Davao (20-21)

August 21, 2011 § 35 Comments

Davao, here I come. ♥

Alas3 ng hapon. Agosto 20. Bago pumunta ng airport, nagpa picture-picture muna. Ayan.. parang pupunta lang ako ng abroad noh? Kumpleto ang family sa paghatid sa akin. Char. Lols.

3:30pm, nasa airport na ako. 5:30 pa yung flight ko pero 3:30 palang, andun na ako. Hindi naman halatang excited ano? Lols. Eh kasi sabi, dalawang oras bago ang flight, dapat andun na sa boarding area. Eh good girl lang naman ako, just following instructions. :P

Boring sa loob. Buti na lang merong internet. Ayun, naghanap ng pwede kong kulitin sa Twitter at Facebook. Pagkatapos ng isang oras, nakaramdam ng gutom kaya pumunta sa isang food/snack booth dun at bumili ng makakain. Dollar ang presyo ha.. mahal nang slight. Pero sige, keri lang. Nagugutom eh. Hihi.

Ayun. 5:25 na. Boarding na.

Puno ang erplen. Occoupied ang lahat ng seats. Okay naman ang flight… Medyo namutla lang ako nang konti nung pumasok na yung plane sa Davao area. Lakas kasi ng ulan. Nagkaroon ng konting turbulence. Hay. Nakahinga nako ng maluwag nung mag-touchdown. Di ko namalayan, I was holding my breath pala. Tsk. Charged to experience na lang to.

Sa arrival area, sinalubong ako ng isang magandang binibini. Binigyan ng brochures tsaka ng libreng punch.. Hindi suntok, kundi fruit punch. Lols.

Pagkatapos magpa-picture, lumabas nako. Nakita ko naman agad sina Tita. Sinundo nila ako ih. :) Pagdating ng bahay, nagkakumustahan muna.. nagkakilanlan. First time ko kasing makapunta ng Davao kaya hindi ko pa nakilala yung mga pamangkin ko.

Agosto 21.

Alas8 ng umaga, meron kaming usapan ni Anciro (Tolits) Romana na mag-meet sa San Pedro cathedral. Syempre, Pinoy tayo. Uu, late na akong dumating. Lols. Kasama ko ang aking dalawang pamangkin…

(… mga bodyguard. Binilin kasi ni Tatay kay Tito na wag akong paglakwatsahin nang walang kasama. Hay. Ano ba yan.. Hirap maging bunso. Hirap maging unica-iha. Bantay-sarado. “Ang sarap maglayas.” Ilang beses ko na bang naiisip yan? Hindi ko naman gagawin pero ilang beses na ring pumapasok sa utak ko. Nakakainis lang. Ano ba tingin nila sa akin – isang bata?)

Anyway.. going back. Na-late kami ng isang oras siguro. Buti na lang, ambait-bait ni Tolits. Hindi siya nagalit. Wiiii!! Hehehe. Pagdating dun, kakasimula lang din ng Floral Parade kaya picture-picture muna ng mga floats.

Pero anong malas naman.. Na-EMPTY ang battery ng camera ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, kasi na-charge ko naman to nang isang oras kagabi. Aw. Biglang nawala ang energy ko. Nemen! Minsan lang ako nagkakaroon ng chance na ma-explore ang Davao, dun pa na-empty ang battery? Kung kelan naman daming plano, dun naman nagloko.

Sad.

Waley. Napagdesisyunan na lang na gagawin ang lakwatsa bukas (Agosto 22). Mas okay din, kasi mas madami naman ang makakasama. So yun na.. bukas (Agosto 22) na lang kami lalakwatsa nang tuluyan.

In the meantime, sayang naman ang oras kung uuwi na lang din kami sa kadahilanang walang camera. Lols. Though medyo sad ako, sige okay lang din. Ganda naman ng camera phone ni Tolits. Kaya ayun, gala na lang kami sa “downtown”. Habang naglalakad, dami pang mga floats ang nakita namin. Iba’t ibang konsepto, iba’t ibang istilo. Ang gaganda.

Pero yung nakakuha ng napakadaming palakpak dun, eh yung float na sakay si Coco Martin. Ang gwapoooo!! Haha!

Hindi ako fan.. pero inaamin ko, napatili rin ako sa kilig. Nagkasalubong pa naman ang mga mata namin. Hihi. Charot! Nahawa ako sa kakiligan ng dalawang pamangkin ko.. mga tinedyers kasi. Kaya ayun, nadala rin..

Ang layo pa ng nilakad namin. May isang kilometro rin yata. Kakapagod. Pagdating sa isang kanto, sumakay na kami ng dyip papuntang Abreeza, isang bagong bukas na mall dito sa Davao. Lunchtime na rin kaya diretso na kami ng Ranchero, as suggested by Tolits. Medyo pricey ang food dun, pero masarap. Sulit ang bayad. :)

Nagkita kami ni Unnie after ng lunch. Kasama nya ang mommy nya na isa rin palang Ilongga. Binigyan pa kami ng ramen. Oh ha! Ang cute ni Unnie! Aw.. Kakainis lang tlga, wala akong camera kaya wala akong picture nya. Well, meron kaming ilang shots together, gamit ang camera ni Unnie. Hihingi na lang ako sa kanya ng kopya. Hehe.

Pagkatapos, pumunta na kami ng Magsaysay Park. Bago kami pumasok dun, eto na at nag-dare si Tolits na kumain ako ng Durian. Eeeek! Okay, sige. Hindi ako kumakain ng durian eh. Na-try ko nang kumain ng durian kendi, at hindi ko nakaya ang amoy at ng lasa. Eh yung prutas na durian? Hindi pa tlaga.

Ayan na. Dare. Sige.. I accept. Tikim lang naman ih. Lols.

Bumili si Tolits ng isang maliit ng durian. Binuksan, hiniwa at inilapag sa gitna ng lamesa. Kumuha ako ng isang piraso.. tinikman. Ookkkaaaayyy.. Ayoko. Hahaha! Hindi ko type. Lols. Wala silang choice. Inubos nila ang natitirang durian. Sunod, pinatikim naman sa akin yung Marang. Dare ulit. Tinikman ko.. pero wala rin. Hindi ko rin type. Hehe.

Ako na ang pihikan.

Pagkatapos ng ilang minutong chikahan over durian and marang, pumasok na kami ng Magsaysay Park. Pagkatapos ng paglilibot ay nagdesisyun na rin kaming umuwi.

Kakapagod ang araw na to. Pero ayos lang dahil enjoy naman. Bukas ulit. Full-charged na yung camera battery ko, so full-charged na rin ang energy. Lols. Mas madami na bukas ang makakarating at makakajoin kaya mas EXCITING! Wiiii!!

Can’t wait. ♥

§ 35 Responses to Davao (20-21)

  • Mai Yang says:

    wow! have fun =))

  • anciro says:

    nakakaaliw naman………………….

  • kikomaxxx says:

    hahaha sayang naman at nacancel./.. te bukas gabi na siguro ako makakapunta.. hehehe

  • ansaya :) waiting mode bukas ulit

  • -=cuteberl=- says:

    nice leah… galing…

  • EngrMoks says:

    Naks nanood ka pala ng kadayawan festival ba yun? Daming artista ngayon dyan di ba?Lalo n nung friday sa abreeza mall. Nalaman ko lng sa ASAP. Lol

    • Leah says:

      Opo ser Moks.. :) yes, dami artista. Andito rin ata kanina sila Enchong Dee tsaka yung cast ng Amaya (GMA).. pero yung naabutan lang namin eh yung float nina Coco Martin. hehe.. :)

  • Jewel says:

    Ang saya! :) parang nag Sinulog ka na rin :) at nandun talaga si Coco :) ikaw na rin ang naka purple na chucks! :)

    • Leah says:

      Hehe.. Hello Jewel. May plano rin ako punta ng Cebu for Sinulog.. kaso wala akong kakilala dun.. depende na lang. Sana matuloy din ako dun.. Oh yeah, me and my purple chucks! hihi..

  • Yow says:

    Anu yung marang? Gusto ko pa naman tikman ang durian, bigla ako kinabahan. Hahaha. Yan pala si Kuya Anciro. At taga Davao pala si Ate Unnie? Wow. Ikaw na turista ate. haha

    • Leah says:

      Yung marang.. parang.. langka lang din yung hitsura nya. May amoy din.. slight.. Yung lasa naman, ewan. hahaha! Medyo matamis.. Pihikan lang tlga ako..

      Yep, sa Davao si Unnie.. pero lahing Ilonggo sila. Yung mama nya is from Bacolod City. :)

  • BinoBino says:

    wowwowowow nagkita kayo ni unnie? ba’t alang picture!!! si anciro oh! lol kita kits sa sat leah :D

    • Leah says:

      Oo, nagkita kami dun. Wala akong camera kaya hindi ko sya nakunan ng picture. pero meron dun sa kanyang camera.. Tag lang kita pag nakuha ko na.. :) Kitakits sa Sabado! :)

  • Sey says:

    wow, inggit much ako! hehehe. akala ko yung unang picture yung family ng tito mo sa Davao, kaya ang itatanong ko sana, bakit kamukha ng iyong mader iyong nasa picture, hehehe, sila pala yun. Hinatid pa, sarap maging bunso yun nga lang, mahirap pag gala time, ako din dati palaging may chaperon.

    Kaya natatakot akong sumakay ng airplane, feeling ko double dead ako pag nagkabagyo sa taas at nagka-aberya, siguro dapat na akong huminto sa pag-inom ng kape. hehehe.

    ganda ng mga float nila. artistic pagkakagawa. Pero si coco, gwapo talaga, Awwwww! (insert kilig here).

    Another bunch of experience ulit yan….mga bagay na dadalhin natin habambuhay.

    At ang pinaka-masarap sa pagiging blogger, and ma-meet and ibang bloggers. Breathtaking kasi pag nakita mo sila parang ang tagal mo na silang kilala.

    Ingat sa lakwatsa. hehehe

    • Leah says:

      Hehehe.. yun yung family ko. Nanay, tatay, mga pamangkin.. complete ano? Parang ihahatid nga ako sa airport kasi pupunta nako ng ibang bansa. Lols.. yun, kakainis lang.. laging may chaperon. Naka!

      Ganda tlga ng mga floats.. Inis lang kasi walang camera. hay. sayang yung pagkakataon.. pero okay lang. tapos na. Yes, super gwapo ni Coco martin. hihi..

      Thanks, Ms Sey.. hehe.. :) ingat din u palagi.

  • empi says:

    Good girl ka nga. Hehehe!

    Aba! Pa travel travel na rin. Hehe

  • Mareeyah says:

    Can’t remember kung nakatikim na ako nga durian na fresh fruit talaga… stinky yun. Pero yung marang, kaya ng powers ko kainin.. as in kayang kaya. Marami akong nakain… May mga marang din naman kasi na benta sa Bacolod, tapos nanay ko mahilig ng fruits, kaya parating bumibili ng fruits… parang naglilihi, buti sana kung magkakaroon pa ako ng baby brother or sister, eh wala na. Wala nang chance talaga… unless kasing tindi ng faith nina Abraham at Sarah sa Bible na 90 na, nagkababy pa. Toinks.

    • Leah says:

      Hehehe.. Keri ko naman yung marang, nakailang subo rin yata ako.. pero nagtagal, wala na. Hindi ko talaga type. hahaha!! pihikan yung mga taste buds ko, ate marie. hehe..

  • mommyRazz says:

    ang cute ng pagka upo mo sa airport.. hehehe.. parang nasa bahay ka lang, i love it!!!!

    waahhhhh nakita mo lovefren ko!!! i miss him..♫ kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang si Coco Martin..♫ :p

    More picture pa Ms. Leah

    • Leah says:

      Lols.. Parang tumatambay lang po sa bahay.. ano mommy? hehe.. Uu, kitang-kita ko siya mommy. Gwapo nga. hehe.. Wala nga po akong camera mommy. na-empty po..

  • Coco Martin says:

    ehh. bagay kayo ni tolits! hahahah!

    sabihin mo sumama sya next week sa gimik natin. =)

    PS: natawa ko dun sa punch na binigay sau. akala ko sinuntok ka talaga! LOL

    • Leah says:

      Lahat na lang, binabagayan ko. Hahaha!!! Hello Coco Martin. Charot! Hihihi.. Aw, ilang beses ko na ring ininvite.. Wrong timing daw kasi, medyo alanganin sa budget. :)

      Haha.. Uu, nilapitan ako ng magandang girl then sabi.. “Miss, u want some punch?” Wahaha!! Hinahamon ako ng suntukan? lols.. fruit punch pala. :P

  • diamond R says:

    Gamit ang bagong shoes wohhh. Masarap ang durian at marang bakit di mo nagustuhan?

    Siguraduhin mong maayos ang pagkaka saksak mo ng charger madalas mangyari sa akin yan. akala ko full load na yon pala hindi.Malaking bad trip yan sa gala.

    • Leah says:

      Opkors Kuya. hehe.. Hindi ko nga po maexplain.. pero hindi ko lang talaga type yung lasa. Pihikan po ako sa pagkain eh.. pero ang taba-taba ko naman. hahaha!! Hindi ako kumakain ng balut, isaw, dinuguan.. etc.. yung sa prutas naman, langka, durian.. ayaw ko tlga. :(

      Oo nga po. nagulat lang ako, na-empty sya agad. Kakainis tlga.. :(

  • kikilabotz says:

    wow naman, nung nagpunta rin ako ng davao nakipagmeet din si unnie eh

    • Leah says:

      Oo.. actually.. akala ko maliit na girl si unnie. Yung petite. Malaki pala.. hehe.. tangkad. Pero super cute. Hehe.. parang magkabarkada lang sila ng mommy nya kung nagkukulitan. hehe..

  • iyakhin says:

    engge ng durian!!!!

  • nice to meet ya leah
    sorry sumaglit lang ako,,,
    sana next tym magkausap naman tau ng matagal kkk,,,
    har har sana nagustuhan nu ang ramen pero alam ko maanghang un haha,,

    see yah next time,,,,

  • duking says:

    wow. masayang trip. ang gaganda nung floats.

    at ang durian…ang durian…

    ang durian na hindi ko pa natitikman…

    ingat, leah!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Davao (20-21) at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: