Ako

Ako si Leah.

Ako ay anak nina Leonardo at Linda Sayomac. Ang palayaw ko ay Nene. Meron akong dalawang kapatid na lalaki.. sina Leo Paulo at John Carlo. Ako ang bunso at ang nag-iisang babae.

Madalas akong tawagin na isang “spoiled brat” dahil sa ako ang bunso sa aming magkakapatid. Hindi ko naman itinatanggi na spoiled brat ako.. minsan. Pero syempre, marunong din naman akong tumanggap ng mga rejections. Ako ay kasalukuyang nakatira sa Miag-ao, Iloilo. Ako na rin ang nagpapalakad ng aming munting negosyo. Hindi kalakihan ang kita pero mas okay na yun kesa sa walang tinatanggap kada buwan.

Mahilig ako sa mga aso. Sa katunayan nga, meron akong limang alagang aso. Ang tatlo (sina Coke, Rich at Pandabear) ay nasa bahay ng aking mga magulang. Ang dalawa naman (sina Teddybear at Pokeybear) ay kasama ko dito sa bahay. Mahilig din ako sa photography. Nakakahiligan kong kumuha ng iba’t ibang pictures gamit ang aking Sony Cybershot. Gusto ko sanang magkaroon ng isang DSLR Nikon/Canon camera.. pero hindi pa sigurong ngayon ang tamang panahon. Mahilig rin akong manood ng mga pelikula. Kaso nga lang, hindi ako mahilig sa mga pelikulang Pilipino. Kadalasan kasi, parang pare-pareho na ang tema ng pelikula. Mas gusto kong panoorin ang mga international movies, lalo na kapag animated films o dili kaya’y gawa ng DISNEY.

Komplikado akong tao. Minsan, hindi ko rin maintindihan ang aking sarili. Hindi ko lang din alam kung bakit…..

§ 5 Responses to Ako

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

  • Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 1,183 other followers

  • Archives

%d bloggers like this: