Listahan

Bucketlist? Wishlist?

Di ko alam kung ano tawag talaga sa listahan na to. Nakasulat lang naman dito ang mga gusto kong marating, gustong makuha at gustong maabot. Inaderwords, kaartehan lang. Basta, yun na yun!

  1. Sumakay ng eroplano. (After many years, nakasakay ulit ng plane. February 3, 2011 papuntang Manila.)
  2. Pumunta ng Palawan at Cebu.
  3. Bumili ng Canon DLSR camera.
  4. Manood ng PBA live. (Oh yeah. Ginebra game. February 27, 2011. Cuneta Astrodome.)
  5. Sumakay sa kabayo.
  6. Pumunta ng Davao.
  7. Pumunta ng Mambucal Resort. (Kasama si pinsan at mga pamangkin. April 9, 2011)
  8. Makaakyat hanggang 7th Waterfall. (Kasama ang ilang kaibigan, naabot namin ang 7th Waterfall.)
  9. Bumili ng Samsung Galaxy.
  10. Mag-donate ng dugo.
  11. Malasing nang todo. (Hah! Sa Panaad Festival. April 6, 2011)
  12. Gumala sa Mall of Asia. (Bloggers’ Eyeball. February 13, 2011)
  13. Pumunta ng Hongkong o Singapore.
  14. Makapagsex. (Yeah, but my first time sucks… big time. Nakaka-disappoint. Tae.)
  15. Pumayat. Ideal weight. 53 kg.
  16. Pumunta ng Tagaytay. (Yes. February 20, 2011.)
  17. Mag zipline.
  18. Mag skydive.
  19. Makapag picture kasama ang isang athlete. (Uu. With the Ginebra and Alaska players. February 27, 2011)
  20. Mag gym o matuto ng Yoga.
  21. Tumugtog ng drums.
  22. Magkaroon ng conversation sa isang celebrity. (Yep.. with Bianca Gonzales sa Twitter. Yay me!)

Yung iba, na-accomplish ko na. Yung iba naman, nasa waiting list pa. Nakikita nyo naman.. yung iba dyan, naabot ko na. Sana eh maabot o magawa ko rin yung iba. Pero kung hindi, eh okay lang din. Naniniwala kasi akong lahat ay nangyayari na merong dahilan. Siguro hindi lang talaga para sa akin ang adventure na yun. Siguro nasasabi ni Bro na merong mas okay, diba? Example, di man ako makabili ng isang Canon DLSR, eh baka yung nababagay sa akin ay isang NIKON. O hindi ko man makuhang sumakay sa kabayo, baka makakasakay naman ako sa isang shark. Haha.

Eto ang listahan sa buhay ko. Konti lang, ano? Syempre meron pa akong pwedeng maidadagdag dyan. Sabi nga, ang buhay ay very unpredictable. Andami pang pwedeng mangyari at andami pang maaari kong gugustuhing maabot o makuha. Pero sa ngayon, yan lang muna.

  • Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 1,183 other followers

  • Archives

%d bloggers like this: