. Sobrang simple lang kasi ng dati. At sobrang puti, parang labang Tide. Kaya kasama si mother dearest, pumunta kami ng store para bumili ng linoleum. 10 meters lang. Maliit lang ang kwarto ko eh.

Andaming designs na pagpipilian. Yung gusto ko, yung masaya.. yung unang tingin/kita mo palang, mapapangiti ka na. Happiness agad. Ilang minuto rin ang ginugol ko para makapili ng magandang design.

Pero ewan ko nga ba kung bakit ito pa ang napili ko.

Temporary insanity siguro. Pang-mesa yata ang design eh. Parang naging malaking hapag-kainan ang kwarto ko.

Gusto ko tuloy bumili ulit ng bago…

Tagged: , ,

§ 22 Responses to Linoleum

  • LOL.

    mukha nga syang dining table…

    hahahahahhaha!!! nagmukhang kusina room mo. kulang na lang kawali at kaldero sa paligid, pati mga plato at baso.. hahahahah. di ako makagetover..

    • I am ME! says:

      Hehe.. Ito talaga oh. Lagyan ko rin kaya ng ref? lol.

      Seryoso nga.. last week lang namin yan binili at sinet-up sa kwarto ko. Nang una, okay pa sya.. pero habang tumatagal, parang.. ewan.. pang lamesa talaga ang design eh. :P

  • chikletz says:

    nagutom tuloy ako bigla… lol.

  • Marco says:

    ang linis tingnan ang kwarto mo. :D

    mukha nga malaking mesa hehehe,,,

  • Unang tingin, kala ko nga isa siyang mesa. Hehehe.

    • I am ME! says:

      hehe.. tsk. kelangan na tlagang bumili ng bago.. asap. Baka kasi dito ko na rin maisipang kumain ng breakie, lunch at dinner. lol.

      Thanks sa pagdalaw, Kurog. :)

  • LordCM says:

    hangkulay!!! lolzzz ayaw mo nun, may sahig ka na, may table ka pa :D

    sunod, carpet na lagay mo :)

    • I am ME! says:

      hehe.. may maliit na carpet po akong nilalagay dyan, Kuya CM. Inalis ko lang para makita talaga ang design ng linoleum..

      Ang kulay nga.. haha. agaw-pansin kaya ko siguro binili. Pero ngayon.. ewan. haha…

  • jason says:

    ang galing nga cool, parang nag ooptical illusion :D

  • khanto says:

    agree ako kay suplado, mukang dining table. oks lang yan. next time palit ulit, sulitin mo muna new design sa kwarto

  • mommyRazz says:

    wow FINK.!!! ang ganda parang table cloth lang ang design.. lol

    paki touch sa yong micky mouse pad.. hehe!

  • iamjoross says:

    Akala ko table :)

  • Diamond r says:

    Tawa ako ng tawa sa sinabi mo Leah na parang mesa. sa tingin ko pagkain ang nasa isip mo ng binibili mo ito. na imagine ko lang kung nakahiga ka na parang pagkaing nasa hapag kainan.wohhhh.

    bumagay naman siya sa kama mo. PINK nga lang talaga.

    Sabagay kanya kanyang style lang yan. pag sa kwarto Dark brown, black and dirty white lang ang gusto ko pati gamit damat ganon ang shades. mahilig din ako sa shade na dark red. kasi maganda ang effect sa sa mga dim light na ilaw.

    sa kulay ng room mo parang bata lang ang natutulog.

  • honestly, mukha nga syang lamesa eh. hehehe. palitan mo ng mas cute :D

  • Sey says:

    Ang ganda ng room mo. Masaya. ko din tawa ng tawa dito “Parang naging malaking hapag-kainan ang kwarto ko”…pwede makikain? hehehehe.

    Favorite color ko pink dati, pero sa pagdaan ng panahon ewan ko ba bakit naging red ang favorite ko. May paliwanag kaya dun. Pero naisip ko, kasi pag red, parang strong ang dating. (parang walang kinalaman yung comment ko sa post —hehehe)

    Pero ako gusto ko matulog jan, kasi masaya siyang tignan, pero mas preferred ko ang light colors, yung floor gusto ko light color, off white or light brown, yung wall naman gusto ko off white din. ayoko din ng maraming display, nahihilo ako. hehehehe.

    P.S. Nagsend ako ng screenshot ng bagong dashboard ko sa (newlife@hotmail.ph), yun nakita ko email address mo….hehehe.akala ko ganun na lahat, parang ako lang yata…..*weird*… Let me know kung natanggap mo. Thanks a lot and have a great weekend….

  • bonistation says:

    hihi, Kainan na!!! ^^
    joke lang, uy ok naman sya ah! =)

  • Zen says:

    Diba gusto mo yung masayang tingnan at mapapangiti ka? Sinong hindi mapapangiti pag feeling mo, kainan na? hehe.
    Masaya naman yung kulay eh. I like it! ♥

  • Parang ang sarap kumain dyan…hehe..mahilig pa naman ako kumain sa lapag..hehe (culture namin, sa lapag kami kumakain, walang lamesa sa bahay) hahaha

  • duking says:

    ewan ko kung wala lang akong taste. tingin ko, blissful yung kulay saka parang nakakapag pabata lalo ng mood.

    baka isang araw, nakasalampak ka na lang sa sahig habang naglalaro ng barbie. hehe!

    magandang araw, leah!

  • kimmuel says:

    mesa nga! sayang, wag ka muna bumili ng bago :)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Linoleum at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: