Ulan

June 23, 2011 § 10 Comments

Kapag umuulan, walang magawa.

Ilang araw nang umuulan dito sa amin. Hindi naman dire-diretso. Lumalabas naman at nagpapakita si haring Araw ng ilang minuto, pero pagkatapos nun, magkukubli na naman sya sa likod ng mga ulap. Biglang magdidilim ang paligid at bubuhos na naman ang ulan. Hay.

Okay naman kapag umuulan. Malamig ang paligid, masarap matulog at masarap kumain ng junk food habang nanonood ng mga TV series re-runs at mga paboritong pelikula sa laptop. Pero sabi nga, ang isang bagay kapag sobra eh nakakasama rin. Kapag araw-araw naman umuulan, nakakainis rin.

Slight.

Hindi ako makapaglaba. Tambak na ang aking mga lalabhang damit. Hindi naman kami mayaman kaya wala kaming washing machine at dryer. At isa pa, mas okay kapag hand-washed at sun dried ang damit eh. Hindi rin ako makalakwatsa sa labas. Tambay nga ako pero ayoko namang makulong nang buong araw sa loob ng bahay. Hindi ako makapag bike. Hindi ako makagawa ng kaartehan sa flower garden ko. Wala akong dose of Vitamin D dahil walang sunlight. Iba pa rin kasi kapag sa umaga, kahit ilang minuto lang ay nasikatan ka ng araw. Instant energy boost. Para na akong lantang gulay.

Kaya eto, inuubo na ako. Magkakasakit na yata ako.

Sana bukas, umaraw naman. Alam kong monsoon season ngayon sa Pilipinas pero sana bukas, stop muna ang ulan. At nang makapaglaba ako. Makapag bike ako. Makapag garden ako. Makapaglakwatsa ako sa labas.

Sana bukas, ngumiti naman sa akin si Haring Araw.

Tagged:

§ 10 Responses to Ulan

  • Engr.MOKS says:

    ako gusto ko ang tag-ulan..kahit mahirap pumasok sa trabaho at umuwi galing trabaho. Wala lang, para nalilinis ang hangin sa Manila, masarap singhutin! lol

  • dapat siguro matuto ka ng sumayaw ng sun dance para in case na laging umuulan dyan, may way ka para lumabas si haring araw..

    naalala ko tuloy nung bata pa ko, nagdo-drawing ako palagi ng hugis araw sa kalsada tuwing makulimlim o umaambon, para hindi tumuloy ang pagdating ng ulan.. in fairness, effective naman yun..ewan ko na lang ngayon.. di ko pa sya na-try dito sa abroad. hahaha.

    pagaling ka! :)

  • Marco says:

    yoko ng ulan…. nakakadepress. :)

  • mommyRazz says:

    minsan ayaw ko ng ulan kasi nakakahina ng connection.. hehe!!

    saka ka na maglaba at mag bike pag umalis si falcon hehe!

  • Diamond r says:

    Halatang mamahalin ang iyong mga damit kasi ayaw mong padaanan sa washing maschine kailangan sa iyong banayad na kusot.Or talagang enjoy mo lang talaga ang pag kusot stress reliever kasi ang paglilinis ang ginagawa kong pang relax sa office. wag lang ang paglaba.

    Kung sikat si haring ulan diyan dito siga si haring araw. ang buhay nga naman.
    sinabi mo nga ang hirap pag nasosobrahan yon lang ang problema.

    take a lot of vitamin C para di magkasakit.

  • khanto says:

    gusto ko na ayaw ko ng umuulan. gusto kasi malamig, ayaw kasi kakatamad kumilos

  • LordCM says:

    buti pinaalala mo, maglalaba pala ako ngayon :D

  • iyakhin says:

    palit tayo nf weather gusto mo?! hahaha! miss ko na ang tagulan lagi kasi akong nagkukulong sa kwarto..di kasi ako lakwatsera hehe lagi lang nakadikit ang aking katawan sa kama! haha hmmmmm….sarap…

  • marikoy says:

    Hay, dito rin, rain din many days, di naman everyday, pero every now and then. nung isang araw, superlakas ang wind, kala ko matatangay ako ng wind eh. sabi pa nung friend ko, baka daw, kasi ang payat payat ko. paano naman kasi, siempre payatot ako kumpara sa kanya, eh samoan siya eh. hehehe

  • Naimpluwensyahan mo akong masyado na gumawa din ng tagalog na blog. hehehe Pinagiisipan ko pa. Pero, nakakatuwa na imadyinin. O di ba. Sige, sulat ka pa ha. Kakaaliw kang basahin. Salamat.

    A Ladybug’s Life

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Ulan at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: