Dedma

January 31, 2012 § 17 Comments

Nakakalungkot.

Yung feeling na akala mo, meron kayong something special na kung tawagin ay “friendship”, tapos malaman mo na mali ka pala. Yung feeling na akala mo, yung pagkakilala’t pagkikita ninyo ay syang maging simula ng mas maganda pang samahan, tapos mali ka pala. Yung feeling na sobra kang nag-enjoy sa company nila at akala mo magkaibigan na kayo forever, tapos mali ka pala.

“Out of sight.. out of mind.”

Yun ba yun? Dahil sa malayo ako, nakakalimutan na ako? Ambabaw naman ata. Hindi ko naman ine-expect na magexert sila nang bonggang-bonggang effort. Isang simpleng HELLO lang naman, okay na sa akin. Yung mabasa ko lang minsan sa isang FB tag or sa isang tweet.. nangangamusta.. okay na sa akin. Meron talagang iba, laging nakaka-alala. Napapangiti ako lagi sa mga messages sa text. Though alam kong group text yun, ayos lang sakin. At least, napabilang ako sa grupo ng tao na pinadalhan nya ng text message.

Ako kasi, very vocal ako. Kapag namimiss ko ang isang tao, sinasabi ko. Siguro nga sila.. hindi lang sila vocal. Sige. Ayos lang.. Kung ganun nga talaga, wala nakong magagawa.

Pareho lang pag nalalasing ang isang tao. Kapag lasing, lumalabas ang lahat – nagiging masungit, madaldal, makulit, maingay. Lasing siguro sila nung magkasama kami. At hindi na sila lasing ngayon. Wala na ring hangover. Balik na sa dating mundo.. sa isang mundo na hindi nila ako kilala. Nakakalungkot lang, kasi nung kasama ko sila, hindi ako lasing.

Dedma.

 

 

 

 

 

Kaya ko ring gawin yun.

 

Tagged:

§ 17 Responses to Dedma

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

What’s this?

You are currently reading Dedma at Ako si Leah..

meta

%d bloggers like this: