Sophie Labandera

July 23, 2011 § 18 Comments

Ang cute talaga ng pamangkin ko. Mana sa Tita.

Kahapun, ang aga-aga kong nagising. Siguro mga 5am, gising na ako. Achibment na yun, kasi usually alas8 ng umaga, naghihilik pa ako. Haha. Eniwei, yun na nga. Alas5, gising na. Naligo. Nagbihis. Maka-ilang beses rin nag-try ng mga damit. Nagpulbos. Nag lipgloss. Nagkape. Nag-skyflakes. Tapos, lumabas na ng bahay at nag-abang ng sasakyan.

May lunch date kasi ako. Ayiiiii. Lunch date. Hihihi..  eherm! Ayokong ma-late. Iwas traffic din kapag morning. Kaya 6:45am palang, on the way na ako papuntang city.

Excited?? Hindi ah. Hindi ako excited.. anokava?

Mga 7:30am palang, nasa city na ako. Super aga pa for the lunch date…. OBVIOUSLY. Haha. (Hindi ko ikukwento dito ang aking lunchdate. Baka kasi ma-jinx. Kaya wag muna. Secret na lang muna yun. Basta ang masasabi ko lang, abot tenga ang aking mga ngiti. Hihi. Kinilig ang buong spinal chord ko, from top to bottom. Haha.) Kaya diretso muna ako sa bahay ni Kuya. Mangungulit muna ako dun sa cute-cute kong pamangkin.

Pagdating ko, kakagising lang ata ni Sophia. Hindi nya ako pinansin. Ayaw pumunta sa akin. Isnab ang byuti ko. Haha. Pero after a few minutes lang, tinawag na ako. “Tita Nene!” at nagsimula nang maglambing..

Dami kaming napag-usapan. About life, work, lablayf, politika.. hehe.. dyowk. Kumanta lang kami ng ABC, tsaka nung song na “Five Little Ducks”. In peyrness, maganda ng boses ng pamangkin ko ha. Tsaka magaling ding sumayaw. Talented. Sabi ko nga eh.. mana talaga sa Tita.

Natawa ako sa isang conversation namin. Ganito..

Ako:  Wow, ang ganda naman ng damit ni Sophie. Meron pang belt. Sino bumili?

Sophie: Nanay.

Ako: Eh nalabhan na ba yan, o fresh from the rack pa?

Sophie: ‘Labhan. (Nalabhan)

O kitam. Naintindihan ang English ko. Gifted. Lels.

Mai-mai (Yaya): Tita Leah, alam mo bang marunong nang maglaba si Sophie?

Ako: Wow, really? Kaninong mga damit, baby?

Sophie: Iya. (Ysa) Nanay.

Ako: Wow. Ang galing naman!

Pumalakpak ako, sabay halik sa pisngi. Very gifted talaga ang pamangkin ko. Manang-mana sa Tita! Lels. Wag nang kumontra, pipol.

Mai-mai: Sophie, pag matanda na si nanay at tatay mo, sino ba maglalaba ng mga damit nila?

Sophie: ‘Ko. (Ako)

Mai-mai: Eh yung damit ni Ysa?

Sophie: ‘Ko.

Mai-mai: Kaninong mga damit pa?

Sophie: Lola. Lolo. Tita Nene. Tito Bim.

Ako: Wow! Pati mga damit ko, ikaw maglalaba baby? Aww. Lab na lab ka talaga ni Tita. Hehe..

Mai-mai: Konti lang naman mga damit ni Tita Nene. Kay Ysa, konti rin. Lolo at Lola, konti rin. Kaya kayang-kaya yan ni Sophie.

Sophie: Uu.

Ako: Eh pano yung mga damit mo, Sophie? Busy ka sa kalalaba ng mga damit namin, sino maglalaba ng mga damit mo? Andami ka pa namang mga damit. Sa amin, konti lang. Ikaw, madami. Sino maglalaba ng mga damit mo?

Tumahimik muna sya ng ilang sandali. Napaisip na rin siguro, “Ay oo nga anoh?”. Haha. Afer 10seconds siguro, inulit ko ang tanong. At syempre, meron nang sagot si pamangkin.

Ako: Sino maglalaba ng mga damit mo, Sophie?

Sophie: Mai-mai.

Hahahahaha!!! Sya maglalaba ng mga damit namin, pero meron naman pala siyang labandera. Nyahaha!! Wais na bata. Hehe.. Sasabihin ko nang paulit-ulit.. manang-mana talaga sa Tita. Lels.

Tagged: ,

§ 18 Responses to Sophie Labandera

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Sophie Labandera at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: