July 1-3

July 3, 2011 § 18 Comments

Project 365. Sasali na rin ako.

Ano ba yung tinatawag nilang “Project 365”?  Ito raw ay isang blog challenge o blog project. Araw-araw kang kukuha ng mga larawan para maidokumento mo ang mga pangyayari sa iyong buhay. Kahit na ano, kahit na saan. Gumagawa ka ng iyong sariling photographic history, sa pamamagitan ng pagkuha ng daily photos. Ang saya, diba? Simple lang. Ang tanging kinakailangan lang ay ang iyong camera.

JULY 1

Kuha ito gamit ang lumang Sony Cybershot ko. Boring ang araw na to. Wala masyadong ginawa the whole day kundi kumanta lang ng “FRIDAY” ni Rebecca Black, nakikisabay sa Youtube video. Eto yung workstation ko. Yung lappy, that’s Red Gee, binili ni Kuya Junjun. Yung Samsung portable optical drive, WP external drive at ang mouse, bili ni Kuya Bimbo. Yung Mickey Mouse mousepad, it’s a hand-me-down. I love Mickey Mouse.

July 2

Gamit lang ang lumang Cybershot, kinuha ko etong larawan kagabi. Nagkaroon kasi ng electricity black out nang ilang minuto. Medyo busy ako sa kaka Facebook at kaka Twitter nang bigla na lang dumilim ang paligid. Kesa sa mainis at magreklamo, ini-appreciate ko na lang ang liwanag na hatid ng isang kandila. Makalipas ang ilang sandali, bumalik na rin ang power. And then, there was light.

July 3

Habang naglilinis ako ng kwarto, may kung anong ingay akong narinig. Ahh.. panahon na nga pala ng pag-aararo ng bukid at pagtatanim ng palay. Lumabas ako, dala ang aking camera at kinunan ng larawan si Manong. Hindi ko alam kung anong tawag sa bagay na kanyang ginamit. “Plower” yata.. Sabi ni Tita, isang gwapong lalaki raw yung nagmamaniobra ng plower kanina. Malas naman, hindi ko inabutan si gwapong mang-aararo. Hihi.

Bukas ulet. ♥

Tagged: , , , ,

§ 18 Responses to July 1-3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading July 1-3 at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: