Smile na! ☺

September 23, 2011 § 27 Comments

Isang Minutong SMILE

Sabi nila, hindi lahat ng nakangiti, masaya.

Tama ba? Ewan ko.. Siguro nga.

Pero eto lang kasi, sa aking pagkakaintindi,

Gumaganda’t gumagwapo ang lahat ng nakangiti.

Uuy…. Ngingiti na sya.

Maraming salamat sa mga sponsors nitong SMILE Quotes Contest.

Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeon.

…………………………………………

Ang ngiti ay isang lenggwaheng naiintindihan ng lahat ng tao. Magkaiba man ang salita, magkaiba man ang kulay, magkaiba man ang lahi.. isang ngiti lang, okay na. Ito ay isang lenggwahe na kahit isang sanggol ay makakaintindi. Isang SMILE lang, nagkakaintindihan na.

Pag tayoý naka SMILE, tayoý gumaganda’t gumagwapo. Totoo yun. Kaya nga sa mga photo shoots, madalas tayong binibilinan ng photographer na kapag nakaharap na tayo sa camera, dapat raw ay mag-SMILE. Mas maganda nga namang tingnan yung isang tao na merong isang matamis na ngiti sa labi, kesa sa isang taong lagi na lang nakasimangot.

Kapag tayoý nakangiti, nagbabago rin ang ating hitsura.  Hindi mo na kelangan pang magpa facelift. Hindi na kelangan pang magpa BELO. Ngumiti ka lang, instant makeover na.

Oh ha! Ang cute, diba? Hihi. Kaya SMILE na. Wag nang umarte. Walang gastos. Libre na nga, gagwapo’t gaganda ka pa.

Ehem! Ngingiti na yan….. ☺ ☺ ☺ ☺ ☺

Tagged:

§ 27 Responses to Smile na! ☺

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Smile na! ☺ at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: