July 7-9

July 10, 2011 § 27 Comments

Next. :)

Nang dahil ke kumpareng Google+, hindi nako masdyadong nakapag-check ng blogs ko at nakapagbloghop. Adik mode lang. You know naman, basta’t bago, naiintriga tayong i-try. Ilang araw nakong palaging online dun sa G+. Ang saya kasi. Hihi. Ano ba pinagkaiba ng G+ sa Facebook? Sa tingin ng iba, Facebook rip-off lang ang G+. Pero meron namang mga bagong features ang G+ na wala pa sa Facebook. I think. Basta. Hirap ipaliwanag. Try nyo na lang ang G+. Aktwali, open ngayon yung “Send Invites” button nila. So kung sino man ang gustong magpa-add, iwan nyo na lang ang email ninyo. Invite ko kayo para maging Plus users na rin kayo. Yipee.

Balik tayo sa Project 365 ko.

July 7

No explanation needed. Hehe. Obvious naman sa picture kung anong ginawa, diba? Pero syempre, yung tsakto lang.

July 8

Printscreen lang. Ito ang Youtube coverage ng world premiere ng huling Harry Potter movie. Ang premiere ay dinaluhan ng mga importanteng tauhan sa pelikula, tulad nina Daniel Radcliffe (Harry Potter), Emma Watson (Hermione Granger) at Rupert Grint (Ron Weasley). Syempre, hindi maaaring mawala si J.K. Rowling, ang author ng 7-book series na Harry Potter. Syempre, kahit na inabot ako ng alasdos ng umaga sa kapapanood at kahit na super slow ang internet connection, nakakainis at nakakapikon, hinabaan ko na lang ang pasensya ko. Kelangan lang talagang makapanood ng live premiere ng pinakakaabangang pelikula sa mundo. IT ALL ENDS 7.15. Oo na, ako na ang Harry Potter fan. ♥

July 9

July 9

Printscreen ulet. Google Hangout. Dati, nung wala pa ang G+, lagi akong may kakulitan na mga bloggers sa Twitter at YM. One time, nagkaroon ng YM conference. Ang saya lang. Nagkaroon ng online EB. Ngayong meron nang G+, syempre kaming mga pinuno ng kalokohan (special mention ko sina Carlo at Iya) ay sumubok ng G+ Hangout. At eto ang resulta. Booyeah! Yung ibang bloggers, hindi makapasok dahil hindi natatanggap ang hangout invitation. Yung iba naman, nawawala na lang bigla, disconnected. Swerte ko ata that night kasi hindi nag-crash yung Google Talk plugin kaya pasok sa hangout. Syempre, nasa beta pa ang G+ kaya medyo dami pang kelangang ayusin. At kaya nga pasok kami sa field trial nito para i-test ang G+ at magpadala ng mga feedback.

Yung 2nd image, hangout ulet with Joel and Bon. But wait, asan ba si Bon Talampas? LOL. Wow! Sa wakas, nameet ko rin si Batang Mangyan. Ang seryoso, ano? Na-starstruck yata ako. Iilang bloggers lang kasi yung mga iniidolo ko. Isa na dito si Joel Matira. Ewan ko lang, nakaka-intimidate sila. Can’t wait to meet Joel sa November. Papalibre ako sa Jolibee ha.

Ayan. Next time ulet! ♥

§ 27 Responses to July 7-9

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading July 7-9 at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: