Otep

December 1, 2011 § 14 Comments

OTEP’s the name.

To all of us who write blogs, it is already an honor to be considered, much more chosen na maging finalist sa isang category for the PBA. Nakakakilig na nakakakaba. Who wouldvé thought.. of all the blogs in the Philippine blog world, there are people who see something in you and your blog, tapos ninominate ka. Nakakatats. Nakakataba ng puso.

Isang pangarap na natupad.

My story. I started blogging, August of last year. I was bored, and I wanna try something new. Blogging came to mind almost instantly. Narinig ko din sa mga kaibigan na masarap at masaya magblog. Naisip ko lang.. “Oh sige, magba-blog ako!”

So I made one – a personal blog. It was supposed to be my emotional trashbin. Kapag topakin, didiretso sa blog. Pag sobrang saya, ishe-sheyr sa blog. Kapag emo naman, sa blog din ang tuloy. Yun lang yun.. sa umpisa. But as months went by, I started gaining online friends. New faces. New voices. We’d meet-up, eat good food, laugh at corny jokes, and make sensible conversations. They are basically strangers.. Met them once or twice. But I know that they are good people. Good friends.

OTEP is one of them.

Otep’s blog Libre Lang Mangarap has been nominated in the Philippine Blog Awards 2011 in the Bloggers’ Choice category. If you haven’t visited Otep’s blog, bisitahin mo na. Dali!! ☺ Bigyan kita ng konting ideya…

Otep’s posts are funny. HONEST and funny. Feeling ko pag binabasa ko ang mga sulat nya, talagang kasama ako sa experience. He talks about his life.. his dreams. Ramdam ko ang saya sa pagtupad ng mga mumunting pangarap, at ang lungkot sa mga small disappointments. I smile while reading his articles.. I even find inspiration in his stories. At kapag andito ka sa blog nya,  you WILL be reading his posts from beginning to end, because he has a very unique way of presenting his thoughts.

Hindi sya boring. Nakakaaliw. ☺

Which is why, I have no hesitations whatsoever to promote his blog and to invite all of you to vote for him, as well. I see something great in Otep, which I hope you WILL see, too. He’s a genuine soul.. and he deserves our votes. Tayo na’t mangarap!

I vote for Libre Lang Mangarap for the 2011 Philippine Blog Awards Bloggers’ Choice.

“Sa lahat ng mga nangangarap!! LIBRE  lang po!!” – Otep

Clap. Clap. Clap. I couldn’t have said it any better myself. ☺

Anporgetabol..

November 9, 2011 § 18 Comments

Hindi ko makalimutan..

  • Ang malakas na sigaw “1..2..3.. PUSH!!” ni Bernard.
  • Ang mga swabeng “da-moves” ni Joel. ( Haha! Di ako maka getover.. ang galing gumiling! lols.. Hataw pa, admin! )
  • Ang pagiging leader ni Boni.
  • Ang pagiging makulit ni Otep. ( awww.. I really miss Otep. Sobra. )
  • Ang pagiging malambing ni Kurog. ( eto ding isa.. Miss ko na din.. Gawd. I wish meron akong baby brother.. )
  • Ang song numbers ni Roanne. ( Idol! )
  • Ang Beach Hut modelling ni Katherine.
  • Ang KBL at papaya ni Melissa. ( Sarap!! )
  • Ang pagiging documentary/reality show host ni Bino. ( Survivor: Guimaras! )
  • Ang mga nakakatuwang pose ni Xander. ( .. lalo na sa videoke. lols. )
  • Ang mamahaling camera/lens/whatnots at magagandang shots ni Nong Mark. (Ang aming mahal na Poon.)
  • Ang mga instagrams ni Mark Bryan.
  • Ang libreng Starbucks coffee ni Cuteberl. ( Sarap talaga pag libre.. hihi. )
  • Ang dance moves at split ni CJ. (… your love’s put me at the top of the worlllddd.. )
  • Ang mga linyang “So… there.” at yung “Bino! Bakit mo hinawakan yung dede ng ale?” ni John. ( Hahahaha!! Natatawa pa din ako dito.. lels.)

Ang saya lang ng Iloilo trip. ♥ Next stop.. BAGUIO!

Woot! Bukas, ihahanda ko na mga damit kong pang winter..

Ublog

November 1, 2011 § 18 Comments

Gawa ni Kurog

Makikita’t makikilala ko na sila..

  • Ang mga “bigtime” na sina Boni, Joel, Bernard at John.
  • Ang cute couple na sina Zyra at Lester.
  • Ang makulit na sina Kurog at Otep.
  • Ang magagandang sina Roanne, Katherine at Zen.
  • Ang misteryosong si Tus.
  • Ang poging si Mark Bryan.

Makikita kung muli..

  • si Bino at Mhelisa na mabait.
  • si Xander at CJ na makulit.
  • Si Berlin na sweet.

Kitakits dito sa Iloilo! ♥

Boo!

October 31, 2011 § 4 Comments

Dumaan ka. Hmm.

Halloween nga, pero I don’t do trick-or-treating. At wala din akong kendi dito. Daan lang. See the knife? It’s only 4inches, but you’ll feel me. Yeah. Walk away.. walk away.

Boo!

LOL. Pagpasensyahan.. Serial killer ang drama ko ngayong gabi. Walang magawa ih. Hihi..

Happy Halloween!

Domain at Pera

October 10, 2011 § 12 Comments

Gusto mo ba ng domain?

I’m sure, gusto mo. Sino ba naman ang aayaw sa isang one-year FREE domain? O ha! Ako, nabigyan nako ng sariling blog domain. Ang sarap ng feeling. Hehe. Libre nga kasi. lol.

Gusto ko din sana ng kwarta eh..  3 thousand pesos, okay na. Sana merong magbigay (hindi pahiram o pautang) ng 3 thousand pesos. Bibili kasi ako ng  house and lot. Hihi. Joke. ☺

Tumambay na lang tayo sa Damuhan. Meron kasing grasyang ipamimigay dun.. domain at kwarta.

Tara! Baka swertehin tayo. ☺

Ferris Wheel

October 4, 2011 § 16 Comments

Ang taas! Parang ang sarap sumigaw.. "I'm the KING of the Wooorld!!" Sa halip, eto lang ang aking nabanggit.. "Mommy, mommy! I'm scared!"

 

Setting:  EK adventure. August 27, 2011.

Photographer: Anthony Carlo

Model: Xander Catiero

☺ ☺ ☺

Ito ang aking lahok, bilang pagsuporta sa patimpalak ni Bulakbolero.

I thank you. Bow.

Smile na! ☺

September 23, 2011 § 27 Comments

Isang Minutong SMILE

Sabi nila, hindi lahat ng nakangiti, masaya.

Tama ba? Ewan ko.. Siguro nga.

Pero eto lang kasi, sa aking pagkakaintindi,

Gumaganda’t gumagwapo ang lahat ng nakangiti.

Uuy…. Ngingiti na sya.

Maraming salamat sa mga sponsors nitong SMILE Quotes Contest.

Field of Dreams, Alohagems on Squidoo, ISP101 at from the dungeon.

…………………………………………

Ang ngiti ay isang lenggwaheng naiintindihan ng lahat ng tao. Magkaiba man ang salita, magkaiba man ang kulay, magkaiba man ang lahi.. isang ngiti lang, okay na. Ito ay isang lenggwahe na kahit isang sanggol ay makakaintindi. Isang SMILE lang, nagkakaintindihan na.

Pag tayoý naka SMILE, tayoý gumaganda’t gumagwapo. Totoo yun. Kaya nga sa mga photo shoots, madalas tayong binibilinan ng photographer na kapag nakaharap na tayo sa camera, dapat raw ay mag-SMILE. Mas maganda nga namang tingnan yung isang tao na merong isang matamis na ngiti sa labi, kesa sa isang taong lagi na lang nakasimangot.

Kapag tayoý nakangiti, nagbabago rin ang ating hitsura.  Hindi mo na kelangan pang magpa facelift. Hindi na kelangan pang magpa BELO. Ngumiti ka lang, instant makeover na.

Oh ha! Ang cute, diba? Hihi. Kaya SMILE na. Wag nang umarte. Walang gastos. Libre na nga, gagwapo’t gaganda ka pa.

Ehem! Ngingiti na yan….. ☺ ☺ ☺ ☺ ☺

  • Enter your email address to follow this blog and receive notifications of new posts by email.

    Join 1,183 other followers

  • Archives