Excuses..

June 24, 2011 § 16 Comments

Pag gusto, andaming paraan. Pag ayaw, andaming dahilan.

Totoo, diba? Kapag gusto mong maabot ang isang bagay, gagawin mo ang lahat ng makakaya mo. Maraming pwedeng gawin para makamit lamang ang pinapangarap mo. Pero kung ayaw mo naman, maghahanap ka talaga ng dahilan para umiwas. Andaming palusot. Andaming rason.

Pareho kanina. May nakausap akong estudyante kanina. Maglilipat daw siya ng dormitory kasi malayo daw yung tinitirhan nya at palagi raw siyang nababasa ng ulan at nale-late.

Naisip ko lang, “Malayo ba ang 600 meters? Malapit lang, eh. Walang namang trapik sa lugar. 10-minute-ride lang papuntang school sakay ng traysikel.” Pero hindi ko na siya kinontra.

Sabi nya, dahil sa monsoon season na ngayon sa Pilipinas, palagi raw siyang basa sa ulan. At dahil sa lagi siyang nababasa ng ulan, palagi raw siyang natatagalan sa loob ng school CR para ayusin ang sarili. At dahil palagi siyang natatagalan sa loob ng CR, palagi raw siyang late sa morning class nila.

Sus.

Simple lang naman sana yan eh. Gumising ka nang maaga para hindi ka ma-late, at gumamit ka rin ng rain gear para hindi ka mabasa ng ulan.

Kung gusto mo talagang makarating sa school mo nang hindi ka nale-late, maaga kang magising. Kung alas7 yung class mo, magising ka nang 5:30. Set mo yung alarm clock mo. Magpagising ka sa mga roommates mo. Set mo sa “LOUD” yung phone profile mo at pakiusapan mo ang nanay mo na tawagan ka sa ganyang oras.

Kung ayaw mo namang mabasa, gumamit ka ng rain gear. Magdala ka ng payong. Magsuot ka rin ng jacket o hoodie. Kung feel mong mag-rain boots, pwede rin. Huwag mong gawing rason yung ulan kaya ka nale-late.

Di ba?

Hay. Bakit ba ang mga kabataan ngayon, andaming palusot?

Tagged: ,

§ 16 Responses to Excuses..

  • iba na talaga kaming mga kabataan ngayon tita leah.. pagpasensyahan nyo na po kami.. bwahahahaah!!

    feeling bagets lang.. LOL.

    hayaan mo na yang mga ganyang klaseng tao. parang kapatid kong bunso, puro palusot at sobrang tigas ng ulo.. 10 years pa naman ang age gap naming dalawa kaya lagi kaming nagtatalo.. hirap nila ispelengin.. baluktot ang mga pangangatwiran! hmp!

    • Leah says:

      Haha.. Loko. Tita Leah talaga? Feeling bagets ka nga, Carlo. LOL..

      Oo nga. Hindi ko na kinuntra yung mga sinabi nya. parang nakakatawa lang kasi pati yung ulan, ginawang excuse kung bakit sya nale-late sa school. Ngek. :)

      Hirap talagang ispelingin yung mga youth ngayon.. Iba na talaga..

  • Jhiegzh says:

    Kung reasons man, dapat valid, ung katanggap2!~Ndi ung tipong arte2 lang para makalusot…Wow tago mode muna ako, napakavigilant ngaun ni Nang Leah :)

  • LordCM says:

    hahaha, parang mga katandaan din ang kabataan, walang pinag-iba, kung ayaw maraming dahilan :D

  • mommyRazz says:

    hay naku palusot lang niya un, nag alibi ng hnd kapanipaniwala.. hehe! get well soon miss leah.

  • Diamond r says:

    ang cute ng kanyang problema at talagang yon ang ginamit para makapag dorm.WOW ang kabataan nga naman. kung ang naging dahilan niya lang ay gusto niyang matututong magind independent baka mag dalawang isip ka pa pero dahil sa ulan nakakapanginit ng ulo. So what happened pinayagang mag dorm?

    • Leah says:

      Hehe.. Oo nga, Kuya. Kanina lang nangyari tong pag-uusap namin. Hindi ko alam kung nasabi na nya to sa parents nya. Pero malamang, hindi papayagan yun.. Andaming temptation kaya sa dormitories.. hehehe.. :)

  • iluvroy says:

    totoo eto hehe
    you had a great post…

    keep blogging.

  • Akoni says:

    Alam naman niya un eh..tinatamad lang.

  • EmPi says:

    apektado masyado si ate leah…. hehehe…. yaan mo na yan, kaartehan lang yan.

  • kikilabotz says:

    hahaha oo nga bakit ang daming palusot. ate leah. ganun talga. hahaha. ako nung malapit lang school ko lagi ako late, hahaha. nakaktamad kasi. ^_^

  • duking says:

    baka gusto lang talagang lumipat ng ibang dorm. minsan kasi parang nahihiya pa silang sabihin yung totoong dahilan.

  • xander says:

    i agree.. di na ako magpapalusot.. hahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Excuses.. at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: