Davao (22-24)

August 29, 2011 § 20 Comments

Agosto 22.

2nd day of gala. Meet-up place namin sa City Hall. Naunang dumating dun si Tolits, as usual. Hihi.. Most punctual siguro ang honor nito nung elementary sya. Lols. Anyway, hinintay pa namin si Chamz tsaka si CJ. Habang wala pa sila, picture-picture muna kami sa City Hall at Rizal park.

Makaraan ang isang oras, dumating si Chamz. Eh di picture-picture pa ulet. Chickahan na rin muna habang wala pa si CJ.

2 hours later… Dumating na rin si CJ. Tadah!!! Sa wakas. Lols. Ayun.. pinag-usapan na kung saan pupunta. First stop, Crocodile Park. Na-excite naman ako dito.. makakakita ako ng live crocs! Wiiiii! Eh di ayun na, nagbyahe na kami papuntang park. Php150 yung bayad papasok, pero dala na dun yung trip sa Tribu K’ Mindanawan at sa Butterfly Farm. Sulit!

Pagkatapos ng tour sa Crocodile Park, dumiretso na kami sa Tribu K’ Mindanawan. Dun namin nakita yung mga katutubong bahay ng mga taga Mindanao. meron ding munting tambayan dun, isang treehouse. Dun muna kami tumambay nang ilang minuto bago kami tumuloy sa Butterfly Farm.

Sa Butterfly Farm, nakakaaliw. Andaming mga butterflies. Lols.. butterfly farm nga kasi eh. Anovah? Iba’t ibang kulay, iba’t ibang laki. Meron isang butterfly na dumapo sa kamay ko. Achib!! :)

Lakad lang kami nang lakad kaya sa pagkatapos ng paglilibot namin, nakaramdan rin ng pagod. Just think.. Alas-onse na yata yun nung makarating kami ng park, at natapos namin ang paglilibot mga bandang alas3 na. Okay lang din. Mas maeenjoy mo din kasi ang tour sa tatlong lugar nato kung lalakarin mo lang. :)

Hapon na, napagpasyahan naming pumunta sa People’s Park. Sabi kasi ni Tolits, mas okay yung People’s Park sa gabi. Nakabukas ang mga ilaw sa sa mga trees and shrubs sa park, pati na rin yung nasa fountain. Pero syempre, bago yun, kumain muna kami ng dinner. Dun kami sa Tita D’s, isang eat-all-you-can resto. Php120 pesos, pero supersulit. Masarap kasi yung food. Busog!

Busog na. Nakapag recharge na. Alas-syete ng gabi, pumunta na kami ng People’s Park.

Dun na rin namin nameet si Doi, isang travel blogger na taga Cebu. Nagkakilanlan, nagkausap.. at nang dahil sa pag-uusap na yun, nabuo ang planong pumunta ng Samal Island. Akala kasi namin, hindi namin make-keri yung gastusin kung pupunta kami dun. Eh nag-share ng mga tips si Doi. So ayun, we’re back on track!

Bago natapos ang gabi, nagvideoke syempre. Ang galing kumanta ni Chamz at ni CJ. At sa wakas, nagawa rin naming pakantahin si Anciro. Haha! Achib! Natapos yung gabi na lahat eh naka smile. Kung pupwede lang sanag hanggang umaga yung kantahan.. kaso hindi pwede. Naka ilang “last song” na ba kami sa bidyokehan bago kami lumabas ng room? Hihi.

Agosto 23. Tambay sa bahay. Rest day muna. Hehe. nalowbatt ako eh. Kakapagod rin pala yung tuloy-tuloy na gala. Natulog na lang ako. Nagpahinga.

Agosto 24.

Samal Island, here we come. Sumakay kami ng ferryboat papuntang isla. Alas9 na yata yun ng umaga. Pagdating dun, hinintay namin si manong, yung kinontak naming driver ng traysikel. Una naming destinasyon, yung bat caves. Sumakay na kami ng habal-habal (from traysikel to habal-habal kami kasi mas madaling magbyahe kung sa latter kami sasakay).

Papasok palang kami, narinig na namin yung ingay ng mga bats. Medyo mabaho rin yung air.. dala na rin ng kakaibang amoy na hatid ng kanilang leavings. Ayun, pinuntahan namin yung mga caves. Hindi pwedeng pumasok sa loob. Yun sana ang plano namin, kaso sabi ng tour guide, bawal daw. Aww.. sayang naman.

After mapuntahan yung bat caves, diretso na kami sa Hagimit Falls. Ang ganda ng lugar. Napakasimple, napakatahimik. Medyo malayo nga lang talaga sya, may 30-45 minutes rin yata ang byahe (by habal-habal) galing sa bat caves. Kaya nga ang ganda ng tan ni CJ ngayon. Lols.

Dun na kami nagtagal sa Hagimit Falls. Ang sarap lang kasing maligo. Ang lamig ng tubig at very relaxing yung ambiance. Makaraan ang ilang oras, go home na rin kami. Pero hindi pa natapos ang gala namin. Dumaan pa muna kami sa White House bago kami tuluyang umuwi.

Yung White House ay matatagpuan sa taas/tuktok ng isang burol. Overlooking Davao and Samal Island. Ang ganda ng view dun.. Kitang-kita yung Davao gulf. Pagpasok namin sa loob, medyo ingat kami sa paghawak ng mga gamit at paglakad sa sahig. Ang bahay kasi eh a century old na raw. Super old na. Wala syang fee papasok, pero meron syang donation box. :)

Alas3 ng hapon, umuwi na kami. Kakapagod.

Dumiretso kami sa Abreeza Mall para kumain ng lunch ( at 3pm yan hihi) at para maghintay sa pagdating ng isa pang blogger na gusto naming ma-meet.  Dalawang oras na ang nakalipas, wala pa rin kaming alam kung darating ba sya o hindi na. Hindi kasi namin makontak. Eh yung plano kasi, kung dumating siya, pupunta kaming lahat sa Jack’s Ridge. At kung hindi kami matutuloy, eh yung sila Kuya at Ate (cousins ko) with my pamangkin, sila na lang yung sasama sa akin sa pagpunta dun. Wala kaming natanggap na confirmation mula sa blogger kaya nagpasya na lang kami umuwi.

Pero bago yan.. hindi pwedeng walang mga jumpshots. Lols.

Pagdating ng bahay, naghihintay na sina Kuya, Ate at pamangkin. Hehe. Umalis na din kami agad. Medyo malayo din pala mula sa amin yung Jack’s Ridge Resort and Resto. Pero ayun, gusto ko lang talagang puntahan. Namention kasi to ng isang kakilalang blogger, si Joel Matira.. maganda raw dun. So ayun, naging curious na din akong puntahan yung lugar.

At hindi ako nagsisi. Maganda yung lugar.. lalo na’t sa gabi. Kitang kita mo yung Davao. Ang galing! The ambiance is great and the view is superb! :) Yung problema lang that time, empty na yung battery ng camera ko. Hindi kinaya yung buong araw na gala at picture-picture. Kaya ayun, iilang shots lang ang nakuha ko dun sa resort.

Anyway, dun na kami kumain ng dinner. Masarap yung food ha. Hindi ko na alam kung pricey ba o hindi, kasi di ako ang nagbayad. Hahaha! Seryoso.. siguro medyo may kamahalan din nang slight.. Nakita ko kasing naglabas si Kuya ng Php1500 sa wallet nya, eh apat lang naman kaming kumain. Sulit din naman. Masarap kasi. :D

Inenjoy muna namin yung view ng ilang oras. Hindi nga lang kami masyadong nagpagabi kasi kasama namin yung pamangkin ko, eh may pasok pa yun kinabukasan. Mga alas9 siguro kami umuwi. Wala namang problema sa sasakyan kasi merong mga taxi na nag-aabang sa labas ng resort.

Pagdating ng bahay, pagod ako talaga ako. Pero etong si Kuya, iniopen pa yung videoke. Nemen! Panu ba naman ako makakatanggi sa videoke? Lols..

At naka perpek score pa ako nyan ha. Hahaha! Yung kantang “Super Trooper” ng ABBA. 100 yung score ko dun. Woot woot! Napakasinungaling talaga ng videoke ni Kuya.. Lols.

Aaahh. Kakapagod tong Davao trip ko. Dumating ako, August 20 ng gabi. Yung balik ko ng Iloilo eh August25 ng hapon. So 5nights, 5days lang. Ilang araw lang akong nagbakasyon dito, pero feeling nagtagal ako sa Davao ng one week. Pagod sa kakagala.

Sana next time, mapuntahan ko rin yung iba pang lugar.. like GenSan at CDO. Hihi. Sa ngayon, okay na tong experience na to. Nakilala ko yung ilan sa mga Davao bloggers, nakita ko yung mga relatives ko na dun sa Davao nakatira, natikman ko yung  fresh durian at marang,  at napuntahan ko yung mga magagandang lugar ng Davao.

I will see you again, Davao. Just you wait. One day, babalik ako. Mwah!

 

P.S.

Nagpapasalamat ako kena Kuya Raul sa pagtanggap sa akin sa kanilang pamamahay. Medyo busy sila kaya hindi nila ako nalibot nang todo. Kaya nagpapasalamat rin ako nang todo ke Anciro Romana, Tolits for short.. hehe.. sa pagsama sa akin sa paglakwatsa. Thank you na rin kena Cj at Chamz sa pagshare na rin sa akin ng inyong time. Hugs! At sa mga bloggers na hindi ko nameet.. Kiko, Bennix, Jelai at Yuli..  dami pa namang “next time”. I’m sure, magkikita rin tayo someday. :)

Tagged: , , , , , , , , ,

§ 20 Responses to Davao (22-24)

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Davao (22-24) at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: