Trip ko to.

August 16, 2011 § 28 Comments

Achib!

Naalala ko lang. Naisulat ko dun sa English blog ko yung New Year’s Resolution 2011 list ko. Nakasulat dun  – “I want to travel more.” Sa totoo lang, nung isama ko yun sa listahan, hindi ako sigurado kung magagawa ko siya. Unang-una, sobrang mahal ako ng nanay at tatay ko eh. Yung tipong, ayaw akong magbyahe mag-isa kasi andaming masasamang nangyayari at masasamang tao sa mundo. Natatakot sila na baka kung anong mangyari sa akin kung magbyahe ako mag-isa.

Naiintindihan ko naman. Aktwali, tats na tats ako. Ibig sabihin lang nun, they really really (repeat until fade) care. Pero syempre, hindi na ako bata. Nemen!! Malapit nang mawala sa kalendaryo ang edad ko, mother dear. Kaya ayun, nagkaroon ng heart-to-heart talk. Eh sabi ko sa kanila, kelangan ko to.

I need this, mommy.

Charot!

Explain-explain ako.. Sabi ko, kelangan kong mag-explore. Kung madapa man, babangon lang ulit. Kung magkamali man ako, et least matututo ako. “I got stinky, I got dirty.. But see, I learned.

Batang NIDO. Lols.

Happy lang ako kasi todo-suporta din yung dalawa kong Kuya. I love yah, my brothas!

Sa ngayon, meron pa ring konting hesitations. Naramdaman ko pa rin yung mga hesitations nila nung nagpaalam ako.. “Nay, luwas muna ako ng Davao ha. Magwi-witness lang ng Kadayawan Festival dun.” Tapos, eto na naman yung Manila trip. Tawag sa phone “Nay, gagala lang ng ilang araw sa Manila ha. Uuwi lang ako agad.” Ramdam ko, parang gustong magreact ni nanay. Pero ayun, pinayagan lang ako. Mag-iingat raw ako lagi. Tapos sabi, magdala raw ako ng baby powder lagi kasi mainit sa Kamaynilaan. Aw.. ang cute talaga ng nanay ko. hihi. Sasagutin ko sanang “Tag-ulan kaya ngayon, nay..” Pero shut-up na lang ako. Bibigyan raw nya ako ng pocket-money para dagdag panggastos pero syempre, tinanggihan ko na. Kakahiya naman.. Lakwatsa ko to eh.

Si tatay naman, humingi talaga ng detalye. “Anong oras ang flight? Sino susundo? Sino kasama mo? Saan ka titira?” Hehe.. Instant interview?

Ang cute talaga ng mga magulang noh? Hihi..

Syempre, sinagot ko naman si tatay. Sabi ko.. “Maghahanap po ako ng bagets sa Kamaynilaan, tatay.. Kaya huwag kang magtaka kung sa pag-uwi ko, meron nakong bitbit na boylet. Oki?

Hahaha! Joke lang. Aktwali, yun na nga sana ang isasagot ko. Pero knowing my dad, baka ma heart-attack yun kaya sumeryoso na rin ako. Sinagot ko nang tama yung mga tanong ni father dear.

Happy lang ako ngayon.. Achib na achib ko ang isa sa mga naisulat sa listahan ng NY Resolution ko. Talaga lang. Dati, hanggang Panay island lang ako eh. Ngayon, Mindanao at Luzon na. Sana next time, makapag-tour sa Asia at Europe. Hihi. At syempre, Disneyland USA. ♥

Tagged: ,

§ 28 Responses to Trip ko to.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Trip ko to. at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: