Hay, buhay.

July 28, 2011 § 34 Comments

Ang buhay nga naman.

Minsan, napaka unfair lang. Meron kang gustong marating, maaabot, maangkin … pero kahit na anong gawin mo, hindi mo pa rin ma-gets. Minsan, akala mo magkakaroon ka na ng happy ever after dahil nalampasan mo ang isang test, hindi pa pala dahil meron palang average at difficult rounds.

Tao lang naman ako, nakakaramdam rin ng inis at pagod.

Pero siguro nga, ganun ang buhay. Parang siyang bato – it’s hard. Punong-puno ng pagsubok. Problema here, problema there. Pero alam ko, malalagpasan ko rin ang mga ito. It’s just mind over matter daw.. Sabi nga ng isang wise guy, “Do not problem the problem because the problem will just problem you.”

Hmm.

Kaya ako, pag may problema.. SMILE lang. Ayoko masyadong problemahin. I just take a step back, analyze the situation and then find the best solution. Kapag feel ko hindi ko kayang i-solb mag-isa, I ask for help. Hindi naman ako makukulong sa Bilibid prison if ever I ask for help, diba? It’s not a crime kaya.

Kaya madalas, nasasabi ng mga kakilala ko “Uy si Leah, ang swerte. Parang walang pinoproblema.”

Weh? Walang problema? Sino bang tao ang walang problema?

Depende na lang siguro sa diskarte yan. Sa paniniwala ko kasi, kapag masyado mong didibdibin ang problema mo, lalo ka lang malulunod dito. Step back muna at pag-aralan ang sitwasyon. Lahat ng problema, may solusyon. Lahat ng nangyayari sa buhay, may rason.

Hmm. Ang lalim ng mga sinabi ko. Eto lang naman ang gusto kong ishare.

Minsan, kailangan mo ring matutong pagtawanan ang sarili mo.

The ability to laugh at ourselves allows us the opportunity to embrace our flaws, and promotes self-acceptance. It does not include harmful putdowns, ridicule or negative sarcasm. Nor are we advertising that we are defective, rather we are demonstrating that we are human.

Oh ha! Dito galing yan.

Dami ko lang problema these past few days. Kaya kanina, naisipan kong lang gawin ang ganito. And guess what, it worked! Meron na akong nakitang solusyon sa problema ko. Oh kitam. Minsan, kelangang mag-chillax nang konti, tingnan ang sarili at tumawa. Todong tawa.

Stupid bah? Eto lang masasabi ko.

I may do stupid things, but I am definitely NOT stupid.

Aytenkyu. Bow.

Tagged: , ,

§ 34 Responses to Hay, buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Hay, buhay. at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: