TABA 2011

December 8, 2011 § 15 Comments

TABA 2011!

Yay! 2nd year na to! Naalala ko last year, nanominate ako sa dalawang kategorya.. Best in English Blog at Best in Kikay Blog Design. Nanalo ako sa Best in Kikay Blog Design. Wahihi! Kaso di rin nagtagal ang “kikay” design ng blog ko.. Sinimplehan ko na kasi. Minimalist. Pero maraming-maraming salamat sa mga nag-nominate at sa nagboto. Mwah, tsup, slurp!

Anyway, eto na naman ang TABA: Year 2!

Ano ang TABA 2011: The Annual Kalsada Blog Awards. Year 2!

Sino ang namumuno: Zyra Bambico

Ano ang layunin nito: Kilalanin ang mga BLOGGER na karapatdapat tumanggap at umani ng ating masigabong palakpakan. Kumbaga sa pag-aaral – ito na ang RECOGNITION DAY.

Ayos? Sige. Eto na ang aking mga pinili. Sana lahat sila, magka GOLD medal. :)

  • Lifetime Achievement Award

Bino (Damuhan) – Matatag. Eh kasi, 3 years na syang nagba-blog. 3 years and counting…

Kuya CM (From the Dungeon) – Oo. Iniidolo ko siya. Hindi nga lang masyadong halata. LOL.

  • Best Blog Design

Jay (Jay Rulez) – Gusto ko yung blog design nya. Simple lang. Malinis. Parang labang TIDE.

  • Best in English Blogger of the Year

Thank you sa lahat ng nagnominate sa akin. Cyberhugs! Nahiya akong nominate ang sarili ko.. hehe.. Opkors, gusto ko ding manalo. Bragging rights, eh. Hihi. Pero gaya ninyo, meron din akong iniidolo pagdating sa pagsulat ng blog sa wikang Ingles. I nominate Desole Boy. Epistaxis.

  • Best in Filipino Blogger of the Year 

Bino (Damuhan) – Nae-express nya ang sarili sa blog gamit ang wikang Filipino. Ramdam mo ang sigla nya pag masaya. Ramdam din ang poot pag galit. Ramdam ang lungkot pag emo. Ramdam din ang kilig pag inlab. Magaling!

Otep (Libre Lang Mangarap) – Meron syang sariling istilo sa pagsusulat. Nakakaaliw. Nakakatuwa. Babasahin mo mula umpisa hanggang matapos ang post, dahil hindi boring. Mga akda tungkol sa mga pangarap na naabot na at aabutin pa. Magaling!

Carlo (Supladong Office Boy) – Daming nasusupladuhan sa kanya nang dahil sa kanyang mga posts. Pero pramis, hindi siya suplado. Hindi lang talaga sya interesado sayo. LOL. Prangka pero may sense of humor. Magaling!

Lhan (Notbuk ni Lhan) – Nakakapagsulat ng makabuluhang akda gamit ang wikang Filipino. Magaling!

  • Photoblogger of the Year

Anton (Pusang Kalye) – I know LIFESTYLE blog na yung blog ni Senor Anton. Eh bakit ko ninominate? Ang ganda kasi ng mga kuha nya eh. “Jaw-dropping!” Mas maganda siguro pag ako na ang mowdel. Nyahahah! I wish!

  • R-18 Blogger of the Year

Gelo (KhantoTantra) at si Akoni (Kaharian ng Akonilandiya). – Hindi naman bastos. Not suitable for children nga lang. Hehe.

  • Pinaka-Bibong Blogger of the Year

Jason (Jezonhamster) – Busy, pero lagi akong napapa-smile ni Jason. Work sa Manila Bulletin, madaming blogs, Facebook, Twitter, WALKER! Pero di nalilimutang mag-record ng mga sing and dance numbers. ♫ “I’ve got the mooooooves… like jagger”♪♫ .

Anciro (The Backpack Man) – Bibong-bibo si Tolits. Game lagi sa mga lakad. Game sa kantahan. Game sa sayawan. Game sa trabaho. Game sa kainan. Game talaga sa lahat. Paati nga yung pag-exercise sa MOA, kinarir. Haha! Ikaw na, Tolits! :)

  • Pinaka-Teking Blogger of the Year

Boni (Taragis!) – You want useful information on the latest technologies? New gadgets? Computers? Hardware? Software? Get connected. Go to TARAGIS.COM. Technology at its best! Aytenkyu. Bow.

  • Pinaka-Gwapong Blogger of the Year

Dyowel (Bulakbolero) –  Hindi ko pa nakikita to, pero alam kong gwapo. ‘Nuff said.

Marvin (Kwentong Nakaka ni Kikilabotz) – Gwapo sa FB. Gwapo sa Twitter. Gwapo sa blog. Gwapo sa TV. Nang makita ko sa personal, ayun! Confirmed! Gwapo ngang talaga. Artistahin!

  • Pinaka-Fashionistang Blogger of the Year

Steph (Traveliztera) – Do I need to explain pa ba? Fashionista! :)

  • Pinaka-Galanteng Blogger of the Year

Bernard (HIBANG {Tagni-Tagning Ideya}) – SBA Year 3. Then, nilibre ako ng Starbucks coffee. Hehe. Galante! ‘Nuff said.

  • Most Active Blogger of the Year (Blog Category)

Bino (Damuhan) – Active na active. Kulang araw ko pag walang post galing sa damuhan.

Gelo (Kwatro Khanto) – Lagi na lang merong update. Parang wala lang trabaho.. hehe.. Ang sipag!

  • Most Active Blogger of the Year (Facebook Category)

Joshua (It’s YOW Time) – Kulang din araw ko pag walang LIKE galing ke Joshua. Hehe.. Go lang, LIKE mo lang lagi ang mga status updates ko, Josh. :D

Mhelissa (Workaholicgirl’s Blog) – Lagi namang nakaonline sa Facebook, nagkokomento at nagla-LIKE.. pero once a year ang blog update. Ibang klase. Ikaw na, mhelski!

So, there. Eto na ang aking nomination list para sa TABA 2011. Kitakits sa Recognition Day! :D

Tagged: , ,

§ 15 Responses to TABA 2011

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading TABA 2011 at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: