July 4-6

July 7, 2011 § 14 Comments

Next. :)

Muntik ko nang makalimutan yung Project 365 ko. Mabuti naman at may nagpaalala sa akin. FAIL sana. Hihi. Plano ko kasi magpost ng mga larawan pagkatapos ng bawat tatlong araw. (Hmm..  tama ba ang tagalog ko?). Bale sa isang buwan, makakagawa ako ng 10 posts sa aking Project 365.  Ayos!

July 4

Printscreen! Yes po, I am on Google+. Nagpapasalamat ako ke Will sa “invitation” na kanyang ipinadala. (Thank you, Will!) Unang araw, nangangapa pa ako sa Google+. (Ang dilim!) Medyo kumplikado nang konti. Pero nang nagtagal na, unti-unti nang nasasanay at nagugustuhan ko na sya. Eto po ang profile ko dun sa G+. Kung sino man ang gustong isali ako sa inyong G+ Circles, eto po ang aking email address (leah.sayomac at gmail dot com).

July 5

Kuha ito gamit si ever-dependable Sony Cybershot. Ito ang lugar kung saan ko inilibing ang namayapa kong aso na si FALL. Dahil sa patuloy na pag-ulan, tuluyan nang tinabunan ng putik ang libingan ni Fall. Inayos ko’t nilagyan ng malalaking bato at buhangin. Taong 2008 nang si Fall ay nagkasakit at nanghina . July 24, 2008, tuluyan na siyang namahinga. (My Dog Named FALL.)

July 6

Kahapon, habang naglalakad-lakad sa labas ng bahay, nakita ko tong bulaklak sa damuhan. Hindi ko alam kung anong uri to ng bulaklak., basta ang cute lang ng color nya kaya kinunan ko lang ng ilang shots. Mabuti naman at dala-dala ko ang camera.

Next time ulet!! Mwah! ♥

§ 14 Responses to July 4-6

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading July 4-6 at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: