Gasolina!

December 7, 2011 § 13 Comments

Isang araw..

Actually, today lang. Hehe. Kakagaling ko lang sa isang gala kasama ang isang espesyal na tao sa aking buhay. Pagod pa. Pero umupo pa rin sa harap ng computer at nagcheck ng Twitter. Yes, ako na! Ako na ang adik. Boo!

Nakita kong online si Gasdude at nagrereply sa kanyang mga mentions. Agad kong naisip ang kanyang pakontest. (Blog anniversary kasi nya.. kaya merong pakontest.) Omegad! Wala pa pala akong entry para dun! Eh nagcomment pa naman ako sa Blog Contest Teaser post nya. Tinease (huh?!) nya ako kung gusto ko daw ba ng 1TB Western Digital Portable Hard Drive! Eh sabi ko “Ow may gulay! I want! I want!!”

Tsk.

Naisip kong padalhan sya ng private message sa Twitter… na ngayon ay hindi na private kasi ishe-share ko na. Sinabi ko dun na baka hindi nako makasali. Wala akong magawang post na worthy na ipasa bilang entry. Nahihirapan ako. Ang hirap gumawa ng entry para sa pakontest nya, Ate Charo.

Nagreply din agad si Gasdude. Oha! Sabi nya, matagal pa daw ang deadline at aabangan daw nya ang post ko. Ay ang galing dumiskarte. Nahiya’t na-pressure naman agad ako.

Kaya nag log out na muna ako sa Twitter. Sabi ko matutulog muna ako at baka pag gising ko, eh bigla akong tamaan ng inspirasyon at makapagsulat na. Ayun, nahiga na ako sa kama… Pero hindi rin nakatulog. Kinulit kasi ako ng aking imaginary friend. Tawagin na lang natin syang si Leah2. Ako kasi si Leah1. Ayun, nag-usap kami.

Leah2: Hoy, Leah1! Musta na you, dear friend?

Leah 1/Ako: Eto.. same old, same old. Matutulog. Pagod eh.

Leah2: Ah. Kumusta naman your business? Your blog life? Your lovelife?

Ako: Mabuti. Maayos. Maganda. :)

Leah2: Ang tipid you mag-answer, mare!

Ako: Yeah. So, there.

Leah2: Uy! Did you make gawa na ba ng entry for Gasdude’s blog contest?

Ako: Hindi pa nga eh. Ang hirap! Wala akong maisip na magandang entry para dun.

Leah2: O-M-G. You’re just being tamad… like, so tamad.

Ako: HINDI AH! Pagod lang ako kaya nahihirapan akong magisip ng magandang akda. Pero hindi ako tinatamad. Gusto ko talagang sumali. Pramis. Hay. Wala akong maipigang creative juice. Hindi ata gumagana ang brain cells ko.

Leah2: Oh, come on. It’s so easy kaya…

Ako: Easy ka dyan! Tse!

Leah2: Truth naman yun eh!

Ako: Oh sige nga? Paano?

Leah2:  The Rules make sabi, “Various ways of expressions are allowed. It may be a short story, poem, song lyrics, essay, letter, testimony, commentary, etc. “. So you write.. like ANY kind of post about whatever. Just be sigurado you make banggit THE word. Be creative. Make it kakaiba. You can upload photos, too. You can have your picture taken sa mga gasoline stations para dagdag points. You make picture-picture there. Wacky shots, serious shots.. if you want jump shot, pwede also. After you do pag-edit your entry, publish it na. That simple.

Ako: Ganun.. hmm..

Leah2: Duh! You make gana the wheels in your brain, sis. It’s getting kalawangin na..

Ako: Charot! Eto na nga! Isa lang talaga yung pinoproblema ko eh. Dapat kasi maipasok ko nang swabe yung theme.. isang salita lang naman yun. Hay, ang hirap. Nahihirapan ako.. pramis. Ako na ang slow!

Leah2: Eh slow nga you talaga, sis. Empty na ba your fuel gauge? Di na ata umaandar your engine?

Ako: Ang harsh mo…

Leah2: You talaga. I’m only kidding! Here kasi oh.. The Rules make sabi (ulet!) “It’s up to you whether you want to use it literally or figuratively.” There you go. Pwedeng mo daw gamitin literally! You make banggit na lang the word, paulit-ulit. Gasolina! Capital G – A – S – O – L – I – N – A! Gasolina! GASOLINA! GASOLINA! Valid entry na.

Ako: Ay! Achib!

Leah2: I KNOW, RIGHT! :)

Happy 4th Blog Anniversary, Gasdude! GASOLINA!

Ito and aking lahok bilang pagsuporta sa pakontest ni Sir Alex. Maraming Salamat.

 “This is my entry to The Gasoline Dude’s Blogversary Writing Contest. I want to win the 1TB Portable Hard Drive!”

P.S.

Walang jump shot sa gas station. Unang picture kasi, FAIL. Nahiya nako.. kaya walang second shot. LOL.

Tagged:

§ 13 Responses to Gasolina!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Gasolina! at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: