July 10-12

July 13, 2011 § 16 Comments

Next. :)

Promise. Hindi ko nakalimutan na meron akong dapat i-publish na Project 365 post ko. Kaso lang, nung Monday, nagkaroon ng aberya. Basta, explain ko na lang mamya sa ibaba.

July 10

Walang masyadong happening nung Sunday. Tambay lang sa bahay. Basa ng libro at internet. Pero natatandaan ko, ang ganda ng sikat ng araw that Sunday. Ilang araw din kasi medyo naging cloudy ang kalangitan kaya na-appreciate ko masyado ang sunlight. Hihi. Ayan, naisipan ko lang kunan ng ilang pictures ang aking mga “ground orchids”.

July 11

Printscreen! Di ko kasi alam kung panu to kunan ng picture. lol. Sunday evening kasi, hindi talaga ako dinapuan ng antok. Hanggang sa tumilaok na ang manok, hindi pa rin ako natutulog. Kaya nang lumindol alas5 ng umaga, naramdaman ko kaagad. Bigla yata akong nagka heart attack. Hindi naman masyadong malakas ang lindol, pero ramdam na ramdam ko ang paggalaw ng lupa. Lumabas na ako ng kwarto at ginising ang mga kasamahan sa bahay. Tumagal kasi nang halos… isang minuto yata.. o sobra pa.. ang lindol. Tambay lang kami sa sala. Wala namang nag-panic, thank goodness. Nakiramdam ang lahat. makalipas ang ilang segundo, tumigil na. Lahat kami, nakahinga ng malalim.

July 12

Martes. Wala nakong internet. Tinawagan ko yung opisina ng network provider.. Sabi, nang dahil daw sa lindol, nagkaroon ng problema. Nasira raw yung cable nila at kung anu-ano pang churva. Pero ginagawa na raw nila ang lahat para maayos na kaagad at maibalik ang serbisyo. So ako naman, okay. Wala naman akong magagawa. Meron pa naman akong smartbro. (Super-bagal nga lang. Spell Smartbro. S-L-O-W!) Nakakapikon, pero hinabaan ko na lang ang pasensya ko. Akala ko yun lang ang ikaka-badtrip ko. Meron pa palang mas malala. Pinasok kami ng magnanakaw.

Ang negosyo namin kasi, isang boarding house/canteen para sa mga estudyante ng University of the Philippines in the Visayas. Malapit lang kami sa University campus/dormitories, kaya napabilang na rin kami sa listahan ng dormitories ng nasabing university. Uhm, anyway balik tayo dun sa nakawang nangyari. Hindi ko na idedetalye ang lahat, pero yung picture na nasa itaas, yan ang padlock na sinira ng magnanakaw. Lahat ng pera na nasa loob ng wallet ng estudyante ay kinuha. Kinausap ko ang mga nagre-rent sa floor na yun, at ipaalam sa kanila ang nangyari. Hindi kami pwedeng magturo kung sino ang may gawa. Wala kasing prweba. So ang magagawa na lang ng lahat, mag-ingat. I-secure ang ga gamit, lalo na ang pera at wallet. Huwag basta-basta magpapapasok ng tao sa loob ng kwarto. Pag lumabas ng bahay, make sure na naka-lock ang kwarto. At kung merong extra locks na ginamit, dapat yung heavy-duty lock. Hindi yung pareho ng nasa itaas na parang kay-dali lang sirain. Haaay. Sa loob ng 19 years, ngayon lang nagkaroon ng nakawan sa boarding house namin. Ngayon lang. Tsk. Siguro nga, there will always be a first time.

Hmm.. so next time ulet.

Tagged: , , , ,

§ 16 Responses to July 10-12

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading July 10-12 at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: