Inis

June 23, 2011 § Leave a comment

Para sayo..

Hindi na kita maintindihan. Ano bang ginawa kong masama sayo? Wala akong maalala eh, paki-refresh nga ng memory ko.

Kung naiiinis ka sa akin, sabihin mo. Hindi yung wala ka ngang sinasabi pero obvious na iniiwasan mo ako. “Friends” pa naman tayo sa Twitter at Facebook. Ayokong i-unfriend o i-unfollow kita sa mga networks na yun nang hindi ko nalalaman kung ano ang dahilan mo kung bakit ka umiiwas.

Ilang beses nga kita pinadalhan ng “mention” sa Twitter. Nagko-comment rin ako sa mga Facebook posts mo. Laging nagbibisita at nagbabasa ng blog mo. Pero suplado ka na lately. Hindi na kita ma-gets.

Umiiwas ka ba? Bakit?

Paki-explain naman ng side mo. Ang hirap rin kasi. Hindi na tayo mga bata at pareho tayong blogger. Kung may galit o inis ka sa akin, sabihin mo para naman alam ko. Hindi yung ganito.. silent treatment. Parang ayoko na tuloy mag log-in sa Twitter ko. Parang ayoko na ring mag-comment sa mga Facebook posts mo. Parang ayoko na ring magbisita sa blog mo.

Ramdam ko ang inis mo sa akin at hindi ko alam kung bakit. Nakakapikon na rin.

Comments are closed.

What’s this?

You are currently reading Inis at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: