iBall

August 31, 2011 § 34 Comments

Agosto 26.

Kakagising ko lang nun. Alas-dyes na ng umaga. Napagod sa byahe galing Davao eh, kaya inumaga ng gising. Nasa bahay na ako. Ang sarap talaga ng feeling na nakahiga ka sa sariling kama at kayakap mo ang sariling unan. Ang sarap ng feeling na walang kumakatok sa kwarto mo para ika’y gisingin nang maaga. Ang sarap ng feeling na hawak mo na ulit ang sarili mong oras.

Sabi ko sa sarili ko.. “Tatambay lang ako sa kwarto buong araw. Matutulog. Manonood ng movie. Magpapahinga.” Then bigla kong naisip.. pupunta pa pala ako ng Maynila kinabukasan, early morning ang flight. Hahaha! Eh di postpone muna yung REST. Nemen!

Agosto 27.

Lipad na ako patungong Manila para lang makipagkita sa mga itinuturing kong kaibigan sa Chwirrer at Facebook. Dalawang araw, isang gabi. Nagbigay talaga ng panahon para makasama sa EK at Tagaytay adventure. May mga hesitations ako dahil sa bagyo. Baka hindi matuloy, baka bumaha, baka hindi mag-enjoy.. baka this.. baka that. Ang epal lang talaga ni Mina eh.

Pero sino bang tinatakot ni Mina? Eww. Kasama ko ang isang suplado, isang runner, isang kolsener agent, isang propesor, isang journalist, isang nurse, isang therapist at isang engineer. Oh kitam. Laban kung laban! SUGOD! Si bagyong Mina? Sino yun? :P

Anu-ano ba ang mga nangyari nung Agosto 27-28?

  1. Ang aga kong nagising. Alas4 palng, gising na ako. Eh panu naman, 620 yung flight ko eh.
  2. Inihatid na ako sa airport. 530am, andun na ako.
  3. Umuulan.
  4. Maulap ang kalangitan. Mahangin. Pero hindi na-cancel ang flight. Napa-pray ako nang todo.
  5. Namutla yata ako mid-flight. Grabe ang turbulence.
  6. 730am, nag touchdown ang plane sa airport, terminal 3.
  7. Naghihintay na sa arrivals section ng airport si Mhel.
  8. Medyo na-late nang dating sina Bino at Joshua (Lokong trapik).
  9. Umuulan.
  10. Sumakay ng taxi, pero bumaba rin agad, kasi ang mahal naman ng singil ng driver papuntang Buendia (JAC Liner terminal).
  11. Naghanap at sumakay sa isa pang taxi.
  12. Pagdating dun, hinanap pa namin yung Jolibee kung saan daw naghihintay sina Carlo and the gang.
  13. Hindi namin nakita.
  14. Umuulan.
  15. Sa wakas, nagkita-kita rin kaming lahat.
  16. Si DB na lang yung hinihintay.
  17. Nagbyahe na papuntang EK.
  18. EB attendance: Me, Carlo, Bino, Xander, Mhel, Joshua, DB and Cuteberl.
  19. Sa sobrang excitement, nakatulog yata ako sa  bus. Lols.
  20. Dumating ng EK, siguro mga alas-onse na.
  21. Umuulan.
  22. Libre ni Bino yung EK tickets.
  23. Hinarang sa gate ang dala kong pasalubong.
  24. Nanghinayang.
  25. Sana kinain na lang namin yung biscocho at butterscotch. Hindi pa naman nakapag almusal sina Mel, Joshua at Bino. Nahiya me.
  26. Iniwan na namin yung mga dalang maleta sa locker.
  27. Umuulan.
  28. Sumakay sa Anchor’s Away.
  29. Excited me.
  30. Sumisigaw at nakataas pa yung dalawang kamay. After a few minutes, sumama na ang pakiramdam ko.
  31. Ayoko na ng sumakay. Hindi keri.
  32. Disappointing, pero ayoko ring ipilit. Baka masuka lang ako.
  33. Umuulan.
  34. Sumakay sila ng Jungle Log Jam.
  35. Kami naman, nagpapicture muna kasama si pareng gorilya.
  36. Kumain na kami ng lunch.
  37. Busog.
  38. Umuulan pa din.
  39. Dumating na din si Jay.
  40. Humiwalay kami ni Mhel sa grupo ng mga lalaki dahil kelangang pumunta ng restroom.
  41. Hindi ko na alam kung anu-ano pang rides ang nasakyan nila. Inubos yata nilang sakyan LAHAT.
  42. Kami naman ni Mhel, libot nang libot.
  43. Naglaro me.
  44. Darts. Basagan ng plato. Hagisan ng bola. Patayuin ang bote. Lahat, fail.
  45. Bumili ng pizza.
  46. Kumain.
  47. Umuulan.
  48. Bumili ng kapote.
  49. Jumpshots!!
  50. Sumakay sa Rio Grande Rapids. Ang saya!
  51. Unang ride, basang-basa si Joshua!
  52. Pangalawang ride, ako naman ang tinabunan ng tubig.
  53. Grabe kung makatawa si Josh. Wagas!
  54. Happy Feet.
  55. Wheel of Fate.
  56. Inabutan kaming tatlo (Xander at Carlo) ng signal #3 sa tuktok ng ferris wheel. Eh di, basa! Walang kawala.
  57. Bumili si Berl ng donuts. Yum!
  58. Carousel.
  59. Umuulan.
  60. Lumabas ng EK para bumili ng tsinelas.
  61. Walang makitang mura.
  62. Tinamad nang maghanap pa kaya go na lang ako sa 150.
  63. Alas8 na. Magsasara na ang EK.
  64. Alas9 na kami lumabas.
  65. Umuwi si Mhel kasi medyo masama ang pakiramdam.
  66. Umuwi si Joshua kasi.. eto ang explanation.
  67. “… kasi po nagshare ako sa fellowship namin sa church every sunday. di ba po madaming blessing? sunod sunod mula pagpasa ng board hanggang sa paglipad ko soon? haha. kaya po ayun, sabi ng pastora namin magshare me kinabukasan.”
  68. Umuulan.
  69. Kaming 7, nag motel.
  70. Tatlong kwarto.
  71. Dalawa, dalawa, tatlo.
  72. Lumabas ng rooms para kumain, kaso wala nang pwedeng makainan.
  73. Nag minute burger na lang kaming lahat.
  74. Binigyan ako ni DB ng isang Kapamilya pin. Wow. Ayabyu, DB!
  75. Bumalik ng motel at nagkaroon pa ng konting chikahan.
  76. Binigyan ako ni Carlo ng VS Body Mist at ng Mickey Mouse picture holder, imported from HK. Aw. Ayabyu, Carlo!
  77. Alasdose. Natulog na.
  78. Ang lakas palang humilik ni Xander.
  79. Parang tuod kung matulog si Bino.
  80. Alas4 ng umaga. Nagising, naligo, nagbihis, nag-ayos.
  81. Alas5. Checked out.
  82. Papunta na ng Tagaytay.
  83. Hindi na sumama si Jay kasi meron pa syang trabaho.
  84. Grabe ang antok ko.
  85. Nakarating ng Tagaytay… ang lamig!!!
  86. Unang pinuntahan yung Picnic Grove.
  87. Bumili muna ng hot choco sa Burger Machine.
  88. Kumain na rin ng taho.
  89. Nagka-rashes si Carlo nang dahil sa taho.
  90. Naglibot-libot.
  91. Kumain ng late breakfast sa Alamat Restaurant.
  92. Daming inorder. Natandaan ko lang talaga yung masarap na bulalo.
  93. Walang kapagurang picture-taking.
  94. Pumunta ng People’s Park.
  95. Mahamog.
  96. Nag FOGGING kami. Lols.
  97. Ang kulit ng buhok ko. Mahangin sa labas. Kelangan kong bumili ng scrunchie.
  98. Binigyan kaming lahat ni Cuteberl ng friendship keychain. Aw. Ayabyu, Berl!
  99. Bumaba na.
  100. Sumakay ng traysikel patungong sakayan ng bus papuntang Manila.
  101. Hindi naman kami sa terminal ng bus bumaba. Lols.
  102. Nakasakay pa din naman, opkors.
  103. Nakatulog sa bus.
  104. Bandang alas3 nang dumating kami sa Pasay.
  105. Eh di babay na sa lahat.
  106. Nagtaxi ako papuntang airport, terminal 3.
  107. Pumasok na sa loob at naghintay ng flight.. 620 pm.
  108. Biglang nakaramdam ng lungkot.
  109. Inantok, kaya natulog.
  110. Napasarap ng tulog, hindi ko namalayang boarding na.
  111. Maayos ang flight pauwi.
  112. Sinundo ako ni Ate sa Iloilo airport.
  113. Pagdating sa bahay, nagtimpla ng kape.
  114. I MISSED COFFEE!
  115. Pagod.
  116. Natulog.

Ang saya lang ng EB. Hehehe. Gusto ko pa ulet! Lols. Medyo magastos pero okay lang, keri! Sabi nga ng kanta.. “Forget about the price tag!“. Kelan ba yung next roadtrip? Sabihan nyo ko agad ha at nang makapaghanda. Sana wala nang mga rides, para hindi nako malula. Hiking, trekking and camping, kaya pa. Lols..

Kelangang magpost ng first impression? Lahat naman kayo, MABABAIT!!

  • Bino – Sa lahat ng nakasama sa EB, sya ang pinaka nakagaanan ko ng loob. Siguro dahil nagkita na kami last time (February EB).. or siguro dahil pareho kaming dugong Ilonggo. Wala nang hiya-hiya. Kaibigang tunay.. yung tipong “Kung saan ka masaya, teh suportahan taka.” Hehe. Apir, pare!
  • Xander – Eto naman witty guy na to, 2nd time ko na ring nameet. Dami naming sikretong nashare sa isa’t isa, mga sensitive topics ay kayang pag-usapan nang walang hesitations. Ganyan ang trust. Nagkakaintindihan lang talaga kami ni Xander boi. :)
  • Mhel – 2nd time ko ring nameet si Mhel. As usual, pag magkasama kami, hindi ko napipigilan ang sarili kong magsalita nang Ilonggo/Hiligaynun. Pareho kasi kaming taga Iloilo. Napakasimple ni Mhel. Bilib din ako sa kanya. Hindi sya naapektuhan nung pagsakay namin sa Anchor’s Away. Ang lakas ng sigaw nya. Pero narinig nya kaya yung sigaw ko.. “NANAY!!!!’ Hihi. Hapon, medyo uncomfortable na si Mhel. Masama na pala yung pakiramdam. Aw.. Buong araw din kasi kaming nagpaulan. Tsk.
  • Carlo – Una ko siyang nakausap sa Twitter, then nasundan sa YM. Medyo relate lang kasi ako sa pinagdaanan nya dati – usapang pag-ibig. Ako na ang anging ATE nya. Akala ko talaga nun, suplado sya. Eh hindi naman eh. Prangka lang talaga si Carlo. Tsaka hindi plastik. Kung di ka nya feel, tse ka. Di ko masasabing pagsusuplado yun.. nagpapakatotoo lang.
  • Joshua – Etong batang to.. gwapo na, matangkad pa.. magalang pa, mabait pa. Laging gumagamit ng PO at OPO. Yan ang huwarang batang Pilipino. Lols. Sa una, hindi pa sya masyadong nagsasalita. Nahihiya pa siguro. Lagi ko ngang nilalapitan, tinatanong kung okay lang siya’t napakatahimik nya. Ang sagot.. “Tumatayming lang po, ate.”. At sadyang tumatayming nga. Kalaunan, nagiging madaldal din. Nawala na ang hiya. Hindi ko makalimutan yung halakhak nya. Graveh. Pinagtawanan kasi ako nung tinabunan ako ng ilang baldeng water sa Rio Grande Rapids. Wagas talaga kung makahalakhak. :P
  • Desole Boy – Etong si DB, I like him. Very confident kung magsalita. Hindi ko makalimutan.. nung ido-donate na yung pasalubong ko (for charity daw), sabi nya.. “Wait lang. Kausapin natin yung person in charge dito. Baka kasi pwedeng dalhin sa loob, pero ilagay lang sa locker. Sayang kasi..” Not the exact words he used, pero yun yung point nya. Aw. I find it sweet. And he’s the only one who gave me a warm hug nung nilalamig ako sa Tagaytay. Thanks, DB. :)
  • Cuteberl – He’s very friendly and thoughtful. Nung sumakay lahat sa isang ride (di ko na maalala kung ano yun), nagpaiwan sya para masamahan ako. At lagi nya akong pinapasukob sa dala nyang payong. At sya yung nagbitbit ng plastic bag kong dala para hindi nako mahirapan. At bumili talaga sya ng donuts at nagbigay ng keychains. Sweet!
  • Jay – Huli nang dumating si Jay, pero okay lang. Ang importante, nakilala namin sya. Medyo tahimik si Jay. Mabait, laging nagsa-smile.. pero reserved. Hindi nya ako kinakausap. Hehe.. Nung nasa motsmots naman, ambilis nyang makatulog. Haha! Nagtsi-chikahan palang kami, tulog na ata sya. Hihi.. Cute!

Nag-enjoy ako. Though hindi ko nasakyan ang lahat ng rides, ayos lang. Hindi naman rides yung punta ko dyan sa Manila eh.. kundi KAYO. Naks!

Umepal talaga si Mina sa EK adventure namin, pero wala syang nagawa. Hindi nakansel. Rain or shine. Natuloy talaga ang “maitim na balak”. Sabi nga ng mga wais, diba.. “Kung gusto, may paraan. Kung ayaw, palaging mayrong dahilan.” :)

Hindi naging dahilan ang bagyo. Nagawan talaga ng paraan para maenjoy namin ang aming araw sa EK at Tagaytay. Basa ang damit? May mga dala naman kaming extra. Basa at nadumihan ang shoes? Bumili na lang kami ng slippers. Walang matutulugan? Eh di nag motel na kaming lahat. Baka magkasakit? Eh di iinum ng gamot. :D

It was a very wet but FUN EK/Tagaytay adventure. Sulit yung pagod at gastos. I love you all. Ulitin naten!! ♥

Tagged: , , , , , , , , , , ,

§ 34 Responses to iBall

  • Jhiegzh says:

    Woot… Gusto ko tlga ung first impression part… Kainggit naman ung EB! :)…

  • khanto says:

    consistent description nio sa isa’t-isa meaning na super enjoy ang bonding. :D

    nalula ako sa dami ng happenings at namemorize mo ang more than 100 na events. kaw na. :p

    • Leah says:

      Ay dapat lang na consistent. Mapag-usapan na namin yan, Gelo. Hahaha!!

      Joke. Ang dami ngang happenings eh. Hirap ikwento talaga kaya ayan, naka numbered list lang. Lols..

      it’s me na! :P

  • Bino says:

    hopefully maulit natin ang iball!!! again, masaya ako’t nakilala kita. at nawa’y tumagal ang ating pagkakaibigan. Lab you! :)

    • Leah says:

      Ulitin naten!! Hehehe.

      Aw. Ako din. Masaya din ako’t nakilala ko ang isang Arvin “Bino” Bautista. Ay don’t worry.. tatagal tayo. hehe. Lab you too! :)

  • SeySey says:

    detailed talaga – ang galing. May mga nabasa na rin akong ibang post about the meet up/bonding niyo, oo nga consistent nga ang description niyo sa isa’t -isa.

  • Jay says:

    Detalyado talaga,ang haba,ang sarap basahin hehehe…

    Next time maguusap na tayo.hehehe,nahihiya pa lang ako mag feeling close sau sa personal hehe

    Masaya ako kasi nakita kita at nakilala.
    sa susunod sana marinig ko ang boses mo kumakanta,hehehe.

    Hugsmwahhhh…

    • Leah says:

      Aww.. Sayang nga, hindi kami nabigyan ng pagkakataon na kumanta. Dapat kasi meron kaming videoke session ni Bino.. kaso waley. Umulan eh. hehe..

      Nice to finally meet you, Jay! :)

  • -=cuteberl=- says:

    sobrang salamat… nahihiya ako kasi nagulat ako noong nakipagbeso beso ka… di ako sanay hehehe… SOBRANG SWEET mong
    tao ate… sobrang sarap kabonding. Christian pala si Yow.. hehehe… sa uulitin ate.. sana makasama talaga ako sa ILOILO

    • Leah says:

      Aww.. I’m a touchy feely person kasi cute. I love physical contact.. mapa hug man, kiss.. ewan ko ba. hahaha! Lalo na pag at ease nako sa company ng tao.. yun. When I meet people na medyo nahihiya ako, I usually do handshakes.. pero kapag hindi ako nahiya, hug and kiss na madalas.. hindi na nahihiya.

      Ako na ang walang hiya. hahaha!!

      Yes, pabook ka na at nang makapaglibot ka sa Iloilo. Mas madami tayo nyan sa November. Enjoy natin. :)

  • di ko maiwasan mapangiti at matawa tuwing nagbabasa ako ng blog entries about our iBall.

    ang saya lang. sulit na sulit lahat ng pagod at gastos!

    sa uulitin.. ako ba ulit mag-oorganize o kayo na? hahaha.

    • Leah says:

      ikaw ulit mag organize para walang uurong. takot sayo eh. hahahaha!

      Yep, sobrang sulit ang pagod. Kahit basa, keri. Kahit binagyo, itinuloy. :) Ang gagaling naten! Lols.

      Ulitin naten, Carlo!!! :P

  • Xander says:

    Ang FOGGING ay ang bagong kapalit ng Planking.. hjahahhahaaha.. lol.. try nyo maghabulan sa ilalim ng fogs.. hahga masaya..

  • diamond R says:

    Ang saya ng EB.Panalo.

  • ENGR.MOKS says:

    Ang hectic ng schedule mo Leah… kailngan mo na cguro ng secretary para sa schedule at appointment mo… Sana mameet din kita balang araw

    • Leah says:

      Hehe.. Ser Moks. Hanggang dyan na lang muna ang schedule ko. Sa October naman, Maskara Festival sa Bacolod. Rest muna nitong September. hihi..

      Oo nga po, Gusto rin kitang mameet.. dalawa kayo ni NIna. One of these days.. :D

  • mommy-razz says:

    ang ganda ng pagkakwento mo.. madami ang ulan sa kwento hehe! ang ulan talaga, pero mabuti naman hnd naging sagabal ang ulan sa EB at gala niniyong lahat

  • itsyowtime says:

    Aww… Kacute ng description sa akin. Haha. Sinusulit ko lang yung tawa kasi yun na nga lang ang iningay ko buong araw. LOL. Tsaka happy naman talaga yung rio grande. Hahaha. Gusto ko lang sabihing nageenjoy me.

    Si ate leah na siguro ang isa sa pinakasweet at malambing na babaeng nakilala ko. Totoo pala na ganun ang Ilongga. Haha. Sulit na sulit ang bonding. It was so nice meeting you all. see you again next time. :)

    • Leah says:

      Hahaha.. Oo nga eh, bawing-bawi mo talaga sa tawa mo. Horhor.. Naks! Ganun? Ayiiii.. kinilig naman me nang slight. Lols.. Kaso, baket ba merong pang “Haha” sa dulo.. :P

      Next time ulet, Joshua.. :)

  • anciro says:

    panigurado next ng EB mkakaattend na ang tarsier, ahahah andun na ako sa luzon hahahaha, next week lipad na ang tarsier.

  • empi says:

    agree sa kasabihan! Lol… honestly, na-aapply ko yan. Haha!

  • Jewel says:

    Antaray!! :D Kayo na ang nag EB :D

  • kikomaxxx04 says:

    hahaha ang galing te… memorize lahat.. hahaha

  • Did you list it all down while the events are happening? Grabe sa detalye… hehehehe…

    Kakainggit sa EB… :) It’s always nice to put faces, impressions and interactions to names we meet in the blogosphere…

    Lapit na lang October Ne… :)

    • Leah says:

      Hihi.. Hindi po nong Mark. Yung iba nga po, hindi ko na maalala.. haha.. buti na lang din, andito si Xander, handang tumulong. Yung mga names ng lugar, tsaka yung time, hindi ko maalala eksakto.. :D

      Ayyy!! Malapit naaaahhhhh!!! hihi.. So excited to see you nong! :D

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading iBall at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: